1 Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: 2 Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; 3 Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; 4 Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: 5 Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo: 6 Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi. 7 Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo. 8 Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: 9 Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg. 10 Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan. 11 Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala; 12 Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; 13 Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam; 14 Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot: 15 Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas: 16 Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo. 17 Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon: 18 At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay. 19 Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon. 20 Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; 21 Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: 22 Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? 23 Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. 24 Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; 25 Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: 26 Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; 27 Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. 28 Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: 29 Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. 30 Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: 31 Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. 32 Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila. 33 Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.
1 The proverbs of Solomon the son of David, king of Israel;2 To know wisdom and instruction; to perceive the words of understanding;3 To receive the instruction of wisdom, justice, and judgment, and equity;4 To give prudence to the simple, to the young man knowledge and discretion.5 A wise man will hear, and will increase learning; and a man of understanding shall attain unto wise counsels:6 To understand a proverb, and the interpretation; the words of the wise, and their riddles.7 The fear of the LORD is the beginning of knowledge: but fools despise wisdom and instruction.8 My son, hear the instruction of your father, and forsake not the law of your mother:9 For they shall be an ornament of grace unto your head, and chains about your neck.10 My son, if sinners entice you, consent not.11 If they say, Come with us, let us lie in wait for blood, let us lurk secretly for the innocent without cause:12 Let us swallow them up alive as the grave; and whole, as those that go down into the pit:13 We shall find all kinds of precious substance, we shall fill our houses with spoil:14 Cast in your lot among us; let us all have one purse:15 My son, walk not in the way with them; refrain your foot from their path:16 For their feet run to evil, and make haste to shed blood.17 Surely in vain the net is spread in the sight of any bird.18 And they lie in wait for their own blood; they lurk secretly for their own lives.19 So are the ways of everyone that is greedy of gain; which takes away the life of its owners.20 Wisdom cries aloud outside; she raises her voice in the open square:21 She cries in the chief place of concourse, in the openings of the gates: in the city she utters her words, saying,22 How long, you simple ones, will you love simplicity? and the scoffers delight in their scoffing, and fools hate knowledge?23 Turn you at my reproof: behold, I will pour out my spirit unto you, I will make known my words unto you.24 Because I have called, and you refused; I have stretched out my hand, and no man regarded;25 But you have ignored all my counsel, and would have none of my reproof:26 I also will laugh at your calamity; I will mock when your fear comes;27 When your terror comes as desolation, and your destruction comes as a whirlwind; when distress and anguish comes upon you.28 Then shall they call upon me, but I will not answer; they shall seek me early, but they shall not find me:29 Because they hated knowledge, and did not choose the fear of the LORD:30 They would have none of my counsel: they despised all my reproof.31 Therefore shall they eat of the fruit of their own way, and be filled with their own devices.32 For the turning away of the simple shall slay them, and the prosperity of fools shall destroy them.33 But whosoever hearkens unto me shall dwell safely, and shall be secure from the fear of evil.