1 Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda. 2 Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay. 3 Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod. 4 Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo: 5 Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran. 6 Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao: 7 Sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata. 8 Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag, baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon, pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa. 9 Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba: 10 Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo, at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis. 11 Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak. 12 Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto, gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig. 13 Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani, gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya; sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon. 14 Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan. 15 Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto. 16 Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo; baka ka masuya, at iyong isuka. 17 Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa; baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka. 18 Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak, at isang matulis na pana. 19 Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa. 20 Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa, gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso. 21 Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain; at kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom: 22 Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo, at gagantihin ka ng Panginoon. 23 Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan: gayon ang dilang maninirang puri ay nakagagalit. 24 Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay. 25 Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa, gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain. 26 Kung paano ang malabong balon, at ang bukal na nalabusaw, gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama. 27 Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian. 28 Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta.
1 These are also proverbs of Solomon, which the men of Hezekiah king of Judah copied.2 It is the glory of God to conceal a thing: but the honor of kings is to search out a matter.3 The heaven for height, and the earth for depth, and the heart of kings is unsearchable.4 Take away the dross from the silver, and there shall come forth a vessel for the refiner.5 Take away the wicked from before the king, and his throne shall be established in righteousness.6 Put not forth yourself in the presence of the king, and stand not in the place of great men:7 For better it is that it be said unto you, Come up here; than that you should be put lower in the presence of the prince whom your eyes have seen.8 Go not forth hastily to court, lest you know not what to do in the end, when your neighbor has put you to shame.9 Debate your cause with your neighbor himself; and disclose not a secret to another:10 Lest he that hears it put you to shame, and the evil report turns not away.11 A word fitly spoken is like apples of gold in settings of silver.12 As an earring of gold, and an ornament of fine gold, so is a wise reprover upon an obedient ear.13 As the cold of snow in the time of harvest, so is a faithful messenger to them that send him: for he refreshes the soul of his masters.14 Whosoever boasts about himself of a gift not given is like clouds and wind without rain.15 By long patience is a prince persuaded, and a gentle tongue breaks the bone.16 Have you found honey? eat only as much as is sufficient for you, lest you be filled with it, and vomit it.17 Withdraw your foot from your neighbor's house; lest he be weary of you, and so hate you.18 A man that bears false witness against his neighbor is a club, and a sword, and a sharp arrow.19 Confidence in an unfaithful man in time of trouble is like a broken tooth, and a foot out of joint.20 As he that takes away a garment in cold weather, and as vinegar upon soda, so is he that sings songs to a heavy heart.21 If your enemy is hungry, give him bread to eat; and if he is thirsty, give him water to drink:22 For you shall heap coals of fire upon his head, and the LORD shall reward you.23 The north wind brings forth rain: so does a backbiting tongue an angry countenance.24 It is better to dwell in the corner of the housetop, than with a contentious woman in a whole house.25 As cold water is to a thirsty soul, so is good news from a far country.26 A righteous man falling down before the wicked is as a muddied fountain, and a polluted spring.27 It is not good to eat much honey: so for men to search out their own glory is not glory.28 He that has no rule over his own spirit is like a city that is broken down, and without walls.