1 Ang hula na salita ng Panginoon laban sa lupain ng Hadrach, at Damasco ang magiging pahingahang dako niyaon, (sapagka't ang mata ng tao at ang lahat ng mga lipi ng Israel ay nasa Panginoon); 2 At gayon din sa Hamath, na kahangganan nito; sa Tiro at Sidon, sapagka't sila'y totoong pantas. 3 At ang Tiro ay nagtayo ng katibayan, at nagbunton ng pilak na parang alabok, at ng mainam na ginto na parang putik sa mga lansangan. 4 Narito, aalisan siya ng Panginoon, at kaniyang sisirain sa dagat ang kapangyarihan niya; at siya'y lalamunin ng apoy. 5 Makikita ng Ascalon, at matatakot; ng Gaza rin, at mamamanglaw na mainam, at ng Ecron, sapagka't ang kaniyang pagasa ay mapapahiya; at ang hari ay mamamatay sa Gaza, at ang Ascalon ay hindi tatahanan. 6 At isang anak sa ligaw ay tatahan sa Asdod, at aking puputulin ang kapalaluan ng mga Filisteo. 7 At aking aalisin ang kaniyang dugo sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga kasuklamsuklam sa pagitan ng kaniyang mga ngipin; at siya nama'y maiiwan para sa ating Dios: at siya'y magiging gaya ng pangulo sa Juda, at ang Ecron ay gaya ng Jebuseo. 8 At ako'y magtitirik ng kampamento sa palibot ng aking bahay laban sa hukbo, na walang makadadaan ni makababalik; at walang mamimighati na daraan pa sa mga yaon: sapagka't ngayo'y tumingin ako ng aking mga mata. 9 Magalak kang mainam, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae. 10 At aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. 11 Tungkol sa iyo naman, dahil sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig. 12 Mangagbalik kayo sa katibayan, kayong mga bilanggo na may pag-asa, ngayo'y aking inihahayag na aking igagawad sa inyo na makalawa. 13 Sapagka't aking binaluktot ang Juda para sa akin, aking inakmaan ang Ephraim ng busog; at aking gigisingin ang iyong mga anak, Oh Sion, laban sa iyong mga anak, Oh Grecia, at gagawin kitang parang tabak ng makapangyarihang lalake. 14 At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak, at yayaon na kasama ng mga ipoipo sa timugan. 15 Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo; at sila'y mangananakmal, at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos; at sila'y magsisiinom, at mangagiingay na gaya ng sa alak; at sila'y mangapupunong parang mga taza, parang mga sulok ng dambana. 16 At ililigtas sila ng Panginoon nilang Dios sa araw na yaon na gaya ng kawan ng kaniyang bayan; sapagka't magiging gaya ng mga bato ng isang putong na nataas sa mataas sa kaniyang lupain. 17 Sapagka't pagkalaki ng kaniyang kabutihan, at pagkalaki ng kaniyang kagandahan! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata, at ng bagong alak ang mga dalaga;
1 The burden of the word of the LORD is against the land of Hadrach, and will rest upon Damascus: when the eyes of man, as of all the tribes of Israel, shall be toward the LORD.2 And Hamath also, which borders on it; and against Tyre, and Sidon, though they are very wise.3 And Tyre did build herself a stronghold, and heaped up silver as the dust, and fine gold as the mire of the streets.4 Behold, the Lord will cast her out, and he will destroy her power in the sea; and she shall be devoured with fire.5 Ashkelon shall see it, and fear; Gaza also shall see it, and be very sorrowful, and Ekron; for her expectation shall be ashamed; and the king shall perish from Gaza, and Ashkelon shall not be inhabited.6 And a mixed race shall dwell in Ashdod, and I will cut off the pride of the Philistines.7 And I will take away his blood out of his mouth, and his abominations from between his teeth: but he that remains, even he, shall be for our God, and he shall be like a leader in Judah, and Ekron like a Jebusite.8 And I will encamp about my house because of the army, because of him that passes by, and because of him that returns: and no oppressor shall pass through them any more: for now have I seen with my eyes.9 Rejoice greatly, O daughter of Zion; shout, O daughter of Jerusalem: behold, your King comes unto you: he is just, and having salvation; lowly, and riding upon a donkey, and upon a colt the foal of a donkey.10 And I will cut off the chariot from Ephraim, and the horse from Jerusalem, and the battle bow shall be cut off: and he shall speak peace unto the nations: and his dominion shall be from sea even to sea, and from the river even to the ends of the earth.11 As for you also, because of the blood of your covenant I have sent forth your prisoners out of the pit in which is no water.12 Turn you to the stronghold, you prisoners of hope: even today do I declare that I will restore double unto you;13 When I have bent Judah as my bow, filled the bow with Ephraim, and raised up your sons, O Zion, against your sons, O Greece, and made you like the sword of a mighty man.14 And the LORD shall be seen over them, and his arrow shall go forth as the lightning: and the Lord GOD shall blow the trumpet, and shall go with whirlwinds of the south.15 The LORD of hosts shall defend them; and they shall devour, and subdue with sling stones; and they shall drink, and roar as with wine; and they shall be filled with blood like bowls, and like the corners of the altar.16 And the LORD their God shall save them in that day as the flock of his people: for they shall be as the jewels of a crown, lifted up as a banner over his land.17 For how great is his goodness, and how great is his beauty! grain shall make the young men cheerful, and new wine the maidens.