Publicidade

2 Reis 10

1 Si Achab nga'y may pitong pung anak sa Samaria. At sumulat si Jehu ng mga sulat, at ipinadala sa Samaria, sa mga pinuno sa Jezreel, sa makatuwid baga'y sa mga matanda, at sa kanila na tagapagalaga sa mga anak ni Achab, na nagsasabi, 2 At pagdating nga ng sulat na ito sa inyo, sa paraang ang mga anak ng inyong panginoon ay kasama ninyo, at mayroon kayong mga karo at mga kabayo, at bayan na nakukutaan naman, at sakbat; 3 Piliin ninyo ang pinaka mainam at ang pinaka marapat sa mga anak ng inyong panginoon, at iupo ninyo sa luklukan ng kaniyang ama, at ipakipaglaban ang sangbahayan ng inyong panginoon. 4 Nguni't sila'y natakot na mainam, at nagsabi, Narito, ang dalawang hari ay hindi nagsitayo sa harap niya: paano ngang tayo'y tatayo? 5 At ang katiwala, at ang tagapamahala ng bayan, gayon din ang mga matanda, at ang mga tagapagalaga sa mga bata, ay nagsipagsugo kay Jehu, na nagsisipagsabi, Kami ay iyong mga lingkod, at gagawin namin ang lahat na iyong iuutos sa amin; hindi namin gagawing hari ang sinoman; gawin mo ang mabuti sa iyong mga mata. 6 Nang magkagayo'y sumulat siya ng isang sulat na ikalawa sa kanila, na nagsasabi, Kung kayo'y sasa aking siping, at kung inyong didinggin ang aking tinig, kunin ninyo ang mga ulo ng mga lalake na mga anak ng inyong panginoon, at magsiparito kayo sa akin sa Jezreel sa kinabukasan sa may ganitong panahon. Ang mga anak nga ng hari, yamang pitong pung katao ay nangasa kasamahan ng mga dakilang tao sa bayan, na nagalaga sa kanila. 7 At nangyari, nang ang sulat ay dumating sa kanila, na kanilang kinuha ang mga anak ng hari, at pinagpapatay sila, pitongpung katao, at inilagay ang kanilang mga ulo sa mga batulang na ipinadala sa kaniya sa Jezreel. 8 At dumating ang isang sugo, at isinaysay sa kaniya, na sinasabi, Kanilang dinala ang mga ulo ng mga anak ng hari. At kaniyang sinabi, Inyong ihanay ng dalawang bunton sa pasukan ng pintuang-bayan hanggang sa kinaumagahan. 9 At nangyari, sa kinaumagahan, na siya'y lumabas, at tumayo, at nagsabi sa buong bayan, Kayo'y mga matuwid: narito, aking pinagbantaan ang aking panginoon, at pinatay siya, nguni't sinong sumakit sa lahat ng ito? 10 Talastasin ninyo ngayon na walang mahuhulog sa lupa sa salita ng Panginoon, na sinalita ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ni Achab: sapagka't ginawa ng Panginoon ang kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias. 11 Sa gayo'y sinaktan ni Jehu ang lahat na nalabi sa sangbahayan ni Achab sa Jezreel, at ang lahat niyang dakilang tao, at ang kaniyang mga kasamasamang kaibigan, at ang kaniyang mga saserdote, hanggang sa wala siyang inilabi. 12 At siya'y nagtindig at yumaon, at naparoon sa Samaria. At samantalang siya'y nasa pagupitang-bahay ng mga pastor sa daan, 13 Ay nasalubong ni Jehu ang mga kapatid ni Ochozias na hari sa Juda, at sinabi, Sino kayo? At sila'y nagsisagot, Kami ay mga kapatid ni Ochozias: at kami ay nagsilusong upang magsibati sa mga anak ng hari at mga anak ng reina. 14 At kaniyang sinabi, Hulihin ninyo silang buhay. At hinuli nila silang buhay, at pinatay sa hukay ng pagupitang-bahay, sa makatuwid baga'y apat na pu't dalawang lalake; hindi nagiwan ng sinoman sa kanila. 15 At nang siya'y makayaon mula roon, kaniyang nasumpungan si Jonadab na anak ni Rechab na sumasalubong sa kaniya: at kaniyang binati siya, at nagsabi sa kaniya, Ang iyo bang puso ay tapat, na gaya ng aking puso sa iyong puso? At sumagot si Jonadab, Tapat. Kung gayon, iabot mo sa akin ang iyong kamay. At iniabot niya sa kaniya ang kaniyang kamay; at isinampa niya siya sa loob ng karo. 16 At kaniyang sinabi, Sumama ka sa akin at tingnan mo ang aking sikap sa Panginoon. Sa gayo'y kanilang pinasakay sila sa kaniyang karo. 17 At nang siya'y dumating sa Samaria, kaniyang sinaktan ang lahat na nalabi kay Achab sa Samaria, hanggang sa kaniyang naibuwal siya, ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita kay Elias. 18 At pinisan ni Jehu ang buong bayan, at sinabi sa kanila, Si Achab ay naglingkod kay Baal ng kaunti: nguni't si Jehu ay maglilingkod sa kaniya ng marami. 19 Ngayon nga'y tawagin ninyo sa akin ang lahat na propeta ni Baal, ang lahat niyang mananamba, at ang lahat niyang mga saserdote; huwag may magkulang; sapagka't mayroon akong dakilang haing gagawin kay Baal; sinomang magkulang ay hindi mabubuhay. Nguni't ginawa ni Jehu na may katusuhan, na ang nasa ay kaniyang malipol ang mga mananamba kay Baal. 20 At sinabi ni Jehu, Magdaos kayo ng isang dakilang kapulungan kay Baal. At kanilang itinanyag yaon. 21 At nagsugo si Jehu sa buong Israel, at ang lahat ng mananamba kay Baal ay nagsiparoon, na anopa't walang naiwan na hindi naparoon. At sila'y nagsipasok sa bahay ni Baal; at ang bahay ni Baal ay napuno sa magkabikabilang dulo. 22 At sinabi niya sa kaniya na katiwala sa bihisang-silid, Ilabas mo ang mga kasuutang para sa lahat na mananamba kay Baal. At nilabasan niya sila ng mga kasuutan. 23 At si Jehu, at si Jonadab na anak ni Rechab, ay pumasok sa bahay ni Baal; at kaniyang sinabi sa mga mananamba kay Baal, Kayo'y magsihanap, at magsipagmasid kayo na huwag magkaroon sa kasamahan ninyo ng mga lingkod ng Panginoon, kundi mga mananamba kay Baal lamang. 24 At sila'y nagsipasok na nangaghandog ng mga hain at ng mga handog na susunugin. Si Jehu nga ay naghalal para sa kaniya ng walongpung lalake sa labas, at nagsabi, Kung sinoman sa mga lalake na aking dalhin sa inyong mga kamay ay makatanan ang buhay ng nagpakawala ay isasagot sa buhay niyaon. 25 At nangyari, pagkatapos niyang makapaghandog ng mga handog na susunugin, na sinabi ni Jehu sa bantay at sa mga punong kawal, Kayo'y magsipasok at inyo silang patayin; huwag makalabas ang sinoman. At sinaktan nila sila ng talim ng tabak; at inihagis sila sa labas ng bantay, at ng mga punong kawal, at nagsiparoon sa bayan ng bahay ni Baal. 26 At kanilang inilabas ang mga haligi na pinakaalaala na nasa bahay ni Baal, at pinagsunog. 27 At kanilang sinira ang haligi na pinakaalaala kay Baal, at sinira ang bahay ni Baal, at ginawang bahay na tapunan ng dumi, hanggang sa araw na ito. 28 Ganito ibinuwal ni Jehu si Baal, sa Israel. 29 Gayon ma'y ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang pinapagkasala sa Israel, hindi mga hiniwalayan ni Jehu, sa makatuwid baga'y ang pagsunod sa mga guyang ginto na nangasa Beth-el, at nangasa Dan. 30 At sinabi ng Panginoon kay Jehu, Sapagka't ikaw ay gumawa ng mabuti sa paggawa ng matuwid sa harap ng aking mga mata, at iyong ginawa sa sangbahayan ni Achab ang ayon sa nasa aking buong puso, ang iyong mga anak sa ikaapat na lahi ay uupo sa luklukan ng Israel. 31 Nguni't si Jehu ay hindi nagingat na lumakad sa kautusan ng Panginoon, na Dios ng Israel, ng kaniyang buong puso: siya'y hindi humiwalay sa mga kasalanan ni Jeroboam, na kaniyang ipinagkasala sa Israel. 32 Nang mga araw na yaon ay pinasimulan ng Panginoon na pinaikli ang Israel: at sinaktan sila ni Hazael sa lahat ng mga hangganan ng Israel; 33 Mula sa Jordan, hanggang sa silanganan, ang buong lupain ng Galaad, ang mga Gadita, at ang mga Rubenita at ang mga Manasita, mula sa Aroer, na nasa siping ng libis ng Arnon, hanggang sa Galaad at Basan. 34 Ang iba nga sa mga gawa ni Jehu, at ang lahat niyang ginawa, at ang buo niyang kapangyarihan, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 35 At si Jehu ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang: at inilibing nila siya sa Samaria. At si Joachaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 36 At ang panahon na ipinaghari ni Jehu sa Israel sa Samaria ay dalawangpu't walong taon.

1 And Ahab had seventy sons in Samaria. And Jehu wrote letters, and sent to Samaria, unto the rulers of Jezreel, to the elders, and to them that brought up Ahab’s children, saying,2 Now as soon as this letter comes to you, seeing your master’s sons are with you, and there are with you chariots and horses, a fortified city also, and armor;3 Choose the best and fittest of your master’s sons, and set him on his father’s throne, and fight for your master’s house.4 But they were exceedingly afraid, and said, Behold, two kings stood not before him: how then shall we stand?5 And he that was over the house, and he that was over the city, the elders also, and the guardians of the children, sent to Jehu, saying, We are your servants, and will do all that you shall bid us; we will not make any king: do you that which is good in your eyes.6 Then he wrote a letter the second time to them, saying, If you are mine, and if you will hearken unto my voice, take you the heads of the men, your master’s sons, and come to me to Jezreel by tomorrow this time. Now the king’s sons, being seventy persons, were with the great men of the city, who brought them up.7 And it came to pass, when the letter came to them, that they took the king’s sons, and slew seventy persons, and put their heads in baskets, and sent them to him at Jezreel.8 And there came a messenger, and told him, saying, They have brought the heads of the king’s sons. And he said, Lay them in two heaps at the entrance of the gate until the morning.9 And it came to pass in the morning, that he went out, and stood, and said to all the people, You are righteous: indeed, I conspired against my master, and slew him: but who slew all these?10 Know now that there shall fall unto the earth nothing of the word of the LORD, which the LORD spoke concerning the house of Ahab: for the LORD has done that which he spoke by his servant Elijah.11 So Jehu slew all that remained of the house of Ahab in Jezreel, and all his great men, and his close associates, and his priests, until he left him none remaining.12 And he arose and departed, and came to Samaria. And as he was at the shearing house in the way,13 Jehu met with the brethren of Ahaziah king of Judah, and said, Who are you? And they answered, We are the brethren of Ahaziah; and we are going down to greet the children of the king and the children of the queen.14 And he said, Take them alive. And they took them alive, and slew them at the pit of the shearing house, even two and forty men: neither left he any of them.15 And when he was departed there, He met Jehonadab the son of Rechab coming to meet him: and he greeted him, and said to him, Is your heart right, as my heart is with your heart? And Jehonadab answered, It is. If it be, give me your hand. And he gave him his hand; and he took him up to him into the chariot.16 And he said, Come with me, and see my zeal for the LORD. So they had him ride in his chariot.17 And when he came to Samaria, he slew all that remained unto Ahab in Samaria, till he had destroyed them, according to the saying of the LORD, which he spoke to Elijah.18 And Jehu gathered all the people together, and said unto them, Ahab served Baal a little; but Jehu shall serve him much.19 Now therefore call unto me all the prophets of Baal, all his servants, and all his priests; let none be missing: for I have a great sacrifice to do to Baal; whosoever shall be missing, he shall not live. But Jehu did it in subtlety, to the intent that he might destroy the worshippers of Baal.20 And Jehu said, Proclaim a solemn assembly for Baal. And they proclaimed it.21 And Jehu sent through all Israel: and all the worshippers of Baal came, so that there was not a man left that came not. And they came into the house of Baal; and the house of Baal was full from one end to the other.22 And he said unto him that was over the vestry, Bring forth vestments for all the worshippers of Baal. And he brought them forth vestments.23 And Jehu went, and Jehonadab the son of Rechab, into the house of Baal, and said unto the worshippers of Baal, Search, and look that there be here with you none of the servants of the LORD, but the worshippers of Baal only.24 And when they went in to offer sacrifices and burnt offerings, Jehu appointed fourscore men outside, and said, If any of the men whom I have brought into your hands escape, he that lets him go, his life shall be for the life of him.25 And it came to pass, as soon as he had finished offering the burnt offering, that Jehu said to the guard and to the captains, Go in, and slay them; let none come forth. And they struck them with the edge of the sword; and the guard and the captains cast them out, and went to the city of the house of Baal.26 And they brought forth the images out of the house of Baal, and burned them.27 And they broke down the image of Baal, and broke down the house of Baal, and made it a refuse dump unto this day.28 Thus Jehu destroyed Baal out of Israel.29 However from the sins of Jeroboam the son of Nebat, who made Israel to sin, Jehu departed not from after them, that is, from the golden calves that were in Beth-el, and that were in Dan.30 And the LORD said unto Jehu, Because you have done well in executing that which is right in my eyes, and have done unto the house of Ahab according to all that was in my heart, your children of the fourth generation shall sit on the throne of Israel.31 But Jehu took no heed to walk in the law of the LORD God of Israel with all his heart: for he departed not from the sins of Jeroboam, who made Israel to sin.32 In those days the LORD began to cut off parts of Israel: and Hazael defeated them in all the territory of Israel;33 From the Jordan eastward, all the land of Gilead, the Gadites, and the Reubenites, and the Manassites, from Aroer, which is by the river Arnon, even Gilead and Bashan.34 Now the rest of the acts of Jehu, and all that he did, and all his might, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Israel?35 And Jehu slept with his fathers: and they buried him in Samaria. And Jehoahaz his son reigned in his stead.36 And the time that Jehu reigned over Israel in Samaria was twenty and eight years.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-