Publicidade

Juízes 11

1 Si Jephte nga na Galaadita ay lalaking makapangyarihang may tapang, at siya'y anak ng isang patutot: at si Jephte ay naging anak ni Galaad. 2 At ang asawa ni Galaad ay nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; at nang magsilaki ang mga anak ng kaniyang asawa ay kanilang pinalayas si Jephte, at sinabi nila sa kaniya, Ikaw ay hindi magmamana sa sangbahayan ng aming ama; sapagka't ikaw ay anak ng ibang babae. 3 Nang magkagayo'y tumakas si Jephte sa harap ng kaniyang mga kapatid, at tumahan sa lupain ng Tob: at doo'y nakipisan kay Jephte ang mga lalaking walang kabuluhan, at nagsilabas na kasama niya. 4 At nangyari pagkaraan ng ilang panahon, na ang mga anak ni Ammon ay nakipagdigma sa Israel. 5 At nangyari, nang lumaban ang mga anak ni Ammon sa Israel, na ang mga matanda sa Galaad ay naparoon upang sunduin si Jephte mula sa lupain ng Tob: 6 At kanilang sinabi kay Jephte, Halika't ikaw ay maging aming pinuno, upang kami ay makalaban sa mga anak ni Ammon. 7 At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad, Di ba kayo'y napoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa bahay ng aking ama? at bakit kayo'y naparito sa akin ngayon, pagka kayo'y nasa paghihinagpis? 8 At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte, Kaya't kami ay bumabalik sa iyo ngayon, upang ikaw ay makasama namin, at makipaglaban sa mga anak ni Ammon, at ikaw ay magiging pangulo naming lahat na taga Galaad. 9 At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad, Kung pauuwiin ninyo ako upang makipaglaban sa mga anak ni Ammon, at ibigay ng Panginoon sila sa harap ko, magiging pangulo ba ninyo ako? 10 At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte, Ang Panginoon ang maging saksi natin: tunay na ayon sa iyong salita ay siya naming gagawin. 11 Nang magkagayo'y si Jephte ay yumaong kasama ng mga matanda sa Galaad, at ginawa nila siyang pangulo at pinuno: at sinalita ni Jephte sa Mizpa ang lahat ng kaniyang salita sa harap ng Panginoon. 12 At nagsugo si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon, na nagsasabi, Anong ipinakikialam mo sa akin, na ikaw ay naparito sa akin upang lumaban sa aking lupain? 13 At isinagot ng hari ng mga anak ni Ammon sa mga sugo ni Jephte, Sapagka't sinakop ng Israel ang aking lupain, nang siya'y umahong galing sa Egipto, mula sa Arnon hanggang sa Jaboc, at hanggang sa Jordan: kaya't ngayo'y ibalik mo ng payapa ang mga lupaing yaon. 14 At nagsugo uli si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon: 15 At kaniyang sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ni Jephte, Hindi sumakop ang Israel ng lupain ng Moab, o ng lupain ng mga anak ni Ammon; 16 Kundi nang sila'y umahon mula sa Egipto, at ang Israel ay naglakad sa ilang hanggang sa Dagat na Mapula, at napasa Cades: 17 Nagsugo nga ang Israel ng mga sugo sa hari sa Edom, na nagsasabi, Isinasamo ko sa iyong paraanin mo ako sa iyong lupain: nguni't hindi dininig ng hari sa Edom. At gayon din nagsugo siya sa hari sa Moab; nguni't ayaw siya: at ang Israel ay tumahan sa Cades: 18 Nang magkagayo'y naglakad sila sa ilang, at lumiko sa lupain ng Edom, at sa lupain ng Moab, at napasa dakong silanganan ng lupain ng Moab, at sila'y humantong sa kabilang dako ng Arnon; nguni't hindi sila pumasok sa hangganan ng Moab, sapagka't ang Arnon ay siyang hangganan ng Moab. 19 At nagsugo ang Israel ng mga sugo kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na hari sa Hesbon; at sinabi ng Israel sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na paraanin mo kami sa iyong lupain hanggang sa aking dako. 20 Nguni't si Sehon ay hindi tumiwala sa Israel upang paraanin sa kaniyang hangganan: kundi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at humantong sa Jaas, at lumaban sa Israel. 21 At ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel si Sehon, at ang kaniyang buong bayan sa kamay ng Israel, at sinaktan nila sila: sa gayo'y inari ng Israel ang buong lupain ng mga Amorrheo, na mga tagaroon sa lupaing yaon. 22 At kanilang inari ang buong hangganan ng mga Amorrheo, mula sa Arnon hanggang sa Jaboc, at mula sa ilang hanggang sa Jordan. 23 Ngayon nga'y inalisan ng ari ng Panginoon, ng Dios ng Israel ang mga Amorrheo sa harap ng bayang Israel, at iyo bang aariin ang mga iyan? 24 Hindi mo ba aariin ang ibinigay sa iyo ni Chemos na iyong dios upang ariin? Sinoman ngang inalisan ng ari ng Panginoon naming Dios sa harap namin, ay aming aariin. 25 At ngayo'y gagaling ka pa ba sa anomang paraan kay Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab? siya ba'y nakipagkaalit kailan man sa Israel o lumaban kaya sa kanila? 26 Samantalang ang Israel ay tumatahan sa Hesbon at sa mga bayan nito, at sa Aroer at sa mga bayan nito, at sa lahat ng mga bayang nangasa tabi ng Arnon, na tatlong daang taon; bakit hindi ninyo binawi nang panahong yaon? 27 Ako nga'y hindi nagkasala laban sa iyo, kundi ikaw ang gumawa ng masama sa pakikipagdigma mo sa akin: ang Panginoon, ang Hukom, ay maging hukom sa araw na ito sa mga anak ni Israel at sa mga anak ni Ammon. 28 Nguni't hindi dininig ng hari ng mga anak ni Ammon ang mga salita ni Jephte na ipinaalam sa kaniya. 29 Nang magkagayo'y ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Jephte, at siya'y nagdaan ng Galaad at Manases, at nagdaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad ay nagdaan siya sa mga anak ni Ammon. 30 At nagpanata si Jephte ng isang panata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na iyong ibibigay ang mga anak ni Ammon sa aking kamay, 31 Ay mangyayari nga, na sinomang lumabas na sumalubong sa akin sa mga pintuan ng aking bahay, pagbalik kong payapa na galing sa mga anak ni Ammon, ay magiging sa Panginoon, at aking ihahandog na pinakahandog na susunugin. 32 Sa gayo'y nagdaan si Jephte sa mga anak ni Ammon upang lumaban sa kanila; at sila'y ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay. 33 At sila'y sinaktan niya ng di kawasang pagpatay mula sa Aroer hanggang sa Minnith, na may dalawang pung bayan, at hanggang sa Abelkeramim. Sa gayo'y sumuko ang mga anak ni Ammon sa mga anak ni Israel. 34 At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man. 35 At nangyari, pagkakita niya sa kaniya, na kaniyang hinapak ang kaniyang damit, at sinabi, Sa aba ko, aking anak! pinapakumbaba mo akong lubos, at ikaw ay isa sa mga bumabagabag sa akin: sapagka't aking ibinuka ang aking bibig sa Panginoon, at hindi na ako makapanumbalik. 36 At sinabi niya sa kaniya, Ama ko, iyong ibinuka ang iyong bibig sa Panginoon; gawin mo sa akin ang ayon sa ipinangusap ng iyong bibig; yamang ipinanghiganti ka ng Panginoon sa iyong mga kaaway, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Ammon. 37 At sinabi niya sa kaniyang ama, Ipagawa mo ang bagay na ito sa akin: pahintulutan mo lamang akong dalawang buwan, upang ako'y humayo't yumaon sa mga bundukin at aking itangis ang aking pagkadalaga, ako at ang aking mga kasama. 38 At kaniyang sinabi, Yumaon ka. At pinapagpaalam niya siyang dalawang buwan: at siya'y yumaon, siya at ang kaniyang mga kasama, at itinangis ang kaniyang pagkadalaga sa mga bundukin. 39 At nangyari, sa katapusan ng dalawang buwan, na siya'y nagbalik sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata: at siya'y hindi nasipingan ng lalake. At naging kaugalian sa Israel, 40 Na ipinagdidiwang taon taon ng mga anak na babae ng Israel ang anak ni Jephte na Galaadita, na apat na araw sa isang taon.

1 Now Jephthah the Gileadite was a mighty man of valor, and he was the son of a harlot: and Gilead begat Jephthah.2 And Gilead's wife bore him sons; and his wife's sons grew up, and they thrust out Jephthah, and said unto him, you shall not inherit in our father's house; for you are the son of another woman.3 Then Jephthah fled from his brethren, and dwelt in the land of Tob: and there were gathered worthless men to Jephthah, and went out with him.4 And it came to pass in process of time, that the children of Ammon made war against Israel.5 And it was so, that when the children of Ammon made war against Israel, the elders of Gilead went to get Jephthah out of the land of Tob:6 And they said unto Jephthah, Come, and be our captain, that we may fight with the children of Ammon.7 And Jephthah said unto the elders of Gilead, Did not you hate me, and expel me out of my father's house? and why are you come unto me now when you are in distress?8 And the elders of Gilead said unto Jephthah, Therefore we turn again to you now, that you may go with us, and fight against the children of Ammon, and be our head over all the inhabitants of Gilead.9 And Jephthah said unto the elders of Gilead, If you bring me home again to fight against the children of Ammon, and the LORD deliver them before me, shall I be your head?10 And the elders of Gilead said unto Jephthah, The LORD be witness between us, if we do not so according to your words.11 Then Jephthah went with the elders of Gilead, and the people made him head and captain over them: and Jephthah uttered all his words before the LORD in Mizpah.12 And Jephthah sent messengers unto the king of the children of Ammon, saying, What have you to do with me, that you are come against me to fight in my land?13 And the king of the children of Ammon answered unto the messengers of Jephthah, Because Israel took away my land, when they came up out of Egypt, from Arnon even unto Jabbok, and unto Jordan: now therefore restore those lands again peaceably.14 And Jephthah sent messengers again unto the king of the children of Ammon:15 And said unto him, Thus says Jephthah, Israel took not away the land of Moab, nor the land of the children of Ammon:16 But when Israel came up from Egypt, and walked through the wilderness unto the Red sea, and came to Kadesh;17 Then Israel sent messengers unto the king of Edom, saying, Let me, I pray you, pass through your land: but the king of Edom would not listen. And in like manner they sent unto the king of Moab: but he would not consent: and Israel abode in Kadesh.18 Then they went along through the wilderness, and went around the land of Edom, and the land of Moab, and came by the east side of the land of Moab, and encamped on the other side of Arnon, but came not within the border of Moab: for Arnon was the border of Moab.19 And Israel sent messengers unto Sihon king of the Amorites, the king of Heshbon; and Israel said unto him, Let us pass, we pray you, through your land into my place.20 But Sihon trusted not Israel to pass through his territory: but Sihon gathered all his people together, and encamped in Jahaz, and fought against Israel.21 And the LORD God of Israel delivered Sihon and all his people into the hand of Israel, and they defeated them: so Israel possessed all the land of the Amorites, the inhabitants of that country.22 And they possessed all the territory of the Amorites, from Arnon even unto Jabbok, and from the wilderness even unto Jordan.23 So now the LORD God of Israel has driven out the Amorites from before his people Israel, and should you possess it?24 Will you not possess that which Chemosh your god gives you to possess? So whomsoever the LORD our God shall drive out from before us, them will we possess.25 And now are you anything better than Balak the son of Zippor, king of Moab? did he ever strive against Israel, or did he ever fight against them,26 While Israel dwelt in Heshbon and its villages, and in Aroer and its villages, and in all the cities that are along by the borders of Arnon, three hundred years? why therefore did you not recover them within that time?27 Therefore I have not sinned against you, but you do me wrong to war against me: the LORD the Judge be judge this day between the children of Israel and the children of Ammon.28 However the king of the children of Ammon heeded not unto the words of Jephthah which he sent him.29 Then the spirit of the LORD came upon Jephthah, and he passed over Gilead, and Manasseh, and passed over Mizpah of Gilead, and from Mizpah of Gilead he passed over unto the children of Ammon.30 And Jephthah vowed a vow unto the LORD, and said, If you shall without fail deliver the children of Ammon into my hands,31 Then it shall be, that whatsoever comes forth of the doors of my house to meet me, when I return in peace from the children of Ammon, shall surely be the LORD'S, and I will offer it up for a burnt offering.32 So Jephthah passed over unto the children of Ammon to fight against them; and the LORD delivered them into his hands.33 And he crushed them from Aroer, even till you come to Minnith, even twenty cities, and unto the plain of the vineyards, with a very great slaughter. Thus the children of Ammon were subdued before the children of Israel.34 And Jephthah came to Mizpah unto his house, and, behold, his daughter came out to meet him with timbrels and with dances: and she was his only child; besides her he had neither son nor daughter.35 And it came to pass, when he saw her, that he tore his clothes, and said, Alas, my daughter! you have brought me very low, and you are one of them that trouble me: for I have opened my mouth unto the LORD, and I cannot go back.36 And she said unto him, My father, if you have opened your mouth unto the LORD, do to me according to that which has proceeded out of your mouth; since the LORD has taken vengeance for you of your enemies, even of the children of Ammon.37 And she said unto her father, Let this thing be done for me: let me alone two months, that I may go up and down upon the mountains, and lament my virginity, I and my companions.38 And he said, Go. And he sent her away for two months: and she went with her companions, and lamented her virginity upon the mountains.39 And it came to pass at the end of two months, that she returned unto her father, who did with her according to his vow which he had vowed: and she knew no man. And it was a custom in Israel,40 That the daughters of Israel went yearly to lament the daughter of Jephthah the Gileadite four days in a year.

Veja também

Publicidade
Juízes
Ver todos os capítulos de Juízes
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-