3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, 4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan; 5 At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa; 6 Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na;
Publicidade
1 Coríntios 15
Veja também
Publicidade