Pular para o conteúdo
Publicidade

10 Milagres de Jesus na Bíblia: Lista com versículos e explicação

Por Bíblia Online

Os milagres de Jesus são muito mais do que demonstrações de poder sobrenatural; eles são sinais que confirmam sua divindade e missão. Ao longo dos Evangelhos, vemos Cristo curando enfermos, dominando a natureza e vencendo a morte.

Neste guia, selecionamos 10 milagres de Jesus na Bíblia, organizados com referências e uma breve explicação sobre o impacto espiritual de cada um deles.

Os principais milagres de Jesus nos Evangelhos

1. Transformação da Água em Vinho

  • Referência: João 2:1-11

  • Explicação: Ocorreu nas Bodas de Caná. Sendo o seu primeiro milagre público, Jesus demonstrou autoridade sobre a matéria e a natureza, revelando sua glória aos discípulos e abençoando a instituição da família.

Ang Kasalan sa Cana

Pagkalipas ng dalawang araw, may ginanap na kasalan sa bayan ng Cana na sakop ng Galilea. Naroon ang ina ni Hesus, at naimbitahan din sina Hesus at ang mga alagad niya. Nang maubos na ang alak sa handaan, sinabihan si Hesus ng kanyang ina, "Ubos na ang alak."

Sumagot si Hesus, "Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko."

Sinabi ng ina ni Hesus sa mga katulong, "Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo."

May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Hudyo sa ritwal nilang paghuhugas. Ang bawat tapayan ay maaaring maglaman ng 75 hanggang 115 litrong tubig.

Sinabi ni Hesus sa mga katulong, "Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan." At pinuno nga nila ang mga ito.

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Sumalok kayo nang kaunti at dalhin sa namamahala ng handaan."

At dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. Tinikman niya ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling (bagamaʼt alam ito ng mga katulong na sumalok ng tubig). Kaya ipinatawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, "Kadalasan, ang pinakamasarap na alak muna ang inihahain, at kapag marami nang nainom ang mga panauhin, saka naman inilalabas ang mababang uri. Ngunit ikaw, ngayon mo lang inilabas ang masarap na alak."

Ang nangyaring ito sa Cana ng Galilea ang unang himala na ginawa ni Hesus kung saan ipinakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at sumampalataya sa kanya ang mga alagad niya.

2. Cura do cego de nascença

  • Referência: João 9:1-12

  • Explicação: Jesus usa lodo para curar um homem que nunca havia enxergado. Este milagre prova que Ele é a Luz do Mundo e tem poder para restaurar o que nasceu com defeito.

Pinagaling ni Hesus ang Isang Bulag

Habang naglalakad si Hesus, may nakita siyang isang lalaki. Ang lalaking ito ay ipinanganak na bulag. Tinanong si Hesus ng mga alagad niya, "Rabbi, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya?"

Sumagot si Hesus, "Hindi dahil sa kasalanan niya o ng mga magulang niya kaya ipinanganak siyang bulag. Nangyari ito upang maipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanya. Dapat na nating gawin ang mga ipinapagawa ng Diyos na siyang nagsugo sa akin habang araw pa, dahil pagsapit ng gabi ay wala nang makakapagtrabaho. Habang akoʼy nasa mundo, ako ang ilaw ng mundo."

Pagkasabi niya nito, dumura siya sa lupa, gumawa ng putik mula sa dura at ipinahid niya sa mata ng bulag. Sinabi ni Hesus sa bulag, "Pumunta ka sa paliguan ng Shiloam at maghilamos ka roon." (Ang ibig sabihin ng Siloam ay "Sinugo".) Pumunta nga roon ang bulag at naghilamos. Nang bumalik siya ay nakakakita na siya.

Dahil dito, nagtanungan ang mga kapitbahay niya at ang iba pang mga nakakita sa kanya noong namamalimos pa siya. Sinabi nila, "Hindi baʼt siya ang dating nakaupo at namamalimos?" Sinabi ng iba, "Siya nga."

Ngunit sinabi naman ng iba, "Hindi, kamukha lang niya iyon."

Kaya ang lalaki na mismo ang nagsabi, "Ako nga iyon."

"Paano ka nakakita?" tanong nila.

Sumagot siya, "Ang lalaking tinatawag na Hesus ay gumawa ng putik. Ipinahid niya ito sa mga mata ko at sinabi, Pumunta ka sa paliguan ng Siloam at maghilamos.Kaya pumunta ako roon at naghilamos, at pagkatapos ay nakakita na ako."

Nagtanong ang mga tao, "Nasaan na siya?"

Sumagot ang lalaki, "Hindi ko alam."

3. Multiplicação dos pães e peixes

  • Referência: Mateus 14:13-21

  • Explicação: Com apenas cinco pães e dois peixes, Jesus alimentou mais de 5 mil homens. Este sinal revela Cristo como o Pão da Vida, aquele que supre todas as nossas necessidades.

Pinakain ni Hesus ang Limang Libong Tao

Nang mabalitaan iyon ni Hesus, sumakay siya sa bangka at pumunta sa isang tahimik na lugar. Nang malaman ng mga tao mula sa ibaʼt ibang bayan na nakaalis na si Hesus, naglakad sila patungo sa lugar na pupuntahan niya. Kaya nang bumaba si Hesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit.

Nang magdapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, "Liblib ang lugar na ito at gumagabi na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain."

Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, "Hindi na nila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila."

Sumagot sila, "Mayroon lang po tayong limang tinapay at dalawang isda."

"Dalhin ninyo ang mga ito sa akin," ang sabi ni Hesus. Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang kaing. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga limang libo, maliban pa sa mga babae at mga bata.

4. Jesus acalma a tempestade

  • Referência: Marcos 4:35-41

  • Explicação: Com uma ordem, o vento e o mar se aquietam. O milagre ensina sobre a paz que excede o entendimento e a autoridade do Messias sobre a criação.

Pinatigil ni Hesus ang Malakas na Bagyo

Kinagabihan, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Tumawid tayo sa kabila ng lawa." Kaya iniwan nila ang mga tao at naglayag sakay ng bangkang sinakyan ni Hesus. May mga bangka ring sumunod sa kanila. Habang naglalayag sila, biglang bumagyo nang napakalakas. Hinampas ng malalaking alon ang bangka nila at halos mapuno na ito ng tubig. Si Hesus ay nasa hulihan ng bangka at natutulog nang nakaunan. Ginising siya ng mga alagad niya at sinabi sa kanya, "Guro, malulunod na tayo! Balewala lang ba ito sa inyo?"

Kaya bumangon siya at inutusan ang hangin, "Tigil!" at sinabihan ang lawa, "Kumalma ka!" Tumigil nga ang hangin at kumalma ang mga alon.

Tinanong niya ang mga alagad niya, "Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya sa akin?"

Takot na takot silang nag-usap-usap, "Sino ang taong ito? Kahit ang hangin at mga alon ay sumusunod sa kanya!"

5. Cura da mulher com fluxo de sangue

  • Referência: Marcos 5:25-34

  • Explicação: Uma cura que aconteceu pelo toque da fé. Jesus mostra que está atento ao sofrimento individual e que a fé é o canal para receber o milagre.

May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo. Maraming hirap na ang dinanas niya sa kamay ng ibaʼt ibang manggagamot. Naubos na rin ang lahat ng ari-arian niya sa pagpapagamot, pero sa halip na gumaling ay lalo pang lumala ang kanyang sakit. Nabalitaan niya ang tungkol kay Hesus, kaya nakipagsiksikan siya sa mga tao upang mahipo man lang ang damit ni Hesus. Naisip kasi niya, "Mahawakan ko lamang ang damit niya ay gagaling na ako." Biglang tumigil ang kanyang pagdurugo nang mahipo niya ang damit ni Hesus, at naramdaman niyang magaling na siya.

Agad namang naramdaman ni Hesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya lumingon siya at nagtanong, "Sino ang humawak sa damit ko?"

Sumagot ang mga alagad niya, "Sa dami po ng mga taong nagsisiksikan, bakit pa ninyo tinatanong kung sino ang humawak sa inyo?"

Ngunit patuloy siyang lumingon-lingon upang makita kung sino ang humipo sa kanya. Dahil alam ng babae kung ano ang nangyari sa kanya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Hesus, at ipinagtapat ang kanyang ginawa. Sinabi sa kanya ni Hesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Malaya ka na sa iyong paghihirap, kaya umuwi kang mapayapa."

6. Libertação do endemoninhado Gadareno

  • Referência: Marcos 5:1-20

  • Explicação: Jesus liberta um homem dominado por uma legião de espíritos. É a prova clara de sua autoridade absoluta sobre o reino das trevas.

Pinagaling ni Hesus ang Sinapian ng Demonyo

Dumating sila sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Geraseno. Pagbaba ni Hesus sa bangka, may isang lalaking lumabas mula sa mga kuwebang libingan para salubungin siya. Ang lalaking itoʼy sinasaniban ng masamáng espiritu, at doon na siya nakatira sa mga libingan. Hindi siya maigapos ng matagal kahit kadena pa ang gamitin nila. Ilang beses nang ikinadena ang mga kamay at paa niya, ngunit nilalagot lang niya ang mga ito. Walang nakakapigil sa kanya. Araw at gabi siyang sumisigaw sa libingan at kaburulan, at sinusugatan niya ng bato ang kanyang sarili.

Malayo pa lang ay natanaw na niya si Hesus kaya patakbo siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito. Sumigaw siya nang malakas, "Ano ang pakay mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan!" Sinabi niya ito sapagkat iniutos ni Hesus, "Ikaw na masamáng espiritu, lumabas ka sa taong iyan!"

Tinanong siya ni Hesus, "Ano ang pangalan mo?"

Sumagot siya, "Hukbo ang pangalan ko, kasi marami kami." At paulit-ulit itong nagmakaawa kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.

Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain sa gilid ng burol. Nagmakaawa kay Hesus ang mga demonyo, "Papuntahin mo na lang kami sa mga baboy; hayaan mo kaming pumasok sa kanila." Kaya pinayagan sila ni Hesus. Lumabas nga ang masasamáng espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ng baboy na may dalawang libo ay nagtakbuhan pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.

Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon at sa mga kalapit-nayon ang nangyari. Kaya nagdatingan ang mga tao upang alamin ang tunay na nangyari. Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong dating sinaniban ng hukbo ng masasamáng espiritu. Nakaupo siya at nakadamit, at matino na ang pag-iisip, kayaʼt natakot ang mga tao. Ikinuwento sa kanila ng mga nakasaksi kung ano ang nangyari sa taong iyon at sa mga baboy. Dahil dito, pinakiusapan ng mga tao si Hesus na umalis sa kanilang lugar.

Nang pasakay na si Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking dating sinapian ng demonyo na isama siya. Ngunit hindi pumayag si Hesus. Sa halip, sinabi niya sa lalaki, "Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan." Kaya umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat ng nakarinig.

7. Ressurreição da filha de Jairo

  • Referência: Marcos 5:21-43

  • Explicação: Jesus demonstra que a morte para Ele é como o sono. Ele restaura a vida de uma criança, trazendo esperança para uma família desesperada.

Ang Anak ni Jairo at ang Babaeng Dinudugo

Nang makabalik na sina Hesus sa kabilang ibayo ng lawa sakay ng bangka, nasa dalampasigan pa lamang siya ay naglapitan na agad ang napakaraming tao. Isa sa mga namumuno sa sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating doon. Pagkakita niya kay Hesus, lumuhod siya sa paanan ni Hesus at nagsumamo, "Nag-aagaw-buhay po ang anak kong dalagita, kaya kung maaari, sumáma po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, upang gumaling siya at mabuhay!" Kaya sumáma sa kanya si Hesus.

Sinundan siya ng napakaraming tao na nagsisiksikan sa kanya. May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo. Maraming hirap na ang dinanas niya sa kamay ng ibaʼt ibang manggagamot. Naubos na rin ang lahat ng ari-arian niya sa pagpapagamot, pero sa halip na gumaling ay lalo pang lumala ang kanyang sakit. Nabalitaan niya ang tungkol kay Hesus, kaya nakipagsiksikan siya sa mga tao upang mahipo man lang ang damit ni Hesus. Naisip kasi niya, "Mahawakan ko lamang ang damit niya ay gagaling na ako." Biglang tumigil ang kanyang pagdurugo nang mahipo niya ang damit ni Hesus, at naramdaman niyang magaling na siya.

Agad namang naramdaman ni Hesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya lumingon siya at nagtanong, "Sino ang humawak sa damit ko?"

Sumagot ang mga alagad niya, "Sa dami po ng mga taong nagsisiksikan, bakit pa ninyo tinatanong kung sino ang humawak sa inyo?"

Ngunit patuloy siyang lumingon-lingon upang makita kung sino ang humipo sa kanya. Dahil alam ng babae kung ano ang nangyari sa kanya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Hesus, at ipinagtapat ang kanyang ginawa. Sinabi sa kanya ni Hesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Malaya ka na sa iyong paghihirap, kaya umuwi kang mapayapa."

Habang kausap pa ni Hesus ang babae, dumating ang ilang tao mula sa bahay ni Jairo na isa sa mga namumuno sa sinagoga. Sinabi nila kay Jairo, "Patay na po ang anak ninyo. Kahit huwag nʼyo na pong abalahin ang guro."

Ngunit hindi pinansin ni Hesus ang sinabi nila. Sa halip, sinabi niya kay Jairo, "Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang."

Hindi pinayagan ni Hesus ang mga tao na sumáma sa kanya sa bahay ni Jairo maliban kay Pedro at sa magkapatid na Santiago at Juan. Pagdating nila roon, nakita ni Hesus ang kaguluhan, may mga umiiyak at humahagulgol. Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!" Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito.

Pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang alagad. Pagkatapos, pumasok sila sa kuwartong kinaroroonan ng bata. Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, "Talitha koum!" (na ang ibig sabihin ay "Ineng, bumangon ka"). Bumangon naman agad ang bata at naglakad-lakad (siyaʼy labindalawang taóng gulang). Labis ang pagkamangha ng mga nakasaksi sa nangyari. Ngunit mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag ipagsabi kahit kanino ang nangyari. Pagkatapos, sinabihan sila ni Hesus na bigyan ng makakain ang bata.

8. Jesus anda sobre as águas

  • Referência: Mateus 14:22-33

  • Explicação: Ao caminhar sobre o Mar da Galileia, Jesus mostra que não está sujeito às leis da física. O episódio também serve para tratar a fé e a dúvida no coração de Pedro.

Naglakad si Hesus sa Ibabaw ng Tubig

Pagkatapos, pinasakay agad ni Hesus sa bangka ang mga alagad niya at pinauna sa kabila ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. Nang makaalis na ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok para manalangin. Inabot na siya roon ng gabi. Sa oras na iyon, malayo na ang bangkang sinasakyan ng mga alagad niya. Sinasalpok ng malalaking alon ang bangka nila dahil pasalungat ito sa hangin.

Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Pagkakita ng mga alagad na may naglalakad sa tubig, kinilabutan sila. At napasigaw sila ng "Multo!" dahil sa matinding takot.

Ngunit agad na nagsalita si Hesus, "Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob."

Sumagot si Pedro sa kanya, "Panginoon, kung kayo nga iyan, papuntahin nʼyo ako diyan na naglalakad din sa tubig."

"Halika," sabi ni Hesus.

Kaya bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa tubig patungo kay Hesus. Ngunit nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, "Panginoon, iligtas nʼyo ako!"

Agad naman siyang inabot ni Hesus at sinabi, "Kay liit ng pananampalataya mo. Bakit ka nag-alinlangan?"

Pagkasakay nilang dalawa sa bangka, biglang tumigil ang malakas na hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka at sinabi, "Talagang kayo nga po ang Anak ng Diyos."

9. Cura do paralítico

  • Referência: Marcos 2:1-12

  • Explicação: Jesus cura o corpo, mas primeiro perdoa os pecados. Este milagre estabelece que sua missão principal é a reconciliação espiritual do homem com Deus.

Pinagaling ni Hesus ang Isang Paralitiko

Pagkalipas ng ilang araw, bumalik si Hesus sa Capernaum. Agad namang kumalat ang balitang naroon siya. Kaya napakaraming tao ang nagtipon doon sa tinutuluyan niya hanggang sa wala nang lugar kahit sa labas ng pintuan. Habang ipinapangaral niya sa kanila ang salita ng Diyos, may mga taong dumating kasama ang isang paralitikong buhat-buhat ng apat na lalaki. Dahil sa dami ng tao, hindi sila makalapit kay Hesus. Kaya binaklas nila ang bahagi ng bubong sa tapat ni Hesus at saka ibinaba ang paralitikong nasa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

Narinig ito ng ilang mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo roon. Sinabi nila sa kanilang sarili, "Bakit siya nagbitaw ng ganyang mga salita? Kalapastanganan ʼyan sa Diyos! Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!"

Alam ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? Alin ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,o Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad? Ngayon, patutunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan." At sinabi niya sa paralitiko, "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!"

Tumayo nga ang paralitiko, agad na binuhat ang kanyang higaan at lumabas habang nakatingin ang lahat. Namangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Sinabi nila, "Ngayon lang kami nakakita ng ganito."

10. Ressurreição de Lázaro

  • Referência: João 11:1-44

  • Explicação: O milagre mais impactante antes da crucificação. Ao ressuscitar alguém morto há quatro dias, Jesus declara: "Eu sou a ressurreição e a vida".

Ang Pagkamatay ni Lazaro

Ngayon, may isang lalaking maysakit na nakatira doon sa Betania na sakop ng Judea. Siya si Lazaro na kapatid ng dalawang babaeng nagngangalang Maria at Marta. (Si Maria ang babaeng kalaunaʼy magbubuhos ng pabango sa paa ng Panginoon at pagkatapos ay pupunasan niya ng kanyang buhok.) Nagkasakit si Lazaro, kaya nagpasabi ang magkapatid na Maria at Marta kay Hesus, "Panginoon, may sakit po ang minamahal ninyong kaibigan."

Nang mabalitaan ito ni Hesus, sinabi niya, "Hindi hahantong sa kamatayan ang sakit na ito. Nagkasakit siya upang maparangalan ang Diyos, nang sa gayoʼy maparangalan din ang Anak ng Diyos." Mahal ni Hesus ang magkakapatid na Marta, Maria at Lazaro. Ngunit nang mabalitaan niyang may sakit si Lazaro, nanatili pa siya nang dalawang araw sa kinaroroonan niya. Pagkalipas ng dalawang araw, sinabi niya sa mga alagad niya, "Bumalik na tayo sa Judea."

Sumagot sila, "Rabbi, kamakailan lang ay tinangka kayong batuhin ng mga Hudyo roon. Bakit pa kayo babalik doon?"

Sumagot si Hesus, "Hindi baʼt may labindalawang oras sa maghapon? Kaya ang naglalakad sa araw ay hindi natitisod, dahil maliwanag pa. Ngunit ang naglalakad sa gabi ay natitisod, dahil wala na sa kanya ang liwanag."

Pagkatapos, sinabi pa ni Hesus, "Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog. Pupunta ako roon upang gisingin siya."

Sinabi ng mga alagad niya, "Panginoon, kung natutulog siya, nangangahulugan ito na gumagaling na siya." Ang akala nilaʼy natutulog lang si Lazaro, pero ang ibig sabihin ni Hesus ay patay na ito.

Kaya tinapat sila ni Hesus, "Patay na si Lazaro. Ngunit nagpapasalamat ako na wala ako roon, upang magkaroon kayo ng pagkakataon na lalo pang sumampalataya sa akin. Tayo na, puntahan natin siya."

Si Tomas na tinatawag na Kambal. ay nagsabi sa mga kapwa niya alagad, "Sumama tayo sa kanya sa Judea, upang mamatay tayong kasama niya."

Si Hesus at ang Muling Pagkabuhay

Nang dumating si Hesus sa Betania, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro. Halos tatlong kilometro lang ang layo ng Betania sa Jerusalem, kaya maraming Hudyo mula sa Jerusalem ang dumalaw kina Marta at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid. Nang mabalitaan ni Marta na darating si Hesus, umalis ito para salubungin siya. Ngunit si Maria ay naiwan sa bahay.

Sinabi ni Marta kay Hesus, "Panginoon, kung nandito lang sana kayo ay hindi namatay ang kapatid ko. Ngunit kahit ngayon, alam kong ibibigay sa inyo ng Diyos ang anumang hilingin nʼyo sa kanya."

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Muling mabubuhay ang kapatid mo."

Sumagot si Marta, "Alam ko pong mabubuhay siyang muli sa huling araw, kapag bubuhayin na ang mga namatay."

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay. Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?"

Sumagot si Marta, "Opo, Panginoon, sumasampalataya ako na kayo ang Mesias, ang Anak ng Diyos, na darating dito sa mundo."

Pagkasabi niya nito, bumalik si Marta sa bahay nila. Tinawag niya ang kapatid niyang si Maria at binulungan, "Narito na ang Guro, at ipinapatawag ka niya." Nang marinig ito ni Maria, dali-dali siyang tumayo at pinuntahan si Hesus. Hindi pa nakakarating si Hesus sa nayong iyon. Naroon pa lang siya sa lugar kung saan sinalubong siya ni Marta. Nang makita ng mga nakikiramay na Hudyo na tumayo si Maria at dali-daling lumabas, sinundan nila siya sa pag-aakalang pupunta siya sa libingan upang doon tumangis.

Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Hesus, nagpatirapa siya sa harap nito at sinabi, "Panginoon, kung narito lang sana kayo ay hindi sana namatay ang kapatid ko."

Nabagbag ang puso ni Hesus at naawa siya nang makita niyang umiiyak si Maria, pati na ang mga kasama nitong mga Hudyo. Tinanong niya sila, "Saan ninyo siya inilibing?"

Sumagot sila, "Panginoon, halikayoʼt tingnan ninyo."

At si Hesus ay umiyak.

Kaya sinabi ng mga tao, "Tingnan ninyo kung gaano niya kamahal si Lazaro."

Ngunit sinabi naman ng iba, "Hindi baʼt pinagaling niya ang lalaking bulag? Bakit hindi niya nailigtas sa kamatayan si Lazaro?"

Muling Binuhay si Lazaro

Muling nabagbag ang puso ni Hesus. Kaya pumunta siya sa pinaglibingan kay Lazaro. Isa itong kuweba na tinakpan ng isang malaking bato. Pagdating nila roon, sinabi ni Hesus, "Alisin ninyo ang bato."

Sumagot si Marta na kapatid ng namatay, "Panginoon, tiyak na nangangamoy na po ngayon ang bangkay. Apat na araw na po siyang nakalibing."

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Hindi baʼt sinabi ko saʼyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?"

Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Hesus sa langit at sinabi, "Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, dahil dinidinig mo ako. Alam kong palagi mo akong dinidinig, at sinasabi ko ito para sa kapakanan ng mga nasa paligid ko upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin."

Pagkasabi niya nito, sumigaw siya, "Lazaro, lumabas ka!" At lumabas nga ang namatay na si Lazaro na nababalot pa ng telang lino ang mga kamay at paa, at may takip na tela ang mukha.

Sinabi ni Hesus sa kanila, "Kalagan nʼyo siya para malayang makalakad."

Conclusão

Os milagres de Jesus revelam sua autoridade sobre a natureza, as enfermidades, o mundo espiritual e até a morte. Eles não são apenas demonstrações de poder, mas sinais que apontam para sua identidade e missão.

Ao estudar esses milagres, é possível compreender melhor o papel de Jesus e a mensagem central do Evangelho.

Se este conteúdo ajudou você a entender os milagres de Jesus na Bíblia, compartilhe este artigo para que mais pessoas também conheçam esses ensinamentos.

Edineia Fernandes
1 pessoa deu Amém