Pular para o conteúdo
Publicidade

Juan 2

Ang Kasalan sa Cana

1 Pagkalipas ng dalawang araw,2:1 Pagkalipas ng dalawang araw: O sa ikatlong araw, ayon sa pagbibilang ng mga Hudyo. may ginanap na kasalan sa bayan ng Cana na sakop ng . Naroon ang ina ni Hesus, 2 at naimbitahan din sina Hesus at ang mga alagad niya. 3 Nang maubos na ang alak sa handaan, sinabihan si Hesus ng kanyang ina, "Ubos na ang alak."

4 Sumagot si Hesus, "Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko."

5 Sinabi ng ina ni Hesus sa mga katulong, "Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo."

6 May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Hudyo sa ritwal nilang paghuhugas. Ang bawat tapayan ay maaaring maglaman ng 75 hanggang 115 litrong tubig.

7 Sinabi ni Hesus sa mga katulong, "Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan." At pinuno nga nila ang mga ito.

8 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Sumalok kayo nang kaunti at dalhin sa namamahala ng handaan."

At dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. 9 Tinikman niya ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling (bagamaʼt alam ito ng mga katulong na sumalok ng tubig). Kaya ipinatawag niya ang lalaking ikinasal 10 at sinabi, "Kadalasan, ang pinakamasarap na alak muna ang inihahain, at kapag marami nang nainom ang mga panauhin, saka naman inilalabas ang mababang uri. Ngunit ikaw, ngayon mo lang inilabas ang masarap na alak."

11 Ang nangyaring ito sa Cana ng ang unang himala na ginawa ni Hesus kung saan ipinakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at sumampalataya sa kanya ang mga alagad niya.

12 Pagkatapos ng kasalan, pumunta si Hesus sa , kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga alagad. Nanatili sila roon nang ilang araw.

Pinaalis ni Hesus ang mga Nagtitinda sa Templo

Mateo 21:12,13; Marcos 11:15-17; Lucas 19:45,46

13 Malapit na noon ang Pista ng Paglampas ng Anghel, kaya pumunta si Hesus sa . 14 Pumasok siya sa patyo ng Templo at nadatnan niya roon ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa, at mga kalapati, at ang mga tagapalit ng pera na nakapuwesto sa mga lamesa nila. 15 Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya silang lahat palabas ng Templo, kasama ang mga tupa at mga baka. Ikinalat niya ang salapi ng mga tagapalit ng pera at itinaob ang mga lamesa nila. 16 Sinabi ni Hesus sa mga nagtitinda ng mga kalapati, "Alisin ninyo ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!" 17 Naalala ng mga alagad niya ang sinabi sa Kasulatan, "Ikapapahamak ko ang pagmamalasakit ko sa inyong bahay."2:17 Salmo 69:9.

18 Dahil sa ginawa niya, tinanong siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, "Anong himala ang maipapakita mo sa amin bilang patunay na may karapatan kang gawin ito?"

19 Sinagot sila ni Hesus, "Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo kong muli."

20 Sinabi naman nila, "Ginawa ang Templong ito nang apatnapuʼt anim na taon at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?" 21 Ngunit ang Templong tinutukoy ni Hesus ay ang kanyang katawan. 22 Kaya nang nabuhay siyang muli, naalala ng mga alagad niya ang sinabi niyang ito, at naniwala sila sa pahayag ng Kasulatan at sa mga sinabi niya.

23 Habang nasa si Hesus noong Pista ng Paglampas ng Anghel, marami ang sumampalataya sa kanya dahil sa mga ginawa niyang kamangha-manghang tanda. 24 Ngunit hindi nagtiwala si Hesus sa kanila, dahil kilala niya ang lahat ng tao. 25 At hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa tao, dahil alam niya ang nasa puso ng bawat isa.

Lugar Bíblico
Região / Território
Galileia
Hoje: Galileia (Norte de Israel)
ΓαλιλαίαGalilaiaגָּלִילgalil
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
32,76° N, 35,53° L
Citado em 78 versículosTb.: Galiléia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Galileia
Hoje: Galileia (Norte de Israel)
ΓαλιλαίαGalilaiaגָּלִילgalil
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
32,76° N, 35,53° L
Citado em 78 versículosTb.: Galiléia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Cafarnaum
Hoje: Kfar Nahum (Galileia), Israel
ΚαπερναούμKapernaoum
Cafarnaum é a cidade da Galileia, junto ao mar, onde Jesus foi viver ao deixar Nazaré; ali ele ensinou na sinagoga, e um centurião lhe pediu ajuda (Mateus 4:13).
32,88° N, 35,58° L
Citado em 18 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Juan 21
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.