A fé vem pelo ouvir
A fé vem pelo ouvir, e o ouvir pela Palavra de Cristo. Quando a Palavra é proclamada, a fé nasce nos corações. Ouvir a Deus é o primeiro passo para crer e seguir.
A fé vem pelo ouvir
A fé vem pelo ouvir, e o ouvir pela Palavra de Cristo. Quem ouve a Palavra crê e obtém a salvação eterna.
Sapagkat walang pagkakaiba ang Hudyo at Hentil. Ang Panginoon ay Panginoon ng lahat, at pinagpapala niya nang masagana ang lahat ng tumatawag sa kanya. Sapagkat, "Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas."
Ngunit paano sila tatawag kung hindi naman sila sumasampalataya sa kanya? At paano sila sasampalataya kung hindi pa sila nakakarinig ng tungkol sa kanya? At paano sila makakarinig kung walang mangangaral? At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo? Ayon sa Kasulatan: "Napakagandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng magandang balita."
Ngunit hindi naman tinatanggap ng lahat ang Magandang Balita. Sinabi nga ni Isaias, "Panginoon, sino po ba ang naniwala sa sinabi namin?" Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya.
Ito ngayon ang gusto kong itanong sa inyo: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, o sa pamamagitan ng pagsampalataya ninyo dahil sa Magandang Balita na narinig ninyo?
Kayo man ay napabilang na kay Kristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo. Ang Banal na Espiritu ang katibayan na matatanggap natin mula sa Diyos ang ipinangako niya sa atin bilang mga anak niya, hanggang sa matanggap natin ang lubos na kaligtasan. At dahil dito, papupurihan siya!
"Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumusunod sa aking mga salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan sapagkat inilipat na nga siya sa buhay mula sa kamatayan.
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang oras, at dumating na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang makikinig sa kanya ay mabubuhay.
Walang makakalapit sa akin maliban kung palalapitin sila ng Amang nagsugo sa akin. At ang mga lalapit sa akin ay bubuhayin kong muli sa huling araw. Ayon sa isinulat ng mga propeta, ‘Tuturuan silang lahat ng Diyos.’ Kaya ang lahat ng nakikinig at natututo sa Ama ay lalapit sa akin. Walang sinumang nakakita sa Ama maliban sa akin na nagmula sa Diyos. Ako lang ang nakakita sa Ama.
"Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan.
Ouvir e obedecer
Felizes os que ouvem a Palavra de Deus e a praticam. Quem tem ouvidos ouça o que o Espírito diz.
Ngunit sumagot si Hesus, "Higit na mapalad ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos."
Makinig ang sinumang may pandinig!"
Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao.
Sa kanila natupad ang sinabi noon ni Isaias:
‘Makinig man kayo nang makinig,
hindi kayo makakaunawa.
Tumingin man kayo nang tumingin,
hindi kayo makakakita.
Sapagkat matigas ang puso ng mga taong ito.
Hindi nakakarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata,
dahil baka makakita sila at makarinig,
at maunawaan kung ano ang tama,
at magbalik-loob sila sa akin,
at pagalingin ko sila.’
Ngunit mapalad kayo, dahil nakakakita kayo at nakakaunawa.
Tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, "Makinig kayo at unawain ang sasabihin ko.
Lumapit kayo sa akin at kayoʼy makinig
upang inyong matagpuan ang buhay.
Gagawa ako ng walang hanggang
kasunduan sa inyo.
Ipapadama ko sa inyo
ang pag-ibig koʼt awa
na aking ipinangako kay David.
Sinabi niya, "Humayo ka at sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel,
‘Marinig man ninyoʼy
hindi rin ninyo mauunawaan.
Makita man ninyoʼy
hindi rin ninyo maiintindihan.’
Patigasin mo ang puso
ng mga taong ito.
Hayaan mong hindi makarinig
ang kanilang mga tainga
at hindi makakita
ang kanilang mga mata,
sapagkat kung talagang
nakakakita sila, nakakarinig,
at nakakaunawa,
magbabalik-loob sila sa akin,
at silaʼy mapapagagaling."
Ipanalangin nʼyo rin na bigyan kami ng Diyos ng pagkakataon na maihayag ang mensahe ng hiwagang tungkol kay Kristo na dahilan ng aking pagkabilanggo.