Agradecimento pela vida
Agradecer pela vida é reconhecer que cada respiração é dom de Deus. Toda criatura que tem fôlego louve ao Senhor — porque Ele nos formou e nos sustenta com amor.
Ang lahat ng may buhay
ay magpuri sa Panginoon.
Purihin ang Panginoon!
Purihin ang Panginoon!
Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.
Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon.
Aawitan ko ang aking Diyos
ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.
Kilala ninyo ako, dahil kayo
ang lumalang sa akin.
Kayo ang humubog sa akin
sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri ko kayo
sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.
Alam na alam kong ang inyong mga gawa
ay tunay na kahanga-hanga.
Nakita ninyo ang aking mga buto
nang akoʼy lihim na hubugin
sa sinapupunan ng aking ina.
Nakita na ninyo ako,
hindi pa man ako isinisilang.
Ang itinakdang mga araw
na akoʼy mabubuhay
ay nakasulat na sa aklat ninyo
bago pa man ito mangyari.
Aawit ako sa Panginoon
habang akoʼy nabubuhay.
Aawit ako ng papuri sa aking Diyos
habang akoʼy may hininga.
Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay.
Akoʼy magagalak sa Panginoon.
Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Diyos!
Siya ang lumikha sa atin
at tayoʼy sa kanya.
Tayoʼy kanyang mga tupa
na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.
Pumasok kayo sa kanyang Templo
nang may pagpapasalamat at pagpupuri.
Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.
Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong
walang hanggan, O Diyos!
Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo,
tulad ng pagkalinga ng inahing manok
sa kanyang mga inakay sa ilalim
ng kanyang pakpak.
Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila
nang masaganang handa,
at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog
ng kaligayahan.
Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay.
Pinapaliwanagan nʼyo kami,
at naliliwanagan ang aming isipan.
Panginoon, pupurihin ko kayo,
sapagkat akoʼy iniligtas nʼyo.
Hindi nʼyo pinayagang insultuhin ako
ng aking mga kaaway.
Panginoon kong Diyos,
humingi ako ng tulong sa inyo,
at pinagaling nʼyo ako.
Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan.
Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay.
Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan.
Ilalahad ko ang lahat
ng inyong ginawang kahanga-hanga.
Dahil sa inyo, Kataas-taasang Diyos
akoʼy magsasaya.
Magagalak ako at aawit
ng mga papuri para sa inyo.
Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.
Palagi kayong magpasalamat sa Diyos Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Mga Espirituwal na Pagpapala
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Kristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espirituwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo na maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya,
Pasalamatan natin ang Diyos sa kanyang kaloob na hindi natin kayang ipaliwanag.
At makapagpapasalamat din kayo sa Ama. Ginawa niya kayong karapat-dapat na makibahagi sa mamanahin ng mga hinirang niyang namumuhay sa kaliwanagan. Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.
Ang Kataas-taasang Kapangyarihan ng Anak ng Diyos
Si Kristo ang larawan ng di-nakikitang Diyos, at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Kristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan.
Kapag nakakain na kayo at nangabusog, purihin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos dahil sa magandang lupaing ibinigay niya sa inyo.
Tinulungan nʼyo ako sa aking problema, Panginoon,
at iniligtas nʼyo ang aking buhay.
Lumubog ako hanggang
sa pinakailalim ng dagat,
at parang ikinulong
sa kailaliman
ng lupa magpakailanman.
Ngunit kinuha nʼyo ako
sa kailalimang iyon,
O Panginoon kong Diyos.
"Nang malapit na akong mamatay,
tumawag ako sa inyo, Panginoon,
at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko
doon sa inyong banal na Templo.