Pular para o conteúdo
Publicidade

Jonas 2

Nanalangin si Jonas

1 Nanalangin si Jonas sa Panginoon na kanyang Diyos sa loob ng tiyan ng isda. 2 Sinabi niya,

"Panginoon,

sa paghihirap ng aking kalooban

at kalagayan

humingi ako ng tulong sa inyo,

at sinagot nʼyo ako.

Sa bingit ng kamatayan,2:2 bingit ng kamatayan: Sa literal, sa kailaliman ng lugar ng mga patay.

humingi ako ng tulong sa inyo,

at pinakinggan nʼyo ako.

3 Inihagis nʼyo ako

sa pusod ng dagat.

Napalibutan ako ng tubig

at natabunan ng mga alon

na ipinadala ninyo.

4 Pinalayas nʼyo ako sa inyong harapan,

ngunit umaasa pa rin ako

na makakalapit muli ako sa inyo

doon sa inyong banal na Templo.

5 Lumubog po ako sa tubig

at halos malunod.

Natabunan ako ng tubig

at napuluputan ang ulo ko

ng mga halamang-dagat.

6 Lumubog ako hanggang

sa pinakailalim ng dagat,

at parang ikinulong

sa kailaliman

ng lupa magpakailanman.

Ngunit kinuha nʼyo ako

sa kailalimang iyon,

O Panginoon kong Diyos.

7 "Nang malapit na akong mamatay,2:7 Nang malapit na akong mamatay: O Noong pagod na pagod na ako o Noong nawalan na ako ng pag-asa.

tumawag ako sa inyo, Panginoon,

at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko

doon sa inyong banal na Templo.

8 "Ang mga taong sumasamba

sa mga walang kuwentang

diyos-diyosan

ay hindi na tapat sa inyo.

9 Ngunit maghahandog ako sa inyo

nang may awit ng pasasalamat.

Tutuparin ko ang pangako ko

na maghahandog sa inyo.

Kayo po, Panginoon,

ang nagliligtas."

10 Kaya inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan.

Veja também

Jonas
Ver todos os capítulos de Jonas