Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 36

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David, ang lingkod ng Panginoon.

1 Bumubulong ang kasalanan

sa puso ng masamang tao.

Ni wala man lang siyang takot sa Diyos.

2 Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili,

hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan

upang kamuhian ito.

3 Ang kanyang mga sinasabi

ay puro kasamaan at kasinungalingan.

Hindi na niya iniisip ang paggawa

ng ayon sa karunungan at kabutihan.

4 Kahit siyaʼy nakahiga,

nagbabalak siya ng masama.

Napagpasyahan niyang gumawa nang hindi mabuti,

at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan.

5 Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatan

ay umaabot hanggang sa kalangitan.

6 Ang inyong katuwiran

ay kasintatag ng kabundukan.

Ang inyong paraan ng paghatol

ay sinlalim ng karagatan.

Ang mga tao o hayop man

ay inyong iniingatan, O Panginoon.

7 Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong

walang hanggan, O Diyos!

Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo,

tulad ng pagkalinga ng inahing manok

sa kanyang mga inakay sa ilalim

ng kanyang pakpak.

8 Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila

nang masaganang handa,

at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog

ng kaligayahan.

9 Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay.

Pinapaliwanagan nʼyo kami,

at naliliwanagan ang aming isipan.

10 Patuloy nʼyong ibigin

ang mga kumikilala sa inyo,

at bigyan nʼyo ng katarungan

ang mga namumuhay nang matuwid.

11 Huwag nʼyong payagang akoʼy tapakan

ng mga mapagmataas

o itaboy ng mga masasamâ.

12 Ang masasamang tao

ay mapapahamak nga.

Silaʼy babagsak at hindi na muling makakabangon pa.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.