Publicidade

Alegria e felicidade

Por Bíblia Online

A alegria é fruto do Espírito e marca do cristão. Alegrai-vos sempre no Senhor! A Bíblia ensina que a alegria de Deus é nossa fortaleza — não depende de circunstâncias, mas da presença de Deus.

Alegrai-vos no Senhor

Alegrai-vos sempre no Senhor! Outra vez digo: alegrai-vos! Na presença de Deus há plenitude de alegria eterna.

Magalak kayong palagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!

Magalak kayong palagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!

Itinuro ninyo sa akin ang landas

patungo sa buháy

na puno ng kasiyahan,

at sa piling nʼyo, aking matatagpuan

ang ligayang walang hanggan.

Itinuro ninyo sa akin ang landas

patungo sa buháy

na puno ng kasiyahan,

at sa piling nʼyo, aking matatagpuan

ang ligayang walang hanggan.

Panginoon palagi ko kayong iniisip,

at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.

Kayaʼt nagagalak ang aking puso,

at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako.

Ngunit magalak nawa

ang lahat ng nanganganlong sa inyo;

magsiawit nawa sila

nang may kagalakan.

Ingatan nʼyo sila

na nagmamahal sa inyo,

upang silaʼy mapuno ng kagalakan.

Kayo ang aking kublihan;

iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan,

at pinalilibutan nʼyo ako

ng mga awit ng kaligtasan.

Kayong mga tao sa bawat bansa,

magpalakpakan kayo!

Sumigaw sa Diyos nang may kagalakan.

Dahil ang Panginoon ay nalulugod

sa kanyang mga mamamayan;

pinararangalan niya ang mga mapagpakumbaba

sa pamamagitan ng pagbibigay

sa kanila ng tagumpay.

Fruto do Espírito

O fruto do Espírito é amor, alegria, paz. A alegria do Senhor é nossa fortaleza — não depende do mundo.

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.

Sinabi pa ni Nehemias, "Magdiwang kayo, kumain ng masasarap na pagkain at uminom ng masasarap na inumin. Bigyan nʼyo ang mga walang pagkain, dahil ang araw na ito ay banal sa Panginoon. At huwag kayong mabalisa, dahil ang kagalakang ibinigay ng Panginoon ay magpapatatag sa inyo."

Sinabi pa ni Nehemias, "Magdiwang kayo, kumain ng masasarap na pagkain at uminom ng masasarap na inumin. Bigyan nʼyo ang mga walang pagkain, dahil ang araw na ito ay banal sa Panginoon. At huwag kayong mabalisa, dahil ang kagalakang ibinigay ng Panginoon ay magpapatatag sa inyo."

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon,

kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

Nagagalak akong sumunod

sa inyong mga katuruan,

higit pa sa kagalakang dulot

ng mga kayamanan.

Ang inyong mga turo

ang mana kong walang hanggan,

sapagkat itoʼy nagbibigay

sa akin ng kagalakan.

Mapalad kayong may takot sa Panginoon,

na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.

Ang inyong pinaghirapan

ay magiging sapat sa inyong pangangailangan,

at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.

Alegria nas tribulações

Os que semeiam em lágrimas ceifarão com alegria. Tende por motivo de grande gozo quando caídes em diversas tentações.

Silang nagtatanim na lumuluha

ay mag-aaning tuwang-tuwa.

Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,

ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.

Maaaring sa gabi ay may pagluha,

pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,

ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.

Maaaring sa gabi ay may pagluha,

pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

Mga Pagsubok at mga Tukso

Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng ibaʼt ibang uri ng pagsubok, sapagkat alam ninyong ang pagsubok ng inyong pananampalataya ay nagdudulot ng katatagan.

Kahit hindi mamunga

ang mga puno ng igos, ubas,

o ang kahoy ng olibo,

at kahit walang anihín sa mga bukirin,

at kahit mamatay ang mga alagang hayop

sa kanilang mga kulungan,

magagalak pa rin ako

sapagkat ang Panginoong Diyos

ang nagliligtas sa akin.

Dahil dito, nagagalak ako sa kabila ng aking kahinaan, mga panlalait, mga pasakit, pang-uusig, at sa mga paghihirap alang-alang kay Kristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Diyos.

Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi pa ninyo siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ilarawan sa salita, dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan.

Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi pa ninyo siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ilarawan sa salita, dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan.

Alegria compartilhada

Alegrai-vos com os que se alegram. O Senhor fez coisas grandiosas por nós — alegrai-vos no Senhor e regozijai-vos.

At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makipagluksa kayo sa mga nagluluksa.

Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa kapwa, at kagalakan na nagmumula sa Banal na Espiritu.

Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa kapwa, at kagalakan na nagmumula sa Banal na Espiritu.

Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Sa ganoon, masaya akong darating diyan sa inyo kung loloobin ng Diyos, at makakapagpahinga sa piling ninyo.

Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Diyos ang mga nagbibigay nang may kagalakan.

Kung sabagay, daig pa ng taong namumuhay nang banal at kontento na sa kalagayan ang mayaman.

Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Diyos na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin.

Jesus e a alegria

A minha alegria esteja em vós e a vossa alegria seja completa. Pedi e recebereis para que a vossa alegria seja plena.

Sinabi ko sa inyo ang bagay na ito upang magalak din kayong katulad ko at maging lubos ang inyong kagalakan.

Sinabi ko sa inyo ang bagay na ito upang magalak din kayong katulad ko at maging lubos ang inyong kagalakan.

Ganyan din kayo. Nalulungkot kayo ngayon, pero magagalak kayo sa araw na magkita tayong muli. At walang sinumang makakaagaw ng inyong kagalakan.

Hanggang ngayon ay wala pa kayong hinihingi sa kanya sa aking pangalan. Humingi kayo at makakatanggap kayo, upang malubos ang inyong kagalakan.

Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Diyos.

Kung walang pananampalataya, walang sinuman ang makapagbibigay-lugod sa Diyos, sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Diyos at binibigyan niya ng gantimpala ang mga taong humahanap sa kanya.

Alegria eterna

Alegria eterna terão sobre suas cabeças. O Senhor reinará com alegria sobre o seu povo para todo o sempre.

Panginoon, pinalawak ninyo

ang kanilang bansa

at silaʼy nag-uumapaw sa tuwa.

Nagagalak sila sa inyong harapan

katulad ng mga taong nagagalak

sa panahon ng anihan,

katulad ng mga mandirigmang nagdiriwang

sa paghahati-hati nila

ng mga nasamsam.

Sumigaw kayo at umawit sa galak,

kayong mga taga-Zion.

Sapagkat makapangyarihan

ang Banal na Diyos ng Israel

na nasa inyong piling."

Ang mga tinubos ng Panginoon

ay magbabalik.

Papasok sila sa Zion na umaawit;

ang wagas na kagalakaʼy

korona sa kanilang mga ulo.

Ang kagalakan at kaligayahaʼy

kanilang makakamtan,

at ang kalungkutan at panghihinayang

ay mawawala nang tuluyan.

Nalulugod ako sa Panginoon kong Diyos,

dahil para niya akong binihisan

ng kaligtasan at tagumpay.

Para akong lalaking ikakasal

na may suot na katulad

ng magarang damit ng pari,

o babae sa kasal na may mga alahas.

Nalulugod ako sa Panginoon kong Diyos,

dahil para niya akong binihisan

ng kaligtasan at tagumpay.

Para akong lalaking ikakasal

na may suot na katulad

ng magarang damit ng pari,

o babae sa kasal na may mga alahas.

Sapagkat kasama ninyo

ang Panginoon

na inyong Diyos.

Siya ay isang mandirigmang

magliligtas sa inyo.

Siyaʼy magagalak sa inyo,

at sa kanyang pag-ibig kayoʼy

kanyang panunumbalikin.

Sa kanyang kagalakan

ay kanyang aawitan."

Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom dahil iyan ang gusto ng Diyos na gawin mo.

Panumbalikin sa akin

ang kagalakang

bunga ng inyong pagliligtas sa akin.

Bigyan nawa ako

ng espiritung masunurin.

Sapagkat nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon,

pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang

walang katapusan,

at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling.

Kapag gulong-gulo ang isip ko,

inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.

Kayo ang nagpapalakas

at nag-iingat sa akin.

Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso.

Tinutulungan nʼyo ako,

kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

Ang pag-asa ng matuwid

ay magbibigay ng kaligayahan,

ngunit ang pag-asa ng masama

ay walang katuparan.

Nagagalak ang tao

kapag akma ang sagot niya.

Mas nagagalak siya

kung nakakasagot siya

sa tamang pagkakataon.

Nagagalak ang tao

kapag akma ang sagot niya.

Mas nagagalak siya

kung nakakasagot siya

sa tamang pagkakataon.

Matutuwa ang iyong mga magulang

kung matuwid ka at matalino.

Palagi kayong magalak, palaging manalangin, at magpasalamat kayo sa lahat ng pagkakataon, dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na mga nakay Kristo Hesus.

Ganoon din sa langit, masayang-masaya sila roon dahil sa isang makasalanang nagsisi kaysa sa siyamnapuʼt siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.

Ang Paghahalintulad sa Natatagong Kayamanan at Perlas

"Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nang mahukay ito ng isang tao, itinago niya itong muli. At sa tuwa niyaʼy umuwi siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian, at binili niya ang bukid na iyon.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-