Amor incondicional
O amor incondicional de Deus não depende de mérito humano. Ele nos amou quando ainda éramos pecadores. Esse amor não tem limites, não cobra preço e não pode ser perdido.
Amor sem condições
Deus prova o seu amor em que Cristo morreu por nós sendo nós ainda pecadores. O amor de Deus é gratuito e irrevogável.
Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.
Bihira ang taong mag-aalay ng kanyang buhay para sa isang taong matuwid, bagamaʼt maaaring mayroong maglakas-loob na ibigay ang kanyang buhay para sa isang mabuting tao. Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.
Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Kristo Hesus na siyang tumubos sa atin.
Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan.
"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Dati, namuhay din tayong katulad nila. Namuhay tayo ayon sa pagnanasa ng laman at sinunod natin ang masasamang hilig ng katawan at pag-iisip. Sa kalagayan nating iyon, kasama rin sana nila tayo na nararapat parusahan ng Diyos.
Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.)
Ngunit nang mahayag na ang kagandahang-loob at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang awa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng Banal na Espiritu upang tayoʼy ipanganak muli at magkaroon ng bagong buhay. Masaganang ibinigay sa atin ng Diyos ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Tagapagligtas,
Amor eterno
Com amor eterno te amei. O amor de Deus é mais largo, mais alto e mais profundo do que podemos compreender.
Noong una, ang Panginoon ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi:
"Inibig ko kayo ng pag-ibig na walang hanggan.
Sa aking kagandahang-loob,
pinalapit ko kayo sa akin.
Magpasalamat tayo sa Diyos na nasa langit.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatan
ay umaabot hanggang sa kalangitan.
Ang kaibigan ay nagmamahal
sa lahat ng panahon,
at nagkakaroon tayo ng kapatid
para sa kagipitan ay tumulong.
Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo niya ang kanyang kaisa-isang Anak dito sa mundo, upang tayoʼy mabuhay sa pamamagitan niya.
Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.
Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.
Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid.
Amar como Deus ama
O amor é paciente e bondoso. Amai os vossos inimigos. O amor incondicional se expressa no perdão e na compaixão.
Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,
hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, laging pinapasan ang lahat, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
Ang Katuruan tungkol sa Pagmamahal sa Kaaway
"Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mahalin mo ang iyong kapwa, at kamuhian mo ang iyong kaaway.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo. Kung gagawin ninyo ito, pinatutunayan ninyong tunay ngang mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid. Kung ang mamahalin lamang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Diyos? Hindi baʼt ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? At kung ang inyong kapwa lamang ang inyong binabati, may nagawa ba kayong nakahihigit sa iba? Hindi baʼt ginagawa rin ʼyan ng mga Hentil? Kaya dapat maging ganap kayo, tulad ng inyong Amang nasa langit."
Pagmamahal sa Kaaway
"Ngunit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. Pagpalain ninyo ang mga nagbibitaw ng sumpa laban sa inyo. At ipanalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo.
Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.