Amor
O amor é o maior mandamento e a essência de Deus. Deus é amor. Nós amamos porque Ele nos amou primeiro. O amor cristão é sacrificial, incondicional e eterno — refletindo o coração do Pai.
Deus é amor
Deus é amor. Quem permanece no amor permanece em Deus. Nós amamos porque Ele nos amou primeiro — com amor eterno.
Ang Pag-ibig ng Diyos at ang Ating Pag-ibig
Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos. Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
Ang Pag-ibig ng Diyos at ang Ating Pag-ibig
Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos.
Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila. Sa ganito nagiging ganap ang pag-ibig sa atin: May kapanatagan tayo sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom dahil namumuhay tayong tulad ni Kristo sa mundong ito. Ang ganitong pag-ibig ay walang halong takot dahil pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung may takot man ang isang tao, itoʼy dahil takot siyang maparusahan, at ipinapakita nito na hindi pa nagiging ganap ang pag-ibig sa kanya.
Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila.
Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.
Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. Ang nagsasabing iniibig niya ang Diyos ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Sapagkat kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya magawang ibigin, paano pa kaya niya magagawang ibigin ang Diyos na hindi naman niya nakikita?
Mga minamahal, kung ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa atin, nararapat lamang na mag-ibigan tayo.
Wala pang taong nakakita sa Diyos. Ngunit kung nag-iibigan tayo, ang Diyos ay sumasaatin at nagiging ganap ang kanyang pag-ibig sa atin.
Ito ang utos na ibinibigay sa atin ni Kristo: Ang taong umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid.
Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid. Kung sinuman ang nasa maayos na pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba nating sumasakanya ang pag-ibig ng Diyos? Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.
Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid. Kung sinuman ang nasa maayos na pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba nating sumasakanya ang pag-ibig ng Diyos? Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.
Alam nating iniwan na natin ang daang patungo sa kamatayan at lumipat na tayo sa daang patungo sa buhay, dahil minamahal natin ang ating mga kapatid kay Kristo. Ang sinumang hindi nagmamahal sa kapwa ay nananatili sa daang patungo sa kamatayan.
Magmahalan Tayo
Sapagkat ito ang aral na narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya: Magmahalan tayo.
Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.
Sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay sumusunod sa kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos,
Amor de Deus
Deus prova o seu amor em que Cristo morreu por nós. Deus amou o mundo de tal maneira que deu o seu Filho unigênito.
Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.
"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.
Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.
"Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayundin namang iniibig ko kayo. Manatili kayo sa aking pag-ibig. At kayoʼy mananatili sa aking pag-ibig, kung sinusunod ninyo ang mga utos ko, katulad ko na nananatili sa pag-ibig ng aking Ama sapagkat sinusunod ko ang mga utos niya.
Ito ang aking utos: Magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo.
Ipinangako ni Hesus ang Banal na Espiritu
"Kung mahal nʼyo ako, sundin ninyo ang aking mga utos.
"Ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin. At ang nagmamahal sa akin ay mamahalin din ng aking Ama. Mamahalin ko rin siya, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanya."
Tinanong siya ni Judas (hindi si Judas Iscariote), "Panginoon, bakit sa amin lang po kayo magpapakilala at hindi sa lahat?"
Sumagot si Hesus, "Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya. Ngunit ang hindi nagmamahal sa akin ay hindi sumusunod sa aking mga salita. Ang mga salitang narinig ninyo ay hindi nanggaling sa akin kundi sa Amang nagsugo sa akin.
"Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa. Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo."
O maior mandamento
Amarás ao Senhor de todo o coração e ao próximo como a ti mesmo. Estes são os maiores mandamentos — neles se resume toda a lei.
Sumagot si Hesus, " ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’
Sumagot si Hesus, " ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Ang buong Kautusan at ang isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito."
"At sasagot ang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, ginawa ninyo ito para sa akin.’
"Kaya sa lahat ng bagay, gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa ninyo, sapagkat ito ang buod ng Kautusan at ng isinulat ng mga propeta.
Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo.
Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong isip, at nang buong lakas!’ At ang pangalawa ay ito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito."
O amor que não falha
O amor é paciente, é benigno. Tudo sofre, tudo crê, tudo espera, tudo suporta. O amor jamais acaba.
Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,
Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, laging pinapasan ang lahat, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
At ngayon, ang tatlong bagay na ito ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
At ngayon, ang tatlong bagay na ito ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
At ngayon, ang tatlong bagay na ito ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
Kung may kakayahan man akong magpropesiya at umunawa sa lahat ng hiwaga at lahat ng kaalaman, at kung mayroon man akong pananampalatayang kayang maglipat ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.
Ganito nga ang sinasabi sa Kasulatan:
"Wala pang mga matang nakakita,
wala ring mga taingang nakarinig,
at wala pang taong nakaisip
sa mga bagay na inihanda ng Diyos
para sa mga nagmamahal sa kanya."
At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.
At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.
Amor inseparável
Nada poderá nos separar do amor de Deus. Nem morte, nem vida, nem anjos — absolutamente nada.
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
Ipakita sa Gawa ang Pagmamahal sa Kapwa
Magmahalan kayo nang tunay. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti.
Ipakita sa Gawa ang Pagmamahal sa Kapwa
Magmahalan kayo nang tunay. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti.
Ipakita sa Gawa ang Pagmamahal sa Kapwa
Magmahalan kayo nang tunay. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa.
Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa.
Pag-ibig ang Katuparan ng Kautusan
Huwag kayong mananatiling may pagkakautang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan.
Viver no amor
Revesti-vos de amor, que é vínculo da perfeição. O amor cobre multidão de pecados e edifica a comunidade.
At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.
Maging mapagparaya kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.
Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu upang manahan si Kristo sa mga puso ninyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinapanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag-ibig ng Diyos,
Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo.
Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Kristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya upang maging banal ito matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita ng Diyos.
Ipinagdarasal kong lalo pang lumago ang pagmamahal ninyo sa isaʼt isa nang may karunungan at pang-unawa, upang mapili ninyo ang pinakamabuti sa lahat ng bagay at madatnan kayong malinis at walang kapintasan sa araw ng pagbabalik ni Kristo. Nawaʼy palagi kayong mapuspos ng bunga ng inyong kaligtasan; ang matuwid na pamumuhay na nagmumula kay Hesu-Kristo, upang maparangalan at mapapurihan ang Diyos.
Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: "Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili."
Patnubayan nawa kayo ng Panginoon upang makita sa inyo ang pag-ibig ng Diyos at katatagan ni Kristo.
Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.
Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.
Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.
Expressões de amor
O amor há de ser eterno como o grande Rei. Como a esmeralda reluz, assim brilha o amor que vem de Deus.
Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan,
ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad
ng lahat ng kasalanan.
Manatili kang mapagmahal at matapat;
alalahanin mo itong lagi
at itatak sa iyong isipan.
Kapag ginawa mo ito,
malulugod ang Diyos
pati na ang mga tao.
Kahit laksa-laksang tubig,
hindi ito mapipigilan.
Sinumang magtangkang bilhin ito
kahit ng lahat niyang yaman
ay baka malagay lamang sa kahihiyan.
Ang mga Kapatid na Lalaki ng Babae
Magpasalamat kayo sa Panginoon,
dahil siyaʼy mabuti.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin
ang inyong pag-ibig,
dahil sa inyo ako nagtitiwala.
Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan
na dapat kong daanan,
dahil sa inyo ko ipinagkakatiwala ang aking buhay.
O, kayong tapat niyang mga mamamayan,
mahalin ninyo ang Panginoon.
Iniingatan niya ang mga tapat sa kanya,
ngunit lubos ang kanyang parusa sa mga mapagmataas.
Ibibigay ko ang ibang mga tao
bilang kapalit mo,
dahil ikaw ay marangal
at mahalaga sa aking paningin,
at dahil mahal kita.
Sa halip, ito ang inyong gawin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti. Kung magpapahiram kayo, magpahiram kayo nang hindi umaasa ng anumang kabayaran. Malaking gantimpala ang tatanggapin ninyo, at makikilala kayong mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat mabuti siya kahit sa masasama at sa mga walang utang na loob.