Pular para o conteúdo
Publicidade

Aniversário de criança

Por Bíblia Online

O aniversário de uma criança é momento de celebrar o presente precioso que Deus deu. Cada criança é formada e conhecida por Deus desde antes de nascer.

Kilala ninyo ako, dahil kayo

ang lumalang sa akin.

Kayo ang humubog sa akin

sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo

sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.

Alam na alam kong ang inyong mga gawa

ay tunay na kahanga-hanga.

Nakita ninyo ang aking mga buto

nang akoʼy lihim na hubugin

sa sinapupunan ng aking ina.

Nakita na ninyo ako,

hindi pa man ako isinisilang.

Ang itinakdang mga araw

na akoʼy mabubuhay

ay nakasulat na sa aklat ninyo

bago pa man ito mangyari.

O Diyos, hindi ko lubos maunawaan

ang mga iniisip ninyo;

itoʼy sadyang napakarami.

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon,

kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

Ipaunawa nʼyo sa amin

na ang buhay namin ay maiksi lang,

upang matuto kaming mamuhay

nang may karunungan.

Kayo ay aking kasama,

mula nang akoʼy isilang;

sa sinapupunan ng aking ina,

akoʼy inyong iningatan.

Akoʼy magpupuri sa inyo,

magpakailanman.

Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,

ito ang tanging ninanais ko:

na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,

upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,

at hilingin ang kanyang patnubay.

Ngunit kayo ang naglabas sa akin

sa sinapupunan ng aking ina,

at tinuruan nʼyo akong magtiwala sa inyo

kahit noong akoʼy sanggol pa lamang.

Mula sa aking pagsilang,

akoʼy nakadepende na sa inyo,

mula si sinapupunan,

ikaw ang aking Diyos.

Hiningi ko po ang batang ito sa Panginoon at ibinigay niya ang kahilingan ko.

Noong bata pa ako

at nasa piling pa ng aking mga magulang,

mahal na mahal ako ng aking ina

bilang nag-iisang anak.

Tinuruan ako ni ama.

Sinabi niya sa akin,

"Anak, ingatan mo sa iyong puso

ang mga itinuturo ko.

Sundin mo ang mga utos ko

at mabubuhay ka nang matagal.

Magalak kayong palagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!

Lumaki ang batang si Hesus at naging malakas, at siyaʼy napakatalino at kalugod-lugod sa Diyos.

Seja o primeiro