Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 27

Awit na isinulat ni David.

1 Ang Panginoon ang aking ilaw

at Tagapagligtas.

Sino ang aking katatakutan?

Siya ang nagtatanggol sa akin

kaya wala akong dapat katakutan.

2 Kapag sinasalakay ako

ng masasamang tao

o ng aking mga kaaway

upang patayin,

sila ang nabubuwal at natatalo!

3 Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal,

hindi ako matatakot.

Kahit salakayin nila ako,

magtitiwala ako sa Diyos.

4 Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,

ito ang tanging ninanais ko:

na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,

upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,

at hilingin ang kanyang patnubay.

5 Sa oras ng kagipitaʼy itatago niya ako

sa kanyang Templo,

at ilalagay niya ako

sa ligtas na lugar.

6 Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko

na nakapaligid sa akin.

Maghahandog ako sa Templo ng Panginoon

habang sumisigaw sa kagalakan,

umaawit at nagpupuri.

7 Dinggin nʼyo Panginoon ang aking pagtawag.

Kahabagan nʼyo ako

at sagutin ang aking dalangin.

8 Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso

na lumapit sa inyo,

kaya narito ako,

lumalapit sa inyo.

9 Huwag nʼyo po akong pagtaguan!

Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil

dahil sa inyong galit.

Kayo na laging tumutulong sa akin,

huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan,

O Diyos na aking Tagapagligtas.

10 Iwanan man ako ng aking mga magulang,

kayo naman, Panginoon,

ang mag-aalaga sa akin.

11 Ituro nʼyo sa akin ang daang

gusto nʼyong lakaran ko.

Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan,

dahil sa mga kaaway ko

na gusto akong gawan ng masama.

12 Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway,

dahil akoʼy kanilang pinagbibintangan

ng kasinungalingan,

at nais nilang akoʼy saktan.

13 Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon,

habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo.

14 Magtiwala kayo sa Panginoon!

Magpakatatag kayo

at huwag mawalan ng pag-asa.

Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.