Pular para o conteúdo
Publicidade

Ano novo

Por Bíblia Online

O Ano Novo é oportunidade de renovação e consagração. A Bíblia convida a esquecer o que ficou para trás e avançar em fé, confiança e esperança em Deus.

Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap. Nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Diyos na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Magpatuloy Hanggang Makamtan ang Gantimpala

Hindi ko sinasabing nakamtan ko na ang lahat, o kayaʼy naging ganap na ako. Sa halip, patuloy akong nagsusumikap upang makamtan iyon, dahil ito ang layunin ni Kristo Hesus nang tawagin niya ako. Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap. Nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Diyos na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Tayong matibay ang pananampalataya ay magkaroon sana ng ganitong kaisipan. Ngunit kung hindi ganito ang pag-iisip ninyo, ipapaunawa ito sa inyo ng Diyos.

Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.

Papuri sa Diyos para sa Isang Buháy na Pag-asa

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo.

Isang busilak na puso, O Diyos,

ang likhain nʼyo sa akin;

bagong espiritung matapat,

ang ibigay sa akin.

Huwag nʼyo po akong itaboy

palayo sa inyong piling,

at huwag nʼyo po sanang bawiin

ang inyong Banal na Espiritu sa akin.

Pumanatag ka sa piling ng Panginoon,

at matiyagang maghintay sa gagawin niya.

Huwag mong kaiinggitan ang masasama

na gumiginhawa,

kahit pa magtagumpay

ang masasamang plano nila.

Subukan ninyo at inyong makikita,

kung gaano kabuti ang Panginoon.

Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan sa kanya!

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon

ay muling magkakaroon ng lakas.

Lilipad silang gaya ng isang agila.

Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.

Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,sabi ng Panginoon, mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.

Wiwisikan ko kayo ng malinis na tubig nang maging malinis kayo sa lahat ng karumihan ninyo at hindi na kayo sasamba sa mga diyos-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin. Ibibigay ko rin sa inyo ang aking Espiritu upang maingat ninyong masunod ang mga utos koʼt mga tuntunin.

At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.

Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.

At lahat ng ito ay itinadhana ng Diyos na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.

Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Diyos ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit sa bandang huli, magbubunga ito ng mapayapa at matuwid na pamumuhay.

Paalala sa Pagmamalaki

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, "Ngayon o bukas, pupunta kami sa isang bayan. Mamamalagi kami roon nang isang taon, maghahanapbuhay, at kikita ng malaki." Sa katunayan, hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo bukas. Sapagkat ang buhay ay parang hamog na lilitaw nang sandali at mawawala pagkatapos. Kaya nga, ito ang dapat ninyong sabihin: "Kung loloobin ng Panginoon at mabubuhay pa tayo, ganito o kaya ganoon ang gagawin natin." Ngunit sa ngayon, nagmamalaki at nagmamayabang kayo. Ang ganyang pagyayabang ay masama. Kung alam ng isang tao ang mabuti na dapat niyang gawin, ngunit hindi naman ginagawa, nagkakasala siya.

Seja o primeiro