Ascensão
A ascensão de Jesus ao céu é a coroação de sua obra redentora. Ele subiu à destra do Pai, de onde voltará com poder e glória para buscar os seus.
Pagkasabi niya nito, dinala siya paitaas. At habang nakatingin sila sa kanya, tinakpan siya ng ulap at agad na nawala sa kanilang paningin.
Habang nakatitig sila sa langit, may dalawang lalaking nakaputi na biglang tumayo sa tabi nila at nagsabi, "Kayong mga taga-Galilea, bakit nakatayo pa kayo rito at nakatingala sa langit? Si Hesus na nakita ninyong dinala paitaas ay babalik dito sa mundo. At kung paano siya dinala sa langit ay ganoon din siya babalik."
Pagkatapos magsalita ng Panginoong Hesus sa kanila, iniakyat siya sa langit at umupo sa kanan ng Diyos.
Pagkatapos, isinama sila ni Hesus sa Betania. Pagdating doon, itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila. At habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit.
Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo.
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumasampalataya sa akin ay makakagawa rin ng mga ginagawa ko, at higit pa rito ang magagawa niya dahil pupunta na ako sa Ama.
Galing ako sa Ama at naparito ako sa mundo. Ngunit ngayon ay aalis na ako at babalik na sa Ama."
Sinabi ni Hesus, "Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakabalik sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko at sabihing babalik na ako sa aking Ama na inyong Ama, at sa aking Diyos na inyong Diyos."
Sinabi ni Hesus, "Sandali nʼyo na lang akong makakasama. Malapit na akong bumalik sa nagsugo sa akin.
Hindi maikakaila na ang hiwaga ng ating pananampalataya ay napakadakila:
Nagpakita siya bilang tao,
pinatotohanan ng Espiritu
na siyaʼy matuwid,
nakita siya ng mga anghel,
ipinangaral sa mga bansa,
pinaniwalaan ng mundo,
at dinala sa langit.