Compaixão
A compaixão é o coração de Deus em ação. Ele é compassivo e misericordioso, tardio em irar-se e grande em amor. Somos chamados a refletir essa compaixão no mundo.
Kung paanong ang ama ay nahahabag
sa kanyang mga anak;
ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon
sa mga may takot sa kanya.
Ngunit kayo, Panginoon,
ay Diyos
na nagmamalasakit at mahabagin.
Wagas ang pag-ibig nʼyo,
at hindi kayo madaling magalit.
Akoʼy magpupuri sa inyo,
sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig
ay mas mainam pa kaysa buhay.
Dahil ang pag-ibig at awa ng Panginoon
ay walang katapusan
kaya hindi tayo tuluyang nalipol.
Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag.
Dakila ang katapatan ng Panginoon!
"Makakalimutan ba ng isang ina
ang sanggol na kanyang pinasuso?
Hindi ba niya pagmamalasakitan
ang anak na galing sa kanyang sinapupunan?
Bagamaʼt makakalimutan niya,
hindi kita makakalimutan!
Tingnan ninyo!
Iniukit ko ang pangalan mo
sa aking mga palad.
Palagi kong iniisip
ang iyong mga nasirang pader.
Ngunit naghihintay ang Panginoon
na kayoʼy lumapit sa kanya
para kaawaan niya kayo.
Nakahanda siyang ipadama sa inyo
ang kanyang pagmamalasakit.
Sapagkat ang Panginoon
ay Diyos na makatarungan,
at mapalad ang nagtitiwala
sa kanya.
Walang ibang Diyos na katulad ninyo!
Pinapatawad ninyo ang kasamaan
at kinakalimutan ang kasalanan
ng nalalabing lahi ng inyong mamamayan.
Hindi kayo nananatiling galit
magpakailanman
dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami.
"Palalakasin ko ang mga mamamayan
ng Juda at ililigtas ko
ang mga mamamayan ng Israel.
Pababalikin ko sila sa kanilang lupain
dahil naaawa ako sa kanila.
At dahil ako ang Panginoon na kanilang Diyos,
diringgin ko ang kanilang mga dalangin,
na parang hindi ko sila itinakwil tulad ng dati.
"Ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga mamamayan: ‘Humatol kayo nang makatarungan. Ipakita ninyo ang inyong kabutihan at habag sa isaʼt isa. Huwag ninyong gigipitin ang mga biyuda, mga ulila, mga dayuhan, at ang mga mahihirap. Huwag kayong magbalak ng masama laban sa isaʼt isa.’
Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Diyos, dapat kayong maging mapagmalasakit, mabuti ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.
Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.
Pagdurusa dahil sa Paggawa ng Mabuti
Ngayon, narito ang ilan ko pang bilin sa inyong lahat: Dapat magkaisa kayo sa isip at damdamin, at magdamayan. Magmahalan kayo bilang magkakapatid. Maging maunawain at mapagpakumbaba kayo sa isaʼt isa.
Kung sinuman ang nasa maayos na pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba nating sumasakanya ang pag-ibig ng Diyos?
Papuri sa Diyos na Nagpapalakas ng Loob
Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.
Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala.
Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makipagluksa kayo sa mga nagluluksa.
Mga Pangwakas na Pagbati
Bilang pangwakas, mga kapatid, maging magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at palakasin ninyo ang loob ng isaʼt isa. Magkaisa kayo at mamuhay nang mapayapa. Nang sa gayon, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.