Publicidade

Confiança

Por Bíblia Online

A confiança em Deus é âncora da alma em tempos de tempestade. Quem confia no Senhor não será abalado — porque o Deus fiel sustenta, protege e guia os que nele esperam.

Confiança inabalável

Tudo posso naquele que me fortalece. O meu Deus suprirá toda necessidade. Quem confia não será confundido.

Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.

At dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus, ibibigay sa inyo ng aking Diyos ang lahat ng pangangailangan ninyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.

Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus.

Tayoʼy Higit pa sa mga Nagtagumpay

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.

Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.

Ang sinumang nananahan

sa piling ng Kataas-taasang Diyos

na Makapangyarihan

ay kakalingain niya.

Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon,

"Siya ang kumakalinga

at nagtatanggol sa akin.

Siya ang aking Diyos

at sa kanya ako nagtitiwala."

Nasa Diyos ang aking kaligtasan

at karangalan.

Siya ang matibay kong batong kanlungan.

Siya ang nag-iingat sa akin.

Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.

O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako.

Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.

Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Fundamento de confiança

Deus não é homem para que minta. Todas as suas promessas são firmes. Confiar em Deus é segurança absoluta.

Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling,

o magbabago ng kanyang isip.

Nagsasabi ba siya ng hindi niya ginagawa?

Nangangako ba siya ng hindi niya tinutupad?

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos,

"Hinding-hindi ko kayo iiwan

ni pababayaan man."

Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin,

"Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,

kaya hindi ako matatakot.

Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?"

Ituro mo ang tamang aral na natutunan mo sa akin, nang may pananampalataya at pag-ibig dahil ito ang karapat-dapat gawin ng mga nakay Kristo Hesus.

Ang Mabuting Sundalo ni Kristo Hesus

Kaya ikaw Timoteo, bilang aking anak sa pananampalataya, magpakatatag ka sa tulong ni Kristo Hesus.

Magtiwala ka nang buong puso

sa Panginoon

at huwag kang manalig

sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon

sa lahat ng iyong ginagawa

at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Magtiwala ka nang buong puso

sa Panginoon

at huwag kang manalig

sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon

sa lahat ng iyong ginagawa

at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Ipagkatiwala mo sa Panginoon

ang mga gagawin mo,

at magtatagumpay ka

sa iyong mga plano.

Ang taong nakikinig

kapag tinuturuan ay uunlad,

at ang taong nagtitiwala

sa Panginoon ay mapalad.

Ang natatakot sa kanyang kapwa at nasa

mapanganib na bitag,

subalit ang nagtitiwala sa Panginoon

ay magiging panatag.

Confiar em todas as coisas

Não pertenço ao mundo — minha cidadania é do céu. A confiança cristã repousa na fidelidade de Deus, não nas circunstâncias.

Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.

Sinagot siya ni Hesus, "Bakit mo sinabing kung may magagawa ako? Ang lahat ng bagay ay posible sa taong may pananampalataya sa Diyos!"

Sumagot si Hesus, "Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos."

Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iimbak sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa kanila?

"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."

"Ngunit mapalad ang taong nagtitiwala

at lubos na umaasa sa Panginoon.

Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog

na ang mga ugat ay umaabot sa tubig.

Ang punongkahoy na itoʼy hindi natatakot,

dumating man ang tag-init

o mahabang tag-araw.

Palaging sariwa ang mga dahon nito

at walang tigil ang pamumunga.

Kapag dumaan ka sa tubig,

akoʼy kasama mo.

Kapag tatawid ka sa mga ilog,

hindi ka malulunod.

Kapag dumaan ka sa apoy,

hindi ka masusunog;

at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.

Ito ang kapanatagan natin sa paglapit natin sa Diyos: Pakikinggan niya tayo sa anumang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban.

Ito ang kapanatagan natin sa paglapit natin sa Diyos: Pakikinggan niya tayo sa anumang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban.

Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila.

Paano Makikilala ang mga Bulaang Propeta

Mga minamahal, huwag kayong maniwala agad sa mga taong nagsasabing mula sa Espiritu ng Diyos ang ipinapahayag nila. Sa halip, subukin muna ninyo kung nagmula nga sa Espiritu ang ipinapahayag nila, sapagkat marami nang bulaang propetang naglipana sa mundo.

Esperar com confiança

O Senhor está perto de todos os que o invocam. Na espera confiante encontramos descanso e direção divina.

Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat

na tumatawag sa inyo.

Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin

ang inyong pag-ibig,

dahil sa inyo ako nagtitiwala.

Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan

na dapat kong daanan,

dahil sa inyo ko ipinagkakatiwala ang aking buhay.

Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.

Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.

Magtiwala ka sa Panginoon

at gumawa ng mabuti.

Sa gayon ay mananahan ka

nang ligtas sa lupaing ito.

O kay dakila ng inyong kabutihan;

sa mga may takot sa inyo,

pagpapalaʼy inyong inilaan.

Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan

sa mga taong kayo ang kanlungan.

Walang sinuman sa langit

ang kailangan ko

kundi kayo lamang.

At walang anuman sa mundo

ang hinahangad ko

maliban sa inyo.

Kaya dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay ninyo.

Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at tinatangay ng hangin.

Sapagkat namumuhay tayo sa pananampalataya at hindi ayon sa mga bagay na nakikita.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-04_23-13-58-