Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 145

Papuring awit na isinulat ni David.

1 Ako ay magpupuri sa inyo, aking Diyos at Hari.

Pupurihin ko kayo magpakailanman.

2 Pupurihin ko kayo araw-araw,

at itoʼy gagawin ko magpakailanman.

3 Panginoon, kayoʼy makapangyarihan

at karapat-dapat na purihin.

Ang inyong kadakilaan

ay hindi kayang unawain.

4 Ang bawat salinlahi ay magsasabi

sa susunod na salinlahi

ng tungkol sa inyong makapangyarihang gawa.

5 Pagbubulay-bulayan ko

ang inyong kadakilaan at kapangyarihan,

at ang inyong kahanga-hangang mga gawa.

6 Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihan

at kahanga-hangang mga gawa,

at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan.

7 Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan,

at aawit sila nang may kagalakan

tungkol sa inyong katuwiran.

8 Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin;

hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.

9 Panginoon, mabuti kayo sa lahat;

nagmamalasakit kayo

sa lahat ng inyong nilikha.

10 Pasasalamatan kayo, Panginoon,

ng lahat ng inyong nilikha;

pupurihin kayo ng inyong mga tapat

na mamamayan.

11 Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan

at ang kadakilaan ng inyong paghahari,

12 upang malaman

ng lahat ang inyong dakilang mga gawa

at ang kadakilaan ng inyong paghahari.

13 Ang inyong paghahari

ay magpakailanman.

Panginoon, tapat kayo

sa inyong mga pangako,

at mapagmahal kayo

sa lahat ng inyong nilikha.

14 Tinutulungan ninyo ang mga dumaranas

ng kahirapan,

at pinalalakas ang mga nanghihina.

15 Ang lahat ng nilalang na may buhay

ay umaasa sa inyo,

at binibigyan nʼyo sila ng pagkain

sa panahong kailangan nila.

16 Sapat ang inyong ibinibigay

at silaʼy lubos na nasisiyahan.

17 Panginoon, matuwid kayo

sa lahat ng inyong pamamaraan,

at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.

18 Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat

na tumatawag sa inyo.

19 Ibinibigay ninyo ang nais

ng mga taong may takot sa inyo;

pinapakinggan ninyo ang kanilang mga daing

at inililigtas nʼyo sila.

20 Binabantayan ninyo ang mga umiibig sa inyo,

ngunit ang masasama ay lilipulin ninyo.

21 Pupurihin ko kayo, Panginoon!

Ang lahat ng nilikha

ay magpupuri sa inyo magpakailanman.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.