Consequências dos nossos atos
Toda ação tem consequências. A Bíblia ensina que colhemos o que semeamos — para o bem e para o mal. Deus pesará cada palavra e ato no dia do juízo.
Colher o que semear
Cada um prestará contas de si mesmo a Deus. O Senhor julgará as obras e os segredos dos homens com justiça perfeita.
Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Diyos sa lahat ng ating mga ginawa.
Sapagkat ibibigay ng Diyos sa bawat isa ang nararapat ayon sa kanyang mga gawa. Bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, na ang hangad ay makamtan ang karangalan, kaluwalhatian, at buhay na walang hanggan. Ngunit sa iba naman na walang ibang iniisip kundi ang sarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan, ibubuhos sa kanila ng Diyos ang kanyang matinding galit. Lahat ng taong gumagawa ng masama ay magdurusa at maghihirap; ang mga Hudyo muna bago ang mga Hentil. Ngunit bibigyan ng Diyos ng kaluwalhatian, karangalan at kapayapaan ang lahat ng gumagawa ng kabutihan, una ang mga Hudyo bago ang mga Hentil. Sapagkat pantay-pantay ang pagtingin ng Diyos sa lahat ng tao.
Ibang-iba ang idinulot ng kaloob ng Diyos sa idinulot ng kasalanan ni Adan. Ang kasalanan ni Adan ay nagdulot ng kaparusahan, ngunit ang kaloob ng Diyos sa kabila ng maraming kasalanan ay nagdulot ng kapatawaran. Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan sa buong mundo. Ngunit dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Hesu-Kristo, ang mga tumanggap sa masaganang biyaya ng Diyos at itinuring niyang matuwid ay mamumuhay nang matagumpay.
Huwag Husgahan ang Kapwa
"Huwag kayong humatol, upang hindi rin kayo hatulan. Sapagkat kung paano ninyo hinahatulan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo hahatulan ng Diyos. Ang panukat na ginagamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya.
Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao. Walang makapagtatago sa Diyos. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.
Responsabilidade pessoal
Quem é sábio prevê o perigo e se esconde. A Palavra examina os pensamentos e intenções do coração.
Ang taong maalam
ay umiiwas kung may panganib,
ngunit ang wala sa katinuan
ay sumusuong sa panganib,
kaya napapahamak.
Kung may karunungan ka,
magdudulot ito sa iyo ng kabutihan,
ngunit magdurusa ka
kung itoʼy iyong tatanggihan.
Bago mangako sa Diyos
ay isiping mabuti,
baka magsisi ka sa bandang huli.
" ‘Kung ang isang taoʼy nagkasala dahil tumanggi siyang tumayo bilang saksi sa hukuman para sa pangyayaring kanyang nakita o nalalaman, may pananagutan siya.
"Kung may tao namang lumabag sa utos ng Panginoon nang hindi niya nalalaman, siyaʼy nagkasala pa rin at may pananagutan sa Panginoon.
Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapwa. Paalalahanan ninyo siya kung siyaʼy nagkasala upang wala kayong pananagutan.
Consequências inevitáveis
A terra deu seu fruto conforme as obras dos que nela habitam. Ninguém escapa do juízo — Deus pesa cada ação.
Magiging mapanglaw na lugar
ang mga bansa sa mundo
dahil sa kasamaan
ng mga naninirahan doon.
At kayong magkapatid, pagdudusahan ninyo ang ginawa ninyong kahalayan, pati na ang kasalanang pagsamba ninyo sa mga diyos-diyosan, at malalaman ninyo na ako, ang Makapangyarihang Panginoon."
Sisingilin ko ang sinumang papatay sa inyo, kahit ang mga hayop. Sisingilin ko ang sinumang papatay sa kanyang kapwa.
Bakit nilalait ng taong masama ang Diyos?
Sinasabi pa niya, "Hindi tayo parurusahan ng Diyos."
Ngunit nakikita nʼyo, O Diyos,
ang mga taong nagdurusa at naghihirap.
Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awa
tulad ng mga naulila,
at nakahanda kayong tumulong sa kanila.