Coração quebrantado
Deus está perto dos que têm o coração quebrantado. A Bíblia consola os aflitos: o sacrifício que Deus aceita é o espírito quebrantado e um coração contrito — jamais desprezará.
Malapit ang Panginoon
sa mga may bagbag na puso,
at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.
Ang handog ko sa inyo, O Diyos,
ay isang pusong nagpapakumbaba,
at nagsisisi sa kanyang kasalanan.
O Diyos, ito ang handog
na hindi ninyo tatanggihan.
Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo,
at ginagamot ang kanilang mga sugat.
Manghina man ang aking
katawan at isipan,
kayo, O Diyos, ang aking kalakasan.
Kayo lang ang kailangan ko
magpakailanman.
Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Diyos,
ang Banal na Diyos
na nabubuhay magpakailanman:
"Nakatira ako sa mataas at banal na lugar,
at kasama ng mga taong
mapagpakumbaba at nagsisisi,
at silaʼy aking palalakasin
at bubuhayin ang kanilang kalooban.
Hindi baʼt ako ang gumawa
ng lahat ng bagay na ito,
kaya silaʼy nalikha?"
wika ng Panginoon.
"Binibigyang pansin ko
ang mga taong mapagpakumbaba,
nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.
Ang Espiritu ng Makapangyarihang Panginoon
ay sumasaakin.
Sapagkat hinirang niya ako
na mangaral ng magandang balita
sa mga dukha.
Sinugo niya ako para aliwin
ang mga sugatang-puso,
at para ipahayag sa mga bihag
at mga bilanggo na silaʼy malaya na.
Sinugo rin niya ako para ipahayag
na ngayon na ang panahon
na ililigtas ng Panginoon
ang kanyang mga mamamayan
at parurusahan ang kanilang mga kaaway.
Sinugo rin niya ako
para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion,
nang sa ganoon,
sa halip na maglagay sila ng abo
sa kanilang ulo bilang tanda
ng pagdadalamhati,
maglalagay sila ng langis
o ng koronang bulaklak
sa kanilang ulo
bilang tanda ng kaligayahan.
Silaʼy magiging parang matibay na puno
na itinanim ng Panginoon.
Kikilalanin silang mga taong matuwid
sa ikakaluwalhati ng Panginoon.
"Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila
sa harapan ng Diyos,
sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
Pinagpala ang mga naghihinagpis,
sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
Pinagpala ang mga taong mapagpakumbaba,
sapagkat sila ang magmamana sa buong daigdig.
Sapagkat ang kalungkutang naaayon sa kalooban ng Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabagong patungo sa kaligtasan. Hindi pinagsisisihan ang kalungkutang iyon. Subalit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan. Tingnan ninyo ang idinulot nitong kalungkutang naaayon sa kalooban ng Diyos! Nagsumikap kayong patunayan na wala kayong kasalanan. Galit kayo sa ginawang pagkakasala at natakot sa idudulot nito. Kayo ay sabik, masigasig at handang-handang itaguyod ang katarungan. Pinatunayan din ninyo sa lahat ng paraan na wala kayong kinalaman sa pagkakasalang iyon.
Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, "Sapat ang biyaya ko para sa ʼyo sapagkat ang kapangyarihan koʼy nakikita sa ʼyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay palagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Kristo.