Pular para o conteúdo
Publicidade

Corpo é o templo de Deus

Por Bíblia Online

O corpo do cristão é templo de Deus. Ele habita em nós pelo Espírito Santo, fazendo do crente morada viva e sagrada do Altíssimo.

Templo do Deus vivo

Vós sois o templo do Deus vivo. Deus disse: habitarei neles e entre eles andarei. O criador mora em sua criação redimida.

Hindi ba ninyo alam na kayoʼy templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo? Ang sinumang wawasak sa Templo ng Diyos ay parurusahan niya, dahil banal ang Templo ng Diyos. At ang templong iyon ay walang iba kundi kayo.

Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Diyos, dahil tinubos niya ng napakalaking halaga. Kayaʼt luwalhatiin ninyo ang Diyos gamit ang inyong katawan.

Hindi maaaring magsama ang mga diyos-diyosan at ang Diyos sa iisang templo. At tayo ang Templo ng Diyos na buháy! Gaya ng sinabi ng Diyos,

"Mananahan akoʼt mamumuhay sa kanilang piling.

Akoʼy magiging Diyos nila,

at silaʼy magiging mga taong sakop ko."

Kaya kayong mga Hentil ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan na itinayo sa pundasyong inilatag ng mga apostol at mga propeta, kung saan si Kristo Hesus ang batong panulok. Sa pamamagitan ni Kristo, ang lahat ng bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. At dahil kayoʼy nakay Kristo, bahagi na rin kayo nitong gusaling itinatayo, kung saan nananahan ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu.

Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay. Tapat si Moises sa pamamahala niya sa pamilya ng Diyos bilang isang lingkod. At ang mga bagay na ginawa niya ay larawan ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Ngunit si Kristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Diyos. At tayo ang pamilya ng Diyos, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin.

Tapat si Moises sa pamamahala niya sa pamilya ng Diyos bilang isang lingkod. At ang mga bagay na ginawa niya ay larawan ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Ngunit si Kristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Diyos. At tayo ang pamilya ng Diyos, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin.

Cristo em nós

Já não sou eu quem vive, mas Cristo vive em mim. A presença de Deus no crente é privilégio e responsabilidade sagrada.

Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.

Sumagot si Hesus, "Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya.

Ang Panawagan upang Magtiyaga

Kaya mga kapatid, malaya na tayong makakapasok sa Pinakabanal na Lugar dahil sa dugo ni Hesus. Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang katawan, binuksan niya para sa atin ang bago at nagbibigay-buhay na daan, at ang daang itoʼy tumatagos sa tabing patungo sa Pinakabanal na Lugar. At ang daang ito ang nagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan. At dahil mayroon tayong dakilang punong pari na namamahala sa pamilya ng Diyos, lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Hesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.

Ngunit kayoʼy bayang hinirang, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Diyos. Pinili kayo ng Diyos na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Seja o primeiro