Corpo
O corpo é templo do Espírito Santo. A Bíblia ensina a cuidar do corpo com responsabilidade, moderação e respeito — honrando a Deus com nosso ser integral.
Templo do Espírito
Vosso corpo é templo do Espírito Santo. Glorificai a Deus no vosso corpo — ele não é vosso, foi comprado por preço.
Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Diyos, dahil tinubos niya ng napakalaking halaga. Kayaʼt luwalhatiin ninyo ang Diyos gamit ang inyong katawan.
Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos.
At kahit ipamigay ko ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati ang aking katawan para sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.
Tayong lahat, Hudyo man o Hentil, alipin o malaya ay nabautismuhan sa iisang Espiritu para maging isang katawan. At iisang Espiritu rin ang tinanggap nating lahat.
Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at ang bawat bahagi ay may kanya-kanyang gawain, ganoon din tayong mga mananampalataya. Kahit na marami tayo, iisang katawan lang tayo kay Kristo, at magkakaugnay tayo sa isaʼt isa.
Cuidar do corpo
O exercício físico é proveitoso, mas a piedade tem promessa para a vida presente e futura. Cuide do corpo com sabedoria.
Ang pagsasanay ng katawan ay may mabuting naidudulot, ngunit ang banal na pamumuhay ay higit na kapakipakinabang, sapagkat itoʼy may pangako hindi lang sa buhay na ito, kundi maging sa buhay na darating.
Ang pagiging masayahin
ay parang gamot na nakabubuti sa katawan,
ngunit ang pagiging malungkutin
ay nagpapahina ng katawan.
Ang matatamis na salita
ay parang pulot-pukyutan,
nakakapagpasaya at nakakapagpasigla
ng katawan.
Huwag mong isiping
napakarunong mo na.
Matakot ka sa Panginoon,
at huwag gumawa ng masama.
Para iyon sa ikabubuti
at ikalalakas ng iyong katawan.
Kilala ninyo ako, dahil kayo
ang lumalang sa akin.
Kayo ang humubog sa akin
sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri ko kayo
sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.
Alam na alam kong ang inyong mga gawa
ay tunay na kahanga-hanga.
Manghina man ang aking
katawan at isipan,
kayo, O Diyos, ang aking kalakasan.
Kayo lang ang kailangan ko
magpakailanman.
O Diyos, kayo ang aking Diyos.
Hinahanap-hanap ko kayo.
Nananabik ako sa inyo nang
buong pusoʼt kaluluwa,
tulad ng lupang tigang sa ulan.
Corpo e espírito
O espírito está pronto, mas a carne é fraca. Não vos preocupeis com o corpo — a vida é mais do que alimento.
Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espirituʼy handang sumunod, ngunit mahina ang laman."
Kaya kung ang kanang mata mo ang sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa sa buong katawan mo ang itatapon sa impiyerno.
"Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o iinumin, o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Hindi baʼt mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, ngunit hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Diyos, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impiyerno.
Libu-libong tao ang dumagsa kay Hesus, kaya nagkakatapakan na sila. Binalaan ni Hesus ang mga alagad niya, "Mag-ingat kayo at baka mahawa kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo. Ang ibig kong sabihin ay ang kanilang pagpapakitang-tao. Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag. Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kuwarto ay malalaman ng lahat.
"Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang kaya lamang nilang patayin ay ang katawan ninyo, at pagkatapos ay wala na silang magagawa pa. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: Katakutan ninyo ang Diyos, dahil pagkatapos niyang patayin ang katawan ninyo ay may kapangyarihan pa siyang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang dapat ninyong katakutan. Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng maya? Ngunit kahit isa sa kanila ay hindi nakakalimutan ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya. Kahit nga ang bilang ng buhok ninyo ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot.
"Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumikilala sa akin bilang kanyang Panginoon sa harap ng mga tao, ang Anak ng Tao ay kikilala rin sa kanya sa harap ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang hindi kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos. Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang magsalita ng kalapastanganan sa Banal na Espiritu ay hindi mapapatawad.
"Kapag dinala kayo sa mga sinagoga o sa mga tagapamahala ng bayan, huwag kayong mag-alala kung paano kayo mangangatwiran o kung ano ang sasabihin ninyo, sapagkat ituturo sa inyo ng Banal na Espiritu sa oras ding iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin."
Sinabi kay Hesus ng isa sa mga tao, "Guro, sabihin nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa mana namin."
Sumagot si Hesus, "Kaibigan, tagahatol ba ako o tagahati ng pag-aari ninyo?" Pagkatapos, sinabi rin niya sa kanila, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari."
At ikinuwento niya ang talinghaga na ito: "May isang mayamang may bukirin na umani nang sagana. Sinabi niya sa kanyang sarili, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Wala na akong mapaglagyan ng ani ko.’
"At sinabi niya, ‘Alam ko na! Gigibain ko ang mga bodega ko at magpapagawa ako ng mas malaki, at doon ko ilalagay ang ani at mga ari-arian ko. At dahil marami na akong naipon para sa maraming taon, magpapahinga na lang ako, kakain, iinom at magpapakaligaya!’
"Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Ngayong gabi ay babawiin ko sa iyo ang buhay mo. Kanino ngayon mapupunta ang lahat ng inipon mo para sa iyong sarili?’
"Ganyan ang mangyayari sa taong nagpapayaman ng sarili ngunit mahirap sa paningin ng Diyos."
Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Kaya huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin; o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Dahil ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit. Tingnan ninyo ang mga uwak. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon sa mga bodega, pero pinakakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa sa mga ibon! Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit kaunti sa pamamagitan ng pag-aalala? Kaya kung hindi ninyo kayang gawin ang ganyang kaliit na bagay, bakit kayo mag-aalala tungkol sa iba pang bagay?
"Tingnan ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang. Hindi sila nagtatrabaho o gumagawa ng maisusuot nila. Ngunit sasabihin ko sa inyo, kahit si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng mga bulaklak na iyon sa kabila ng kanyang karangyaan. Kung dinadamitan ng Diyos nang ganito ang mga damo sa parang, na buhay ngayon pero kinabukasan ay malalanta at susunugin, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya! Kaya huwag kayong mabahala kung ano ang kakainin o iinumin ninyo; huwag kayong mag-alala tungkol sa mga bagay na ito. Ang mga bagay na ito ang pinapahalagahan ng mga tao sa mundo na hindi kumikilala sa Diyos. Ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang mga ito. Sa halip, pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at lahat ng mga pangangailangan ninyo ay ipagkakaloob niya.
"Kayong mga alagad ko ay kaunti lang. Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya. Ipagbili ninyo ang mga ari-arian ninyo at ipamigay ang pera sa mga mahihirap, upang makaipon kayo ng kayamanan sa langit. Doon, ang maiipon ninyong kayamanan ay hindi maluluma o mauubos, sapagkat doon ay walang makakalapit na magnanakaw o makakapanirang insekto. Sapagkat kung nasaan ang kayamanan ninyo, naroon din ang puso ninyo.
"Maging handa kayo palagi sa pagbabalik ng inyong Panginoon, katulad ng mga aliping naghihintay sa pag-uwi ng kanilang amo mula sa kasalan. Nakahanda sila at nakasindi ang mga ilawan nila, upang sa pagdating at pagkatok ng amo nila ay mabubuksan nila agad ang pinto. Mapalad ang mga aliping madadatnan ng amo nila na gising at nagbabantay sa kanyang pag-uwi. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, maghahanda ang amo nila para pagsilbihan sila. Sila ay pauupuin niya sa kanyang mesa at pagsisilbihan habang kumakain sila. Mapalad ang mga aliping iyon kung madadatnan sila ng amo nila na handa kahit anong oras, hatinggabi man o madaling-araw. Tandaan ninyo ito: Kung alam ng isang tao kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya hahayaang pasukin nito ang bahay niya. Kayo man ay dapat maging handa, dahil ang Anak ng Tao, ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan."
Nagtanong si Pedro, "Panginoon, para kanino po ba ang talinghaga na iyon, para sa amin o para sa lahat?"
Sumagot ang Panginoon, "Hindi baʼt ang tapat at matalinong utusan ang pamamahalain ng amo niya sa mga kapwa niya alipin, upang siya ang magbibigay sa kanila ng pagkain sa tamang oras? Mapalad ang aliping iyon kapag nadatnan siya ng amo niya na ginagawa ang kanyang tungkulin. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, pamamahalain siya ng kanyang amo sa lahat ng mga ari-arian nito. Ngunit kawawa ang alipin kung inaakala niyang matatagalan pa bago bumalik ang amo niya, at habang wala ito ay pagmamalupitan niya ang ibang mga alipin, lalaki man o babae, at magpapakabusog siya at maglalasing. Darating ang amo niya sa araw o oras na hindi niya inaasahan, at parurusahan siya nang matindi at isasama sa mga hindi mapagkakatiwalaan.
"Ang aliping nakakaalam ng kagustuhan ng amo niya ngunit hindi naghahanda at hindi gumagawa ng kanyang tungkulin ay tatanggap ng mabigat na parusa. At ang aliping hindi nakakaalam ng kagustuhan ng amo niya, at nakagawa ng kamalian ay parurusahan din, pero magaan lang. Ang binigyan ng marami ay hahanapan ng marami. Mas marami nga ang pananagutan ng pinagkatiwalaan ng mas marami.
"Naparito ako sa lupa upang magdala ng apoy at gusto ko sanang magliyab na ito. Ngunit bago ito mangyari, may mga paghihirap na kailangan kong pagdaanan. At hindi ako mapapalagay hanggaʼt hindi ito natutupad. Akala ba ninyoʼy naparito ako upang magkaroon ng kapayapaan sa lupa? Ang totooʼy naparito ako upang magkaroon ng hidwaan. Mula ngayon, mahahati ang limang tao sa loob ng isang pamilya. Tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Kokontrahin ng ama ang anak niyang lalaki, at kokontrahin din ng anak na lalaki ang kanyang ama. Ganoon din ang mangyayari sa ina at sa anak niyang babae, at sa biyenang babae at sa manugang niyang babae."
Sinabi ni Hesus sa mga tao, "Kapag nakita ninyo ang makapal na ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at umuulan nga. At kapag umihip naman ang hanging habagat ay sinasabi ninyong iinit, at umiinit nga. Mga pakitang-tao! Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa lupa at sa langit, pero bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon?
"Bakit hindi ninyo mapagpasyahan kung ano ang matuwid? Kapag may nagdemanda sa iyo, pagsikapan mong makipag-ayos sa kanya habang papunta pa lang kayo sa hukuman; dahil baka pilitin ka pa niyang humarap sa hukom, at pagkatapos ay ibigay ka ng hukom sa alagad ng batas para ipabilanggo. Tinitiyak ko sa iyo, hindi ka makakalabas ng bilangguan hanggaʼt hindi mo nababayaran ang lahat ng multa mo."
Huwag kayong mag-alala o mabalisa man
dahil ang panahon ng kabataan
ay lumilipas lang.
União e harmonia
O corpo é um só, mas tem muitos membros. Cristo é a cabeça; a paz de Cristo governe em vossos corações.
Sapagkat iisang katawan lamang tayo na may iisang Espiritu, at iisa rin ang pag-asang ibinigay sa atin nang tawagin tayo ng Diyos;
Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya nang pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang siyang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na ulo ng iglesya na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.
Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.
Mula sa tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalaki, gumawa siya ng isang babae, at dinala ito sa lalaki.
Sinabi ng lalaki,
"Narito na ang isang tulad ko!
Buto na kinuha sa aking mga buto,
at laman na kinuha sa aking laman.
Tatawagin siyang ‘babae,’
dahil kinuha siya mula sa lalaki."
Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.
Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.
Siya mismo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, upang iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.
Lahat tayoʼy madalas magkamali. Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilan ang kanyang sarili.