Publicidade

Dinheiro

Por Bíblia Online

O dinheiro é ferramenta que pode ser usada para o bem ou para o mal. A Bíblia nos ensina a administrar recursos com sabedoria, generosidade e temor ao Senhor.

Perspectiva bíblica

Guardai-vos da avareza. A vida não consiste na abundância de bens. O dinheiro é servo, nunca senhor.

Pagkatapos, sinabi rin niya sa kanila, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari."

Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.

"Sumagot ang amo niya, Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking kaligayahan!

Dahil ang kayamanan

ay madaling mawala

at tila may pakpak

na lumilipad sa kalawakan

tulad ng isang agila.

Ikawalong Kawikaan

Huwag mong pahirapan

ang sarili mo sa pagpapayaman.

Maging matalino ka

at ang sarili ay pigilan.

Ang taong maibigin sa pera

at iba pang kayamanan,

kailanman ay hindi masisiyahan.

Wala rin itong kabuluhan.

Administrar com sabedoria

Honra ao Senhor com as tuas primícias. O sábio administra seus recursos com prudência e visão de eternidade.

Parangalan mo ang Panginoon

sa pamamagitan

ng paghahandog sa kanya

ng mga unang bunga ng iyong ani.

Ang pagpapala ng Panginoon

ay nagpapayaman

at hindi niya ito dinadagdagan

ng anumang kalungkutan.

Ang kayamanang nakuha sa masamang paraan

ay hindi makapagbibigay ng anumang kabutihan,

ngunit ang matuwid na pamumuhay

ay makapagliligtas sa iyo sa kamatayan.

Ang kayamanang nakuha

sa pandaraya

ay madaling nawawala,

ngunit ang kayamanang pinaghirapan

ay pinagpapala.

Higit na mabuti ang magkaroon

ng karunungan at pang-unawa,

kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.

Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan

kaysa sa maraming kayamanan.

Ang paggalang ng tao sa iyo

ay mas mahalaga pa

kaysa pilak at ginto.

Mas mabuti pang maging mahirap

na may takot sa Panginoon,

kaysa maging mayaman na ang buhay

ay puno ng kaguluhan.

Ang gusto natin sa isang tao

ay matapat.

Mas mabuti pang maging mahirap

kaysa maging sinungaling.

Una, ilayo ninyo ako

sa kasinungalingan at kabulaanan.

Pangalawa, huwag ninyo akong

gawing mayaman o mahirap,

sa halip bigyan lamang ninyo ako

ng pagkain na aking kakailanganin.

Perigos e armadilhas

Quem quer enriquecer cai em tentação. Fuja do amor ao dinheiro e busque contentamento no Senhor.

Ang mga taong naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso, sa isang bitag ng mapanira at walang kabuluhang mga hangarin na nagdadala sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.

Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Diyos na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin.

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos,

"Hinding-hindi ko kayo iiwan

ni pababayaan man."

Ang kayamanan ay hindi makakatulong

sa araw ng paghuhukom,

ngunit ang matuwid na pamumuhay

ay magliligtas sa iyo sa kamatayan.

Ang akala ng taong mayaman

ay maipagtatanggol siya

ng kanyang kayamanan

tulad ng mga pader na nakapalibot

sa buong bayan.

Tudo vem de Deus

De ti vem tudo, e das tuas mãos to damos. Os tributos são devidos — dai a César o que é de César e a Deus o que é de Deus.

"Ngunit sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nʼyo sa amin.

Kaya ibigay ninyo ang nararapat sa kanila: Kung buwis at iba pang bayarin, bayaran ninyo; kung paggalang, igalang ninyo ang nararapat igalang, at kung parangal, parangalan ninyo ang dapat parangalan.

Iyan din ang dahilan kung bakit tayo nagbabayad ng buwis. Sapagkat ang mga namumuno ay lingkod ng Diyos at inilalaan nila ang kanilang buong panahon sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid

ay mas mabuti

kaysa sa kayamanan ng masama.

Dahil tutulungan ng Panginoon

ang matuwid,

ngunit mawawalan ng kakayahan

ang taong masama.

Nagagalak akong sumunod

sa inyong mga katuruan,

higit pa sa kagalakang dulot

ng mga kayamanan.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-