Encorajamento
O encorajamento é uma das vocações mais lindas do cristão. A Bíblia transborda de palavras de ânimo: não temas, levanta-te, Eu sou contigo. Deus nos encoraja para encorajarmos outros.
Não temas
Deus diz repetidamente: não temas, Eu sou contigo. Ele fortalece, sustenta e caminha ao nosso lado em cada desafio.
Huwag kang mangamba,
sapagkat kasama mo ako;
huwag kang malungkot,
sapagkat ako ang iyong Diyos.
Palalakasin kita at tutulungan.
Aalalayan kita sa pamamagitan
ng kamay kong nagliligtas.
Kapag dumaan ka sa tubig,
akoʼy kasama mo.
Kapag tatawid ka sa mga ilog,
hindi ka malulunod.
Kapag dumaan ka sa apoy,
hindi ka masusunog;
at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.
Ibibigay ko ang ibang mga tao
bilang kapalit mo,
dahil ikaw ay marangal
at mahalaga sa aking paningin,
at dahil mahal kita.
Huwag kang matatakot
sapagkat kasama mo ako.
Titipunin ko ang iyong mga lahi
mula sa silangan hanggang sa kanluran.
"Huwag kang matakot
dahil hindi ka mapapahiya.
Malilimutan mo na ang kahihiyan
ng iyong kabataan
at hindi mo na maaalala
ang pangungutya dala
ng iyong pagkabalo.
"Ipinakilala ko ang aking sarili
sa mga taong hindi nagtatanong
tungkol sa akin.
Natagpuan nila ako
kahit na hindi nila ako hinahanap.
Ipinakilala ko ang aking sarili
sa bansang hindi tumatawag sa akin.
Sinabi ko sa kanila,
‘Narito ako, narito ako.’
ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon
ay muling magkakaroon ng lakas.
Lilipad silang gaya ng isang agila.
Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.
Lumakad man sila ay hindi manghihina.
Pagkatapos, narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, "Sino ang isusugo ko? Sino ang hahayo para sa amin?"
Sumagot ako, "Narito po ako! Ako ang isugo ninyo."
Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."
Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."
Sumagot ang mga tao, "Wala sa isipan naming tumalikod sa Panginoon at maglingkod sa ibang mga diyos. Ang Panginoon na ating Diyos mismo ang naglabas sa atin at sa mga ninuno natin sa pagkaalipin doon sa Ehipto. Nakita rin natin ang mga himalang ginawa niya. Iningatan niya tayo sa paglalakbay natin sa mga bansang dinadaanan natin.
Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Diyos ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man."
Pangungunahan ka ng Panginoon at sasamahan ka niya; hindi ka niya iiwan o pababayaan man. Kaya huwag kang matakot ni panghinaan ng loob."
Deus está conosco
Se Deus é por nós, quem será contra nós? Tudo posso naquele que me fortalece. Ele nos encoraja pela sua presença.
Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.
At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba, Ama" ang Diyos.
kundi ang kapakanan din ng iba, upang mapalakas ang kanilang pananampalataya.
Nawa ang Diyos na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga alagad ni Kristo Hesus.
Nananabik akong makita kayo dahil nais kong ibahagi sa inyo ang espirituwal na kaloob na magpapatatag sa inyong pananampalataya. Ang ibig kong sabihin, magtutulungan tayo sa pagpapalakas ng pananampalataya ng isaʼt isa.
Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.
Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus.
Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.
Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.
Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ngunit nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng anuman.
Nasa amin ang kayamanang ito, ngunit tulad lang kami ng palayok na pinaglagyan nito upang maipakita ang hindi mapapantayang kapangyarihan ay mula sa Diyos, hindi sa amin. Ginigipit kami sa lahat ng paraan, ngunit hindi nalulupig. Nalilito kami, ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinapabayaan ng Diyos. Pinapabagsak kami, ngunit hindi tuluyang nalulugmok. Sa aming paghihirap, patuloy na nakikibahagi ang aming katawan sa kamatayan ni Hesus, upang sa pamamagitan nito ay makita rin ang buhay ni Hesus sa aming katawan. Sapagkat habang kamiʼy buhay pa, palagi kaming nasa bingit ng kamatayan dahil sa paglilingkod namin kay Hesus, upang sa pamamagitan ng aming katawang namamatay, makita rin ang buhay niya.
Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, ginagawa namin ang lahat upang mahikayat ang mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay naming pagkatao, at umaasa akong alam din ninyo ito. Hindi dahil sa ipinagmamalaki na naman namin ang aming sarili, kundi dahil gusto namin na may maipagmalaki kayo tungkol sa amin, upang may maisagot kayo sa mga taong pumupuri lamang sa mga bagay na panlabas, at hindi sa nilalaman ng puso. Kung magmukha man kaming nasisiraan ng bait, itoʼy para sa Diyos. At kung kami naman ay matino, itoʼy para sa inyong kapakanan. Sapagkat ang pag-ibig ni Kristo ang siyang nag-uudyok sa amin na sundin ang kanyang kalooban. Kumbinsido kami na namatay si Kristo para sa lahat, kaya maituturing din na namatay ang lahat. Namatay siya para sa lahat, upang ang lahat ng nabubuhay ngayon ay hindi na mamumuhay para sa sarili, kundi para sa kanya na namatay at nabuhay para sa kanila.
Kaya ngayon, hindi na namin tinitingnan ang mga tao ayon sa batayan ng mga hindi kumikilala sa Diyos. Noong una, ganoon ang pagtingin namin kay Kristo, ngunit hindi na ngayon. Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya. Ang lahat ng itoʼy gawa ng Diyos na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Kristo. At ibinigay niya sa amin ang tungkuling papanumbalikin ang mga tao sa kanya. Pinapanumbalik ng Diyos ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Kristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaang magpahayag ng mensaheng ito. Kaya nga, mga sugo kami ni Kristo, at sa pamamagitan namin, nakikiusap ang Diyos sa inyo na manumbalik na kayo sa kanya. Kailanmaʼy hindi nagkasala si Kristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan upang sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Diyos.
Sapagkat kung kusang-loob ang inyong pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang anumang makayanan ninyo. Hindi niya kayo pinagbibigay nang hindi ninyo kaya.
Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.
Ânimo nas lutas
No mundo tereis aflições, mas tende bom ânimo — Eu venci o mundo. O Senhor é refúgio seguro em toda tribulação.
"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."
"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."
"Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.
"Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.
Ang ganitong pag-ibig ay walang halong takot dahil pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung may takot man ang isang tao, itoʼy dahil takot siyang maparusahan, at ipinapakita nito na hindi pa nagiging ganap ang pag-ibig sa kanya.
Promessas de conforto
Vinde a mim os cansados e sobrecarregados. Lança sobre Ele tuas ansiedades, pois Ele cuida de ti.
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.
Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, ngunit hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Diyos, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impiyerno.
Ibigay mo sa Panginoon
ang iyong mga alalahanin
at ikaw ay kanyang kakalingain.
Hindi niya pababayaan
ang mga matuwid, magpakailanman.
Dumaan man ako sa madilim
na libis ng kamatayan,
hindi ako matatakot
dahil kayoʼy aking kasama.
Ang inyong pamalo at tungkod
ang sa akiʼy umaaliw.
Dumaan man ako sa madilim
na libis ng kamatayan,
hindi ako matatakot
dahil kayoʼy aking kasama.
Ang inyong pamalo at tungkod
ang sa akiʼy umaaliw.
Ang Panginoon ang aking ilaw
at Tagapagligtas.
Sino ang aking katatakutan?
Siya ang nagtatanggol sa akin
kaya wala akong dapat katakutan.
Magtiwala kayo sa Panginoon!
Magpakatatag kayo
at huwag mawalan ng pag-asa.
Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!
Magpakatatag kayo
at lakasan ninyo ang inyong loob,
kayong mga umaasa sa Panginoon.
Sinabi ng Panginoon sa akin,
"Ituturo ko sa iyo ang daan
na dapat mong lakaran.
Papayuhan kita habang binabantayan.
Ang Diyos ang ating kanlungan
at kalakasan.
Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo
sa oras ng kagipitan.
Kaya huwag tayong matatakot
kahit lumindol man,
at gumuho ang mga bundok
at bumagsak sa karagatan.
Humampas man at umugong
ang mga alon na naglalakihan,
at mayanig ang kabundukan.
Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.
O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako.
Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.
Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
Panginoon naming Diyos,
pagpalain nʼyo sana kami
at pagtagumpayin ang aming mga gawain.
Napapatanaw ako sa mga bundok;
saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?
Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
na gumawa ng langit at ng lupa.
Panginoon palagi ko kayong iniisip,
at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.
Panginoon, kayo ang kanlungan
ng mga inaapi,
at kublihan sa panahon ng kahirapan.
Sa inyo nagtitiwala
ang nakakakilala sa inyo,
dahil hindi nʼyo itinatakwil
ang mga lumalapit sa inyo.
Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan,
Sino ang mananakit sa inyo kung masigasig kayong gumagawa ng mabuti? Ngunit kahit na maghirap kayo dahil sa paggawa ng tama, mapalad kayo. Kaya "huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong kabahan."
Encorajar uns aos outros
Encorajai-vos mutuamente e edificai-vos uns aos outros. Não desanimemos — a bondade do Senhor é nova a cada manhã.
Kaya nga, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.
Kaya nga, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.
At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.
Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos,
"Hinding-hindi ko kayo iiwan
ni pababayaan man."
Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin,
"Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,
kaya hindi ako matatakot.
Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?"
Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Maging masigasig kayo sa paggawa para sa gawaing ipinagkatiwala sa inyo ng Panginoon, sapagkat alam ninyong hindi masasayang ang paghihirap para sa kanya.
Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.
Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
Sinabi rin ni David sa anak niyang si Solomon, "Magpakatatag ka at magpakatapang. Simulan mo na ang pagpapagawa. Huwag kang matakot o manlupaypay, dahil ang Panginoong Diyos, ang aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa Templo ng Panginoon.
Sapagkat kasama ninyo
ang Panginoon
na inyong Diyos.
Siya ay isang mandirigmang
magliligtas sa inyo.
Siyaʼy magagalak sa inyo,
at sa kanyang pag-ibig kayoʼy
kanyang panunumbalikin.
Sa kanyang kagalakan
ay kanyang aawitan."
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.
Ang masikap sa trabaho
ay may pakinabang,
ngunit magiging mahirap
ang puro salita lang.
Sinabi ni Hesus sa kanila, "Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao." Kaagad nilang iniwan ang mga lambat nila at sumunod sa kanya.
Deus chama pelo nome
Ao longo da Bíblia, Deus chamou seus servos pelo nome — Abraão, Moisés, Samuel, Paulo — encorajando cada um pessoalmente.
Kinagabihan, nakipag-usap ang Diyos sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. Tinawag ng Diyos si Jacob, at sumagot si Jacob sa kanya.
Sa panaginip ko tinawag ako ng anghel ng Diyos. Sinabi niya, ‘Jacob!’ Sumagot ako sa kanya, ‘Narito po ako.’
tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, "Abraham! Abraham!"
Sumagot si Abraham, "Narito po ako."
Nang makita ng Panginoon na papalapit si Moises upang tumingin, tinawag siya ng Diyos mula sa gitna ng mababang punongkahoy, "Moises, Moises!"
Sumagot si Moises, "Narito po ako."
Ngunit tinawag siya ni Eli, "Samuel, anak."
Sumagot si Samuel, "Ano po iyon?"
Doon sa Damasco ay may isang alagad na ang pangalan ay Ananias. Nagpakita sa kanya ang Panginoon sa isang pangitain at sinabi, "Ananias!"
Sumagot siya, "Narito po ang inyong lingkod, Panginoon."
Sumagot si Maria, "Akoʼy lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang mga sinabi ninyo." At iniwan siya ng anghel.
Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng maya? Ngunit kahit isa sa kanila ay hindi nakakalimutan ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya. Kahit nga ang bilang ng buhok ninyo ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot.