Filho de Deus
Jesus é o Filho de Deus — a revelação suprema do Pai. Nele habita toda a plenitude da divindade e por Ele temos acesso ao Pai, à salvação e à vida eterna.
A revelação do Filho
O Filho é o resplendor da glória de Deus. Quem vê o Filho vê o Pai. Jesus é a imagem perfeita do Deus invisível.
Sa Anak nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Umupo siya sa kanan ng Kataas-taasang Diyos doon sa langit matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan.
Ipinapakita nitong higit na dakila ang Anak ng Diyos kaysa sa mga anghel at higit na dakila ang pangalan niya kaysa sa kanila.
Naging tao ang Salita at namuhay kasama namin. Nakita namin ang kaluwalhatian niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama, puspos ng kagandahang-loob at katotohanan.
Walang sinumang nakakita sa Diyos; ngunit ang kanyang kaisa-isang Anak, na Diyos mismo at pinakamalapít sa Ama ang nagpakilala sa kanya.
Ngunit sinabihan sila ni Hesus, "Ang aking Ama ay patuloy sa kanyang gawain, at ganoon din ako." Dahil sa sinabing ito ni Hesus, lalo nilang sinikap na patayin siya. Sapagkat hindi lang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, kundi tinawag pa niyang Ama ang Diyos, at sa gayoʼy ipinapantay niya ang kanyang sarili sa Diyos.
Confissão e fé
Tu és o Cristo, o Filho do Deus vivo! Quem confessa que Jesus é o Filho de Deus, Deus permanece nele.
Nang makarating si Hesus sa lupain ng Cesarea na sakop ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Anak ng Tao?"
Sumagot sila, "May mga nagsasabi pong si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring si Elias, at ang iba namaʼy nagsasabing si Jeremias o isa sa mga propeta."
Tinanong sila ni Hesus, "Ngunit sa inyo, sino ako?"
Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy."
Pagkatapos niyang mabautismuhan, umahon si Hesus sa tubig. Sa sandaling iyon, nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na parang isang kalapating bumababa hanggang sa dumapo ito sa kanya. At may boses na narinig mula sa langit na nagsasabing, "Ito ang minamahal kong Anak. Lubos ko siyang kinalulugdan."
Ang sinumang kumikilala na si Hesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanila at sila naman sa Diyos.
Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo niya ang kanyang kaisa-isang Anak dito sa mundo, upang tayoʼy mabuhay sa pamamagitan niya. Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.
Ngunit ang nagpapatuloy sa kasalanan ay kampon ng diyablo, dahil ang diyablo ay gumagawa na ng kasalanan mula pa sa simula. Ito ang dahilan kung bakit naparito ang Anak ng Diyos: upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.
Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay walang buhay na walang hanggan.
Vida no Filho
Deus enviou seu Filho ao mundo para que vivêssemos por Ele. O Filho dá vida, julga e reconcilia os pecadores com o Pai.
"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay ang mga ito, ganoon din naman, binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang gusto niyang bigyan nito. Sa katunayan, hindi ang Ama ang hahatol sa mga tao kundi ang kanyang Anak, dahil ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol, upang parangalan ng lahat ang Anak tulad ng pagpaparangal nila sa Ama. Kaya, ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi rin nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kanya.
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang oras, at dumating na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang makikinig sa kanya ay mabubuhay. Kung paanong ang Ama ang siyang pinagmumulan ng buhay, ganoon din ang Anak. Sapagkat ibinigay sa kanya ng Ama ang ganoong kapangyarihan.
Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Naging anak sila ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang dahil sa kagustuhan ng laman o kalooban ng tao, kundi ng Diyos.
Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
Ngunit nang dumating na ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak sa mundo. Ipinanganak siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa gayoʼy maging anak tayo ng Diyos. At dahil mga anak na tayo ngayon ng Diyos, isinugo ng Diyos ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating puso, kaya makakatawag na tayo sa kanya ng "Ama".
Dati, kaaway tayo ng Diyos, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Diyos, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Kristo.
Ipapanganak ang isang batang lalaki
na maghahari sa amin.
Tatawagin siyang,
"Kahanga-hangang Tagapayo,
Diyos na Makapangyarihan,
Walang Hanggang Ama,
at Prinsipe ng Kapayapaan."