Pular para o conteúdo
Publicidade

Filhos de Deus

Por Bíblia Online

Ser filho de Deus é o maior privilégio da existência humana. Pela fé em Cristo, recebemos o direito de ser chamados filhos de Deus — herdeiros de Deus e co-herdeiros com Cristo.

O direito de ser filho

A todos que creram no nome de Jesus, deu-lhes o poder de serem feitos filhos de Deus — nascidos não do sangue, mas de Deus.

Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Naging anak sila ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang dahil sa kagustuhan ng laman o kalooban ng tao, kundi ng Diyos.

"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ngunit ang nasa aklat na itoʼy isinulat upang sumampalataya kayo na si Hesus nga ang Mesias, ang Anak ng Diyos. At kung sasampalataya kayo sa kanya, magkakaroon kayo ng buhay.

Mga Anak ng Diyos sa Pananampalataya

Kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil sa pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus, dahil binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Kristo at namumuhay kayong katulad niya.

Ngunit nang dumating na ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak sa mundo. Ipinanganak siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa gayoʼy maging anak tayo ng Diyos.

Ngayon, hindi na tayo mga alipin kundi mga anak. At kung mga anak tayo ng Diyos, tagapagmana rin tayo ng mga pangako niya.

A identidade dos filhos

O Espírito testifica com nosso espírito que somos filhos de Deus. E se filhos, também herdeiros — herdeiros de Deus.

Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba, Ama" ang Diyos.

Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos.

Ang ibig sabihin, hindi lahat ng anak ni Abraham ay maituturing na anak ng Diyos, kundi ang mga anak lamang na ipinanganak ayon sa pangako.

"Subalit darating ang araw na kahahabagan ko sila at pagpapalain; dadami silang tulad ng buhangin sa tabing-dagat na hindi kayang takalin o bilangin. Sa lugar na tinatawag silang Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,silaʼy tatawaging, Mga anak ng Diyos na buháy.

Malinis at Maruming Pagkain

Mga anak kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Kaya kung magluluksa kayo sa patay, huwag ninyong susugatan ang mga sarili ninyo o aahitan ang mga ulo ninyo. Sapagkat mga mamamayan nga kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Sa lahat ng tao sa mundo, kayo ang kanyang pinili na maging espesyal niyang mga mamamayan.

Viver como filhos

Vede que grande amor o Pai nos concedeu: que fôssemos chamados filhos de Deus! E é isso que somos.

Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.

Ganito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: Ang sinumang hindi gumagawa ng tama o hindi nagmamahal sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.

Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan,

sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos.

Tinanong sila ni Hesus, "Ngunit sa inyo, sino ako?"

Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy."

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Pinagpala ka ng Diyos, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit.

Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? Kung hindi kayo dinidisiplina ng Diyos gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas.

Seja o primeiro