Publicidade

Filhos

Por Bíblia Online

Os filhos são herança do Senhor — bênção e responsabilidade sagrada. A Bíblia orienta sobre a criação dos filhos com amor, disciplina e instrução nos caminhos de Deus.

Herança do Senhor

Os filhos são herança do Senhor e o fruto do ventre é seu galardão. Bem-aventurado o homem que enche deles a sua aljava.

Ang mga anak ay pagpapala

at gantimpalang mula sa Panginoon.

Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama

ay parang pana sa kamay ng sundalo.

Mapalad ang taong may maraming anak,

dahil may tutulong sa kanya

kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Mapalad kayong may takot sa Panginoon,

na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.

Ang inyong pinaghirapan

ay magiging sapat sa inyong pangangailangan,

at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.

Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan

sa inyong tahanan, na sagana sa bunga,

at ang inyong mga anak na nakapaligid

sa inyong hapag-kainan

ay parang mga bagong tanim na olibo.

Ganito pagpapalain ang sinumang

may takot sa Panginoon.

Mapalad kayong may takot sa Panginoon,

na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.

Ang inyong pinaghirapan

ay magiging sapat sa inyong pangangailangan,

at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.

Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan

sa inyong tahanan, na sagana sa bunga,

at ang inyong mga anak na nakapaligid

sa inyong hapag-kainan

ay parang mga bagong tanim na olibo.

Sana habang bata pa ang aming mga anak na lalaki

ay maging katulad sila ng tanim

na tumutubong matibay,

at sana ang aming mga anak na babae

ay maging tulad ng naggagandahang haligi ng palasyo.

Ang mga anak niya ay magiging matagumpay,

dahil ang angkan ng mga namumuhay

nang matuwid ay pagpapalain.

Binasbasan sila ng Diyos at sinabi, "Magkaanak kayo at magpakarami. Punuin ninyo ang daigdig at pamahalaan ninyo ito. Pamunuan ninyo ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat nilalang na gumagalaw sa lupa."

Pagpapalain niya kayo ng maraming anak, masaganang ani at maraming hayop.

Pagpapalain niya kayo ng higit pa sa sinumang mga mamamayan sa mundo. Walang lalaki o babae sa inyo na magiging baog, ganoon din sa inyong mga hayop.

Instruir e disciplinar

Instrui a criança no caminho em que deve andar, e quando envelhecer não se desviará dele. Disciplina é amor em ação.

Ituro sa bata ang daang

dapat niyang sundan,

at kahit sa kanyang pagtanda

ay hindi niya ito kalilimutan.

Likas sa mga bata ang pagiging pilyo,

ngunit magiging matuwid sila

kung didisiplinahin.

Ang mapagmahal na magulang

ay nagdidisiplina ng kanyang anak.

Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak

itutuwid mo ang kanyang ugali.

Ang pagpalo at pagsaway sa bata

upang siyaʼy ituwid

ay magtuturo sa kanya ng karunungan,

ngunit kung siya ay pababayaan,

ipapahiya niya ang kanyang ina.

Ikalabintatlong Kawikaan

Huwag kang magpapabaya

sa pagdidisiplina sa iyong anak.

Magkaroon ng Karunungan sa Anumang Paraan

Mga anak, pakinggan ninyong mabuti

ang mga pagtutuwid ng inyong ama

sa inyong pag-uugali,

upang lumawak

ang inyong pang-unawa.

Narito ang mga kawikaan ni Solomon:

Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang,

ngunit ang anak na hangal

ay nagbibigay ng kalungkutan.

Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.

O amor de Deus por crianças

Deixai vir a mim as crianças. Jesus acolheu, abençoou e honrou as crianças como modelo de fé e humildade.

Nang makita ni Hesus ang nangyari, nagalit siya at sinabi sa mga alagad niya, "Hayaan nʼyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag nʼyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.

Kayo nga, kahit masasama kayo, marunong kayong magbigay ng mabubuting regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting regalo ang mga humihingi sa kanya.

Patuloy na lumaki si Hesus at lalo pang naging matalino. Kinalugdan siya ng Diyos at ng mga tao.

Kung paanong ang ama ay nahahabag

sa kanyang mga anak;

ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon

sa mga may takot sa kanya.

Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.

Bênção e promessa

O Senhor te abençoe e te guarde. Os filhos dos justos serão abençoados e suas gerações caminharão na retidão.

Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

Ipakita nawa ng Panginoon

ang kanyang kabutihan

at awa sa inyo.

At malugod nawa

ang Panginoon sa inyo

at bigyan niya kayo ng kapayapaan.

Nawaʼy bigyan ka ng Diyos ng lupaing masagana ang ani

na palaging may hamog na biyaya niya,

upang maging sagana ang pagkain at katas ng inumin mo.

Nawaʼy magpasakop at maglingkod sa iyo

ang maraming tao.

Nawaʼy maghari ka sa mga kamag-anak mo

at magpasakop sila sa iyo.

Nawaʼy ang sumusumpa sa iyo ay susumpain din,

at ang magpapala sa iyo ay pagpapalain din."

Sapagkat binigyan kita

ng tubig na pamatid-uhaw

at babasa sa iyong lupang tigang.

Ibibigay ko ang aking Espiritu

sa iyong lahi

at pagpapalain ko sila.

Lalago sila na parang halaman

na dinidiligan ng masaganang tubig

o mga puno nasa tabi ng ilog.

Ang iyong mga anak

ay tuturuan ng Panginoon

at silaʼy magkakaroon ng kapayapaan.

"Jeremias, bago kita nilikha sa tiyan ng iyong ina,

pinili na kita.

At bago ka isinilang, hinirang kita

at itinalaga upang maging propeta

sa mga bansa."

Magiging mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila. Bibigyan ko sila ng pagkakaisa sa puso at hangarin sa buhay para sambahin nila ako magpakailanman, para sa sarili nilang kabutihan at sa kabutihan ng mga angkan nila.

Kilala ninyo ako, dahil kayo

ang lumalang sa akin.

Kayo ang humubog sa akin

sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo

sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.

Alam na alam kong ang inyong mga gawa

ay tunay na kahanga-hanga.

Nakita ninyo ang aking mga buto

nang akoʼy lihim na hubugin

sa sinapupunan ng aking ina.

Nakita na ninyo ako,

hindi pa man ako isinisilang.

Ang itinakdang mga araw

na akoʼy mabubuhay

ay nakasulat na sa aklat ninyo

bago pa man ito mangyari.

Mula sa aking pagsilang,

akoʼy nakadepende na sa inyo,

mula si sinapupunan,

ikaw ang aking Diyos.

Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,

ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan

na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoon

o ang kanyang mga anak

ay namalimos ng pagkain.

Ang matuwid ay palaging nagbibigay

at nagpapahiram,

at ang kanilang mga anak

ay nagiging pagpapala sa iba.

Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak;

sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon

ang kapangyarihan ng Panginoon

at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

Karangalan ng mga loloʼt lola

ang kanilang mga apo,

gayon din naman, karangalan ng mga anak

ang kanilang mga magulang.

Ang taong matuwid

ay walang kapintasan.

Mapalad ang mga anak niya

kung siya ang kanilang tinutularan.

Criação e obediência

Pais, criai vossos filhos na disciplina e instrução do Senhor. Filhos, obedecei a vossos pais — isto é justo e agradável a Deus.

Aral sa mga Magulang at mga Anak

Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako, "upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal."

At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat kalugod-lugod ito sa Panginoon.

Mga magulang, huwag kayong gumawa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ng mga anak nʼyo upang hindi sila panghinaan ng loob.

Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.

Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? Kung hindi kayo dinidisiplina ng Diyos gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas.

Ngunit kung may mga anak o apo siya, matuto muna dapat silang gampanan ang tungkulin nila sa kanilang sambahayan at matutong tumanaw ng utang na loob sa kanilang magulang. Sapagkat nakalulugod ito sa Diyos.

Katulad ito ng isang babaeng naghihirap dahil malapit nang manganak. Ngunit pagkasilang ng sanggol, nakakalimutan na niya ang lahat ng hirap dahil sa kagalakan sapagkat naisilang na niya ang sanggol dito sa mundo.

Makakapasok sa lupaing iyon ang inyong mga anak na wala pang muwang. Natatakot kayo na baka bihagin sila, ngunit sa kanila ko ibibigay ang lupaing iyon at maaangkin nila iyon.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-