Fim do mundo
A Bíblia fala sobre o fim do mundo como evento certo e definitivo. Céus e terra passarão, mas as palavras de Jesus jamais passarão. A questão não é se, mas quando.
Os céus passarão
Os céus e a terra passarão, mas as palavras de Jesus permanecerão para sempre. O mundo presente é temporário.
Ang langit at lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita koʼy mananatili magpakailanman.
"Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan,
‘magdidilim ang araw,
hindi na magliliwanag ang buwan,
at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit.
Ang mga kapangyarihan sa kalawakan ay mayayanig.’
"Subalit walang nakakaalam tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito.
"Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito.
O dia do Senhor
O dia do Senhor virá como ladrão. Os céus passarão com grande estrondo, e os elementos se dissolverão no fogo.
Ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, biglang maglalaho ang kalangitan kasabay ng nakakapangilabot na ugong. Tutupukin ng apoy ang mga elemento sa kalangitan at ang lupa at ang lahat ng naroon ay masusunog.
Sa pamamagitan din ng kanyang salita, itinakdang tupukin ng Diyos sa apoy ang kasalukuyang langit at lupa sa Araw ng Paghuhukom at paglipol sa masasamâ.
Kung ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat, dapat kayong mamuhay nang banal at maka-Diyos, habang hinihintay ninyo ang araw ng pagdating ng Diyos at ginagawa ang makakayanan ninyo upang mapadali ang pagdating niya. Sa araw na ito, masisira ng apoy ang kalangitan at matutunaw ang lahat ng bagay na naroroon sa tindi ng init.
Mga kapatid, hindi ko na kailangang isulat pa sa inyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na ito, sapagkat alam na ninyong ang pagbabalik ng araw ng Panginoon ay katulad ng isang magnanakaw na dumarating sa gabi. Mangyayari ito habang inaakala ng mga tao na mapayapa at ligtas ang kalagayan nila. Biglang darating ang kapahamakan sa kanila tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaeng manganganak na. At hindi sila makakaligtas.
Ngunit hindi na kayo namumuhay sa kadiliman, mga kapatid, kayaʼt hindi kayo mabibigla sa araw ng pagbabalik ng Panginoon na darating na tulad ng magnanakaw. Kayong lahat ay nasa panig ng liwanag, nasa panig ng araw. Hindi kayo pag-aari ng gabi o ng kadiliman.
Ngunit hindi na kayo namumuhay sa kadiliman, mga kapatid, kayaʼt hindi kayo mabibigla sa araw ng pagbabalik ng Panginoon na darating na tulad ng magnanakaw. Kayong lahat ay nasa panig ng liwanag, nasa panig ng araw. Hindi kayo pag-aari ng gabi o ng kadiliman. Kaya nga, huwag tayong maging katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili. Sapagkat ang taong namumuhay sa kadiliman ay katulad ng taong pabaya na natutulog o katulad ng lasing na walang pagpipigil sa sarili. Ngunit dahil namumuhay na tayo sa liwanag, dapat ay may pagpipigil tayo sa sarili. Gawin nating panangga sa dibdib ang pananampalataya at pag-ibig, at helmet ang pag-asa natin sa pagliligtas sa atin ng Diyos. Sapagkat hindi tayo itinalaga ng Diyos para sa kaparusahan, kundi upang magtamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Destruição e renovação
O Dia do Senhor trará juízo sobre os ímpios, mas também novos céus e nova terra onde habita a justiça.
Malapit na ang nakakatakot
na araw ng paghatol ng Panginoon.
Itoʼy mabilis na dumarating.
Mapait ang araw na iyon,
dahil kahit na ang matatapang na sundalo
ay sisigaw para humingi ng tulong.
Sa araw na iyon,
ipapakita ng Diyos ang kanyang galit.
Magiging araw iyon ng pighati
at paghihirap,
araw ng pagkasira
at lubusang pagkawasak.
Magiging maulap at madilim
ang araw na iyon,
at maririnig ang tunog ng trumpeta
at sigawan ng mga sundalong sumasalakay
sa mga napapaderang lungsod
at sa matataas na tore nito.
"Sinabi ng Panginoon,
‘Ipaparanas ko ang paghihirap sa mga tao,
at lalakad sila na parang bulag
dahil nagkasala sila sa akin.
Dadaloy na parang tubig ang kanilang dugo,
at mabubulok na parang dumi
ang kanilang bangkay.
Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto
sa araw na ipapakita ko ang aking poot
na parang apoy na tutupok sa buong mundo.
Sapagkat tuluyan kong wawakasan
ang lahat nang naninirahan sa lupa.’ "
Makinig kayo!
Darating na ang araw ng paghatol
ng Panginoon,
ang araw ng kalupitan at matinding galit.
Wawasakin ang lupain
hanggang sa hindi na matirhan,
at ang mga makasalanang
naroon ay lilipulin.
Nang matanggal ng Kordero ang ikaanim na selyo, lumindol nang malakas. Nagdilim ang araw na kasing-itim ng damit-panluksa, at naging kasimpula ng dugo ang buwan. Nahulog sa lupa ang mga bituin, na parang mga hilaw na bunga ng igos na hinahampas ng malakas na hangin.
Kaya itinaboy ang malaking dragon; ang ahas noong unang panahon na diyablo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo. Itinapon siya sa lupa kasama ang kanyang mga anghel.
"May mga palatandaang makikita sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Mababagabag ang mga bansa at hindi nila malalaman kung ano ang gagawin nila dahil sa malalakas na ugong ng mga alon sa dagat. Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit.
Kaya maging handa kayo sa lahat ng oras. Palagi kayong manalangin upang magkaroon kayo ng lakas na mapagtagumpayan ang lahat ng mangyayaring paghihirap, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao nang hindi napapahiya."
Pagkatapos nito, nakita ko "ang bagong langit at ang bagong lupa." Naglaho na ang dating langit at ang dating lupa at wala na ring dagat. At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Diyos. Ang lungsod na iyon ay tulad ng isang babaeng ikakasal. Handang-handa na, at gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya. Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, "Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila. ‘Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,’ kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan."
At sinabi ng nakaupo sa trono, "Gagawin kong bago ang lahat ng bagay!" At sinabi niya sa akin, "Isulat mo ang sinasabi ko dahil totoo ito at mapagkakatiwalaan."