Publicidade

Ganância

Por Bíblia Online

A ganância é raiz de todos os males. A Bíblia alerta contra a cobiça, o acúmulo egoísta e o amor ao dinheiro, chamando-nos ao contentamento e à confiança em Deus.

O amor ao dinheiro

O amor ao dinheiro é raiz de todos os males. Quem quer enriquecer cai em tentação, armadilha e desejos insensatos.

Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.

Ang mga taong naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso, sa isang bitag ng mapanira at walang kabuluhang mga hangarin na nagdadala sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.

"Walang taong makapaglilingkod sa dalawang amo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan.

Kaya puksain na ninyo ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang seksuwal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyos-diyosan.

Hindi kayo dapat maparatangan na gumagawa ng kahit anong seksuwal na imoralidad, kalaswaan o kasakiman, dahil hindi ito nararapat sa mga hinirang ng Diyos.

Contentamento

Tende cuidado e guardai-vos de toda espécie de ganância. A vida de um homem não consiste na abundância dos bens que possui.

Pagkatapos, sinabi rin niya sa kanila, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari."

Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, subalit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?

Ang Katuruan tungkol sa Kayamanan at Ari-arian

"Huwag kayong mag-imbak ng mga kayamanan ninyo dito sa lupa, kung saan may insekto at kalawang na naninira, at may kawatang nakakapasok upang magnakaw nito. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang kawatang papasok upang magnakaw nito.

Ikawalong Kawikaan

Huwag mong pahirapan

ang sarili mo sa pagpapayaman.

Maging matalino ka

at ang sarili ay pigilan.

Ang kayamanang nakuha

sa pandaraya

ay madaling nawawala,

ngunit ang kayamanang pinaghirapan

ay pinagpapala.

Riqueza ilusória

As riquezas são passageiras. Quem ama o dinheiro nunca terá o suficiente. O contentamento com o que se tem é verdadeira riqueza.

Ang taong maibigin sa pera

at iba pang kayamanan,

kailanman ay hindi masisiyahan.

Wala rin itong kabuluhan.

Kung paanong hubad tayong ipinanganak

mula sa sinapupunan ng ating ina,

hubad din tayong mamamatay.

Hindi natin madadala ang ating mga pinaghirapan.

Ang taong tamad

ay laging naghahangad na makatanggap,

ngunit ang taong matuwid

ay nagbibigay nang walang alinlangan.

Iyan din ang dahilan kung bakit tayo nagbabayad ng buwis. Sapagkat ang mga namumuno ay lingkod ng Diyos at inilalaan nila ang kanilang buong panahon sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Bigyan ninyo ako ng pagnanais

na sundin ang inyong mga turo

at hindi ang pagnanais na yumaman.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-