Publicidade

Gratidão a Deus

Por Bíblia Online

A gratidão a Deus é atitude que transforma a vida. Reconhecer que toda boa dádiva vem de Deus nos leva a louvar, servir e viver com alegria e propósito.

Tudo vem de Deus

Toda boa dádiva vem do alto. Agradecer a Deus é reconhecer que Ele é a fonte de toda bênção e sustento.

Sapagkat ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti, at dapat walang ituring na masama kung tinatanggap nang may pasasalamat,

Sapagkat ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti, at dapat walang ituring na masama kung tinatanggap nang may pasasalamat, dahil nilinis ito ng salita ng Diyos at ng panalangin.

Ang Biyaya ng Diyos kay Pablo

Nagpapasalamat ako kay Kristo Hesus na ating Panginoon na nagbigay sa akin ng lakas na maglingkod sa kanya, dahil itinuring niya akong mapagkakatiwalaan. Kaya nga pinili niya akong maglingkod sa kanya,

Mga Bilin Tungkol sa Pagsamba

Una sa lahat, ipinapakiusap kong ipanalangin nʼyo ang lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Diyos ang kahilingan nʼyo para sa kanila nang may pasasalamat.

At makapagpapasalamat din kayo sa Ama. Ginawa niya kayong karapat-dapat na makibahagi sa mamanahin ng mga hinirang niyang namumuhay sa kaliwanagan.

Patuloy kayong lumago at tumibay sa kanya. Magpakatatag kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at maging mapagpasalamat din kayo.

Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.

Louvor e gratidão

Louvai ao Senhor e dai-lhe graças! Ele fez maravilhas e é digno de todo louvor e agradecimento.

Pinasasalamatan ko kayo Panginoon,

sapagkat matuwid kayo.

Aawitan ko kayo ng mga papuri,

Kataas-taasang Panginoon.

"Ang kailangan kong handog ay ang inyong pasasalamat

at ang pagtupad sa mga ipinangako ninyo

sa akin na Kataas-taasang Diyos.

Pupurihin ko ang Diyos

sa pamamagitan ng awit.

Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.

Ngunit ang mga lumalapit sa inyo

ay magalak sana at magsaya.

Ang lahat ng naghahangad

ng inyong pagliligtas

ay lagi sanang magsabi,

"Dakila ka, o Diyos!"

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Inaawit sa tono ng awiting, "Huwag Sirain!"

O Diyos, nagpapasalamat kami sa inyo.

Nagpapasalamat kami

dahil malapit kayo sa amin.

Ipinapahayag ng mga tao

ang inyong mga kahanga-hangang gawa.

At kaming mga mamamayan,

na inyong inaalagaan na parang mga tupa

sa inyong pastulan

ay magpapasalamat sa inyo magpakailanman.

Purihin kayo nang walang hanggan.

Pumasok kayo sa kanyang Templo

nang may pagpapasalamat at pagpupuri.

Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.

Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo

ng sayaw ng kagalakan.

Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa,

at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan,

upang hindi ako tumahimik,

sa halip ay umawit ng papuri sa inyo.

Panginoon kong Diyos,

kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya!

Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.

Magpasalamat kayo sa Panginoon

dahil siyaʼy mabuti;

ang kanyang pag-ibig

ay walang hanggan.

Expressões de gratidão

Dar graças com oração e súplica. A gratidão se expressa em palavras, atos e atitudes que glorificam a Deus.

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Palagi kayong magpasalamat sa Diyos Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

At hindi rin nararapat na marinig sa inyo ang mga malalaswa o walang kabuluhang usapan at masasamang biro. Sa halip, maging mapagpasalamat kayo sa Diyos.

Pasasaganain kayo ng Diyos sa lahat ng bagay upang palagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.

Ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti ninyo, upang habang dumarami ang tumatanggap sa biyaya ng Diyos ay dumarami rin ang magpapasalamat, at ito ay ikaluluwalhati niya.

at magpasalamat kayo sa lahat ng pagkakataon, dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na mga nakay Kristo Hesus.

Sinabi nila,

"Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat,

kayo po ang Diyos noon,

at kayo rin ang Diyos ngayon.

Nagpapasalamat kami sa inyo

dahil ginamit na ninyo ang inyong kapangyarihan,

at nagsimula na kayong maghari ngayon sa mundo.

Ngunit maghahandog ako sa inyo

nang may awit ng pasasalamat.

Tutuparin ko ang pangako ko

na maghahandog sa inyo.

Kayo po, Panginoon,

ang nagliligtas."

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-28_14-13-17-