Honrar os pais
Honrar pai e mãe é mandamento de Deus com promessa de vida longa e feliz. A Bíblia ensina que respeitar, obedecer e cuidar dos pais é dever sagrado dos filhos.
O mandamento com promessa
Honra a teu pai e a tua mãe para que vá bem contigo e vivas muito tempo sobre a terra. É o primeiro mandamento com promessa.
Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.
Igalang ninyo ang inyong mga magulang, ayon sa iniutos ng Panginoon sa inyo upang mabuhay kayo nang matagal at maging mabuti ang inyong kalagayan sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.
"Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako, "upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal."
Aral sa mga Magulang at mga Anak
Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako, "upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal."
At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat kalugod-lugod ito sa Panginoon.
Obedecer e respeitar
Filhos, obedecei a vossos pais no Senhor. Ouvir a instrução do pai e não desprezar o ensino da mãe traz sabedoria.
Payo sa Pag-iwas sa Masamang Tao
Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid
sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,
Payo sa Pag-iwas sa Masamang Tao
Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid
sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,
dahil itoʼy makapagbibigay
sa iyo ng karangalan
katulad ng koronang gawa sa bulaklak
at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.
Magkaroon ng Karunungan sa Anumang Paraan
Mga anak, pakinggan ninyong mabuti
ang mga pagtutuwid ng inyong ama
sa inyong pag-uugali,
upang lumawak
ang inyong pang-unawa.
Ang matalinong anak ay nakikinig
sa pangaral ng kanyang ama,
ngunit ang mapangkutyang anak
ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.
Ika-labimpitong Kawikaan
Makinig ka sa iyong ama
na pinanggalingan ng iyong buhay,
at huwag mong hamakin ang iyong ina
kapag siya ay matanda na.
Sumagot si Hesus, "At kayo din naman, bakit ninyo nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon? Halimbawa, sinabi ng Diyos, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’ at ‘Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’
Sumagot si Hesus, "At kayo din naman, bakit ninyo nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon? Halimbawa, sinabi ng Diyos, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’ at ‘Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’ Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa kanyang mga magulang na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay nakalaan na sa Diyos, hindi na niya kailangang tumulong sa kanila. Pinawawalang-halaga ninyo ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon.
Consequências da desonra
A Bíblia adverte severamente contra a desonra aos pais. Quem amaldiçoa ou agride os pais enfrenta consequências sérias.
Sinumang nagmamalupit
sa kanyang ama
o di kayaʼy nagpapalayas
sa kanyang ina
ay isang anak na sumisira
sa kanyang pangalan
at nagdudulot ng kahihiyan sa bayan.
Mamamatay ang sinumang sumumpa
sa kanyang magulang,
para siyang ilaw na namatay
sa gitna ng kadiliman.
"Ang anak na kumukutya
at sumusuway sa kanyang magulang
ay tutukain ng uwak sa mga mata,
at kakainin ng mga agila
ang bangkay niya.
"Ang sinumang lumapastangan sa kanyang ama at ina ay papatayin.
Tandaan mo ito: Magiging mahirap ang mga huling araw, dahil magiging makasarili ang mga tao, sakim sa salapi, mayabang, mapagmataas, mapanlait, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, at hindi maka-Diyos. Wala silang pagmamahal sa kapwa, ayaw nilang makipagkasundo sa kaaway nila, malupit, walang awa, mapanira sa kapwa, walang pagpipigil sa sarili, at galit sa anumang mabuti.
Cuidar dos pais
Quem não cuida dos seus, principalmente de sua família, negou a fé. Honrar os pais inclui respeitar os idosos.
Ngunit kung may mga anak o apo siya, matuto muna dapat silang gampanan ang tungkulin nila sa kanilang sambahayan at matutong tumanaw ng utang na loob sa kanilang magulang. Sapagkat nakalulugod ito sa Diyos.
Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.
Dapat ninyong igalang ang inyong ina at ama. Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.
Igalang ninyo ang matatanda. Igalang nʼyo ako na inyong Diyos, ako ang Panginoon.