Intimidade com Deus
A intimidade com Deus é o maior privilégio do cristão. Ele nos convida a nos aproximar, a conhecê-lo profundamente e a desfrutar de comunhão diária com o Criador do universo.
Aproximar-se de Deus
Chegai-vos a Deus e Ele se chegará a vós. Deus deseja intimidade, não religiosidade. Ele busca os que o buscam de todo coração.
Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.
"Lumapit kayo,
kayong lahat na nauuhaw,
lumapit kayo sa tubig!
Kahit wala kayong pera,
lumapit kayo at kumain!
Halikayo, kumuha kayo ng inumin
at gatas ng walang bayad!
Bakit ninyo ginugugol
ang inyong mga salapi
sa mga bagay na hindi makakain?
Bakit nʼyo inuubos ang inyong suweldo
sa mga bagay
na hindi makakapagpabusog sa inyo?
Makinig kayo sa akin
at makakakain kayo
ng mga masasarap na pagkain,
at talagang mabubusog kayo.
Lumapit kayo sa akin at kayoʼy makinig
upang inyong matagpuan ang buhay.
Gagawa ako ng walang hanggang
kasunduan sa inyo.
Ipapadama ko sa inyo
ang pag-ibig koʼt awa
na aking ipinangako kay David.
Gagamitin ko siya upang ipakita
ang aking kapangyarihan
sa mga bansa.
Gagawin ko siyang pinuno nila.
Tatawagin ninyo
ang mga bansang hindi ninyo kasama,
at magmamadali silang lalapit sa inyo,
dahil ako, ang Panginoon na inyong Diyos,
ang Banal na Diyos ng Israel,
ang nagbigay sa inyo ng karangalan."
Lumapit na kayo sa Panginoon
at tumawag sa kanya
habang naririyan pa siya
para tulungan kayo.
Bago pa sila manalangin
o habang silaʼy nananalangin pa lang,
sasagutin ko na sila.
‘Tumawag ka sa akin at sasagutin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga kahanga-hanga at mahihiwagang bagay na hindi mo pa alam.’
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.
Sede de Deus
Como a corça deseja as correntes de água, assim a minha alma suspira por ti, ó Deus. A intimidade nasce do desejo profundo.
Tulad ng usang sa tubig ng ilog
ay nasasabik,
O Diyos, ako sa inyoʼy nananabik.
Akoʼy nauuhaw sa inyo, Diyos na buháy.
Kailan pa kaya ako makakatayo
sa presensya nʼyo?
O Diyos, kayo ang aking Diyos.
Hinahanap-hanap ko kayo.
Nananabik ako sa inyo nang
buong pusoʼt kaluluwa,
tulad ng lupang tigang sa ulan.
Nakita ko ang presensya ninyo
doon sa Templo,
nasaksihan ko roon ang inyong kapangyarihan
at kaluwalhatian.
Akoʼy magpupuri sa inyo,
sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig
ay mas mainam pa kaysa buhay.
Pasasalamatan ko kayo
habang akoʼy nabubuhay.
Itataas ko ang aking mga kamay
sa paglapit sa inyo.
Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog
sa malinamnam na handaan.
At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan.
Sa aking paghimlay, kayo ang naaalala ko.
Sa buong magdamag, kayo ang iniisip ko.
Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit ako,
habang akoʼy nasa inyong kalinga.
Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako
ng inyong kanang kamay
upang hindi ako mapahamak.
Ngunit silang nagtatangka sa aking buhay
ay mapupunta sa lugar ng mga patay.
Mamamatay sila sa labanan
at ang kanilang mga bangkay
ay kakainin ng mga asong-gubat.
Matutuwa ang hari sa ginawa ng Diyos sa kanya.
Matutuwa rin ang mga nangako sa Diyos.
Ngunit ang lahat ng sinungaling
ay patatahimikin ng Diyos!
Unidade com o Pai
Jesus orou pela unidade dos seus com o Pai. A intimidade com Deus inclui confissão, perdão e alegria na comunhão.
Binigyan ko sila ng karangalan tulad ng ibinigay mo sa akin, upang silaʼy maging isa katulad natin. Akoʼy nasa kanila at ikaʼy nasa akin, upang silaʼy lubos na maging isa. Sa ganoon ay malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako, at malalaman din nilang minamahal mo ang mga mananampalataya tulad ng pagmamahal mo sa akin.
Sapagkat kasama ninyo
ang Panginoon
na inyong Diyos.
Siya ay isang mandirigmang
magliligtas sa inyo.
Siyaʼy magagalak sa inyo,
at sa kanyang pag-ibig kayoʼy
kanyang panunumbalikin.
Sa kanyang kagalakan
ay kanyang aawitan."
Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.