Jesus Cristo
Jesus Cristo é o centro de toda a Escritura — Deus encarnado, Salvador do mundo, Senhor dos senhores. Nele habita corporalmente toda a plenitude da divindade.
A divindade de Cristo
No princípio era o Verbo, e o Verbo estava com Deus, e o Verbo era Deus. Jesus é Deus revelado em carne humana.
Nang pasimula, naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos at ang Salita ay Diyos.
Nang pasimula, naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos at ang Salita ay Diyos. Sa simula pa lang ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha ang nalikha.
Naging tao ang Salita at namuhay kasama namin. Nakita namin ang kaluwalhatian niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama, puspos ng kagandahang-loob at katotohanan.
Sapagkat ang kaganapan ng Diyos ay nananahan kay Kristo, sa katawang lupa niya.
Sapagkat ang kaganapan ng Diyos ay nananahan kay Kristo, sa katawang lupa niya. At naging ganap kayo sa pakikipag-isa nʼyo sa kanya, na siyang pangulo ng lahat ng espiritung namumuno at may kapangyarihan.
Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:
Bagamaʼt siya ay Diyos,
hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos
bilang isang bagay na dapat panghawakan.
Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili
sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.
Naging tao siyang tulad natin.
Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:
Jesus, o Filho de Deus
Tu és o Cristo, o Filho do Deus vivo! Jesus revelou o Pai e demonstrou sua autoridade divina por palavras e obras.
Tinanong sila ni Hesus, "Ngunit sa inyo, sino ako?"
Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy."
Sinabi ni Hesus sa kanya, "Pinagpala ka ng Diyos, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit.
"Magdadalantao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel" (na ang ibig sabihin ay "Kasama natin ang Diyos").
Ang kapitan ng mga sundalo at mga kasama niyang nagbabantay kay Hesus ay nasindak nang mayanig ang lupa at nang makita ang lahat ng mga pangyayari. Sinabi nila, "Totoo ngang siya ang Anak ng Diyos!"
Ngunit nanatiling walang imik si Hesus at hindi sumagot.
Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, "Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Kapuri-puring Diyos?"
Sumagot si Hesus, "Ako nga siya, at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos. At makikita rin ninyo siya sa mga ulap na paparating dito sa mundo."
Ngunit sinabi ng lalaki sa kanila, "Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay niya.
Isang araw, nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, nagpabautismo rin si Hesus. At habang nananalangin si Hesus, bumukas ang langit, at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, "Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan."
Eu Sou
Jesus disse: antes que Abraão existisse, Eu Sou. Ele se identificou com o nome divino revelado a Moisés na sarça ardente.
Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, bago pa ipanganak si Abraham, ‘Ako ay Ako’."
Sinabi ni Moises sa Diyos, "Kung sakali pong pumunta ako ngayon sa mga Israelita at sabihin ko sa kanila na ang Diyos ng kanilang mga ninuno ang nagpadala sa akin upang iligtas sila, at magtanong sila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano po ang isasagot ko sa kanila?"
Sumagot ang Diyos kay Moises, "Ako ay Ako. Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ako ay Ako ang nagpadala sa akin.’ "
Ako at ang Ama ay iisa."
Ngunit sinabihan sila ni Hesus, "Ang aking Ama ay patuloy sa kanyang gawain, at ganoon din ako." Dahil sa sinabing ito ni Hesus, lalo nilang sinikap na patayin siya. Sapagkat hindi lang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, kundi tinawag pa niyang Ama ang Diyos, at sa gayoʼy ipinapantay niya ang kanyang sarili sa Diyos.
Dahil sa sinabing ito ni Hesus, lalo nilang sinikap na patayin siya. Sapagkat hindi lang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, kundi tinawag pa niyang Ama ang Diyos, at sa gayoʼy ipinapantay niya ang kanyang sarili sa Diyos.
Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay ang mga ito, ganoon din naman, binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang gusto niyang bigyan nito. Sa katunayan, hindi ang Ama ang hahatol sa mga tao kundi ang kanyang Anak, dahil ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol, upang parangalan ng lahat ang Anak tulad ng pagpaparangal nila sa Ama. Kaya, ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi rin nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kanya.
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang oras, at dumating na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang makikinig sa kanya ay mabubuhay.
O Salvador e Senhor
Jesus é o caminho, a verdade e a vida. Não há outro nome dado entre os homens pelo qual devamos ser salvos.
Sumagot si Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.
Sumagot si Hesus, "Felipe, ang tagal na nating magkasama, hindi mo pa rin ba ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa Ama. Paano mo nasabing ipakita ko sa inyo ang Ama? Hindi ka ba naniniwala na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi nanggaling sa akin kundi sa Amang nasa akin. Siya ang gumagawa ng mga bagay na ginagawa ko.
Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay.
Sinabi ni Hesus sa kanya, "Hindi baʼt sinabi ko saʼyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?"
Walang sinuman ang makapagliligtas sa atin kundi siya lang, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayoʼy maligtas."
Habang patuloy silang naglalakbay, nakarating sila sa lugar na may tubig. Sinabi ng eunuko kay Felipe, "Tingnan mo, may tubig dito! May dahilan pa ba upang hindi ako mabautismuhan?" [ Sumagot si Felipe, "Wala. Maaari kang bautismuhan kung sumasampalataya ka nang buong puso." Sinabi ng eunuko, "Oo, sumasampalataya ako na si Hesu-Kristo ang Anak ng Diyos."] Pinahinto ng eunuko ang karwahe. Lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe.
A supremacia de Cristo
Ele é o resplendor da glória de Deus e a expressão exata do seu ser. Toda a plenitude habita nele e por Ele tudo subsiste.
Sa Anak nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Umupo siya sa kanan ng Kataas-taasang Diyos doon sa langit matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan.
Ipinapakita nitong higit na dakila ang Anak ng Diyos kaysa sa mga anghel at higit na dakila ang pangalan niya kaysa sa kanila.
Kaya panghawakan nating mabuti ang pinaniniwalaan natin dahil mayroon tayong dakilang punong pari na pumasok sa kalangitan, na walang iba kundi si Hesus na Anak ng Diyos. Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala.
Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Diyos.
Ito ang dahilan kung bakit kinailangang magkatawang-tao ni Hesus, upang maging katulad siya ng mga kapatid niya sa lahat ng bagay. Sa ganoon, siya ay magiging punong pari nila na maawain at tapat, na makapaghahandog sa Diyos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng tao.
Ang totoo, pinasan niya
ang mga sakit natin,
at tiniis ang mga pighating
dapat sanaʼy ating dadanasin.
Inakala nating siyaʼy
pinarusahan ng Diyos,
sinaktan at pinahirapan.
Subalit, sinugatan siya
dahil sa ating mga pagsuway;
dinurog siya dahil sa ating kasamaan.
Ang parusang tiniis niya
ay nagdulot sa atin ng kapayapaan.
At dahil sa kanyang mga sugat,
tayoʼy may kagalingan.
Ipapanganak ang isang batang lalaki
na maghahari sa amin.
Tatawagin siyang,
"Kahanga-hangang Tagapayo,
Diyos na Makapangyarihan,
Walang Hanggang Ama,
at Prinsipe ng Kapayapaan."
Confessar a Cristo
Todo aquele que confessa que Jesus é o Filho de Deus, Deus permanece nele e ele em Deus. A fé em Cristo é a vitória.
Ang sinumang kumikilala na si Hesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanila at sila naman sa Diyos.
Ang sinumang kumikilala na si Hesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanila at sila naman sa Diyos.
Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo niya ang kanyang kaisa-isang Anak dito sa mundo, upang tayoʼy mabuhay sa pamamagitan niya. Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.
Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo niya ang kanyang kaisa-isang Anak dito sa mundo, upang tayoʼy mabuhay sa pamamagitan niya.
Ngunit ang nagpapatuloy sa kasalanan ay kampon ng diyablo, dahil ang diyablo ay gumagawa na ng kasalanan mula pa sa simula. Ito ang dahilan kung bakit naparito ang Anak ng Diyos: upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.
At sino nga ba ang nagtatagumpay laban sa mundo? Walang iba kundi ang sumasampalataya na si Hesus ang Anak ng Diyos.
At ito ang patotoo ng Diyos: Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang pinagmulan ng buhay na itoʼy ang kanyang Anak. Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay walang buhay na walang hanggan.
na kung ipapahayag mo na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
Viver em Cristo
Já não sou eu quem vive, mas Cristo vive em mim. Ele supre toda necessidade, dá paz e reina como Senhor.
Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
At dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus, ibibigay sa inyo ng aking Diyos ang lahat ng pangangailangan ninyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.
Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.
Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin.
Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Kristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Diyos.
Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at ang bawat bahagi ay may kanya-kanyang gawain, ganoon din tayong mga mananampalataya. Kahit na marami tayo, iisang katawan lang tayo kay Kristo, at magkakaugnay tayo sa isaʼt isa.
Ngunit salamat sa Diyos dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Alalahanin nʼyong si Kristo ang dapat ninyong parangalan nang buong puso at sundin bilang Panginoon. Dapat palagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.
Sapagkat iisa lang ang Diyos at iisa lang ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao; walang iba kundi ang taong si Kristo Hesus na
O Rei eterno
O Rei dos reis voltará em glória e majestade. Todo joelho se dobrará e toda língua confessará que Jesus Cristo é o Senhor.
Pagkatapos, nakita kong nabuksan ang langit, at may puting kabayo na nakatayo roon. Ang nakasakay ay tinatawag na Tapat at Totoo. Sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. Parang nagniningas na apoy ang kanyang mga mata at maraming korona ang nasa ulo niya. May nakasulat na pangalan sa kanya, na siya lang ang nakakaalam kung ano ang kahulugan. Ang suot niyang damit ay inilubog sa dugo. At ang tawag sa kanya ay Salita ng Diyos. Sinusundan siya ng mga sundalo mula sa langit. Nakasakay din sila sa mga puting kabayo, at ang mga damit nila ay gawa sa pinong lino, puting-puti at malinis. Mula sa bibig niya ay lumalabas ang matalas na espada na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. "At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal." Ipapakita niya sa kanila ang matinding galit ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Sa damit at sa hita niya ay may pangalang nakasulat: Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.
Sumainyo nawang lahat ang biyaya ng Panginoong Hesus. Amen.
Sinabi ni Hesus kay Tomas, "Tingnan mo ang mga kamay ko. Hipuin mo, pati na rin ang aking tagiliran. Huwag ka nang magduda; maniwala ka na."
Sinabi ni Tomas sa kanya, "Panginoon ko at Diyos ko!"
Marami pang himalang ginawa si Hesus na nasaksihan ng mga alagad niya ang hindi naisulat sa aklat na ito. Ngunit ang nasa aklat na itoʼy isinulat upang sumampalataya kayo na si Hesus nga ang Mesias, ang Anak ng Diyos. At kung sasampalataya kayo sa kanya, magkakaroon kayo ng buhay.
Ito ang aking utos: Magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo.
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang tumatanggap sa mga taong isinugo ko ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin."
Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila mula sa aking kamay, sapagkat walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin. Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Ako at ang Ama ay iisa."
"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat isinugo ng Diyos ang kanyang Anak dito sa sanlibutan upang iligtas ito, hindi upang hatulan.
"Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, dahil hindi siya sumasampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.
Ang sinumang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko.
Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako."
Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao ngunit hindi sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible sa Diyos."
Sumagot si Hesus, "Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos."
Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo.