Pular para o conteúdo
Publicidade

Uma só carne

Por Bíblia Online

O conceito de 'uma só carne' é o fundamento bíblico do casamento. Desde a criação, Deus uniu homem e mulher em uma aliança indissolúvel de amor, compromisso e intimidade.

A instituição divina do casamento

Deus criou o homem e a mulher e os uniu em aliança. O casamento é obra de Deus, e o que Ele juntou não separe o ser humano.

Kaya pinatulog ng Panginoong Diyos ang lalaki nang mahimbing. At habang natutulog siya, kinuha ng Panginoong Diyos ang isa sa mga tadyang niya at pinaghilom ang laman na pinagkuhanan nito. Mula sa tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalaki, gumawa siya ng isang babae, at dinala ito sa lalaki.

Sinabi ng lalaki,

"Narito na ang isang tulad ko!

Buto na kinuha sa aking mga buto,

at laman na kinuha sa aking laman.

Tatawagin siyang babae,

dahil kinuha siya mula sa lalaki."

Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.

Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, "Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya."

Kaya nilikha ng Diyos ang tao,

lalaki at babae

ayon sa wangis niya.

Sumagot si Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Diyos ang mundo, ginawa niya ang tao na lalaki at babae? At sinabi pa niya, Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa. Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."

Ngunit sa simula pa, nang likhain ng Diyos ang mundo, ginawa niya ang tao na lalaki at babae. Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa. Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."

O mistério da união

Paulo ensina que a união conjugal é um grande mistério que aponta para Cristo e a Igreja. A intimidade reflete a comunhão espiritual plena.

Gayundin naman, dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Sapagkat ang nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong nasusuklam sa sariling katawan, sa halip, pinapakain niya ito at inaalagaan. Ganito rin ang ginagawa ni Kristo sa kanyang iglesya, sapagkat mga bahagi tayo ng kanyang katawan.

Sinasabi sa Kasulatan, "Iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa." Napakalalim ng kahulugan ng misteryong ito, ngunit ang tinutukoy ko ay si Kristo at ang kanyang iglesya. Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. At kayong mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.

Hindi baʼt tayong mga mananampalataya ay bahagi ng katawan ni Kristo? Iyan ang dahilan kung bakit hindi talaga natin maaaring gamitin ang ating katawan, na bahagi ng katawan ni Kristo, sa pakikipagtalik sa babaeng bayaran. Hindi baʼt ang nakikipagtalik sa ganoong uri ng babae ay nagiging kaisang-katawan na niya? Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, "Silang dalawaʼy magiging isa." At kung nakikipag-isa tayo sa Panginoong Hesu-Kristo kaisa niya tayo sa espiritu.

Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Diyos sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadiyos. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan.

Fidelidade e alegria

A aliança conjugal exige fidelidade, respeito e dedicação mútua. A Bíblia celebra a alegria da intimidade dentro do casamento.

Pagpalain sana ang iyong asawa.

Maging maligaya ka sa kanya,

na napangasawa mo noong kayoʼy

mga bata pa.

Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa.

Lagi ka sanang masisiyahan sa kanyang dibdib,

at aakitin parati ng kanyang pag-ibig.

Anak, bakit ka paaakit sa babaeng mahalay?

Bakit mo yayakapin ang dibdib niya?

At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.

Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.

Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Kristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan.

Luis Carlos De Souza
1 pessoa deu Amém