Publicidade

Jovens

Por Bíblia Online

Deus tem planos maravilhosos para os jovens. A Bíblia os convida a consagrar a juventude ao Senhor, crescer em sabedoria e ser exemplo para todos em fé, palavra, conduta e amor.

Ninguém despreze a tua mocidade

Paulo exortou Timóteo: sê exemplo dos fiéis na palavra, no procedimento, no amor, no espírito, na fé e na pureza.

Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, maging halimbawa ka sa mga mananampalataya sa iyong pananalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

Gayundin naman, hikayatin mo ang mga kabataang lalaki na maging mapagpigil sa sarili.

Aral sa mga Magulang at mga Anak

Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako, "upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal."

Aral sa mga Magulang at mga Anak

Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako,

Lembrar do Criador na juventude

Lembra-te do teu Criador nos dias da tua mocidade. A sabedoria ganha cedo produz frutos duradouros na vida inteira.

Alalahanin mo ang lumikha sa iyo

habang ikaw ay bata pa

at bago dumating ang panahon ng kahirapan

at masabi mong,

"Hindi ako masaya sa aking buhay."

Alalahanin mo ang lumikha sa iyo

habang ikaw ay bata pa

at bago dumating ang panahon ng kahirapan

at masabi mong,

"Hindi ako masaya sa aking buhay."

Alalahanin mo siya

bago dumilim ang araw, ang buwan

at ang mga bituin na parang

natatakpan ng makakapal na ulap.

Darating ang araw na manginginig

ang iyong mga bisig

at manghihina ang iyong mga tuhod.

Hindi ka na makakanguyang mabuti

dahil iilan na lang ang iyong ngipin.

At lalabo na nang tuluyan

ang iyong paningin.

Kayong mga kabataan, magsaya kayo

habang kayoʼy bata pa.

Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin,

pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Diyos

ayon sa inyong mga ginawa.

Huwag kayong mag-alala o mabalisa man

dahil ang panahon ng kabataan

ay lumilipas lang.

Ang Pag-unlad ay Walang Kabuluhan

Mas mabuti pa ang isang batang mahirap pero marunong, kaysa sa isang matandang hari pero hangal at ayaw tumanggap ng payo.

Força e promessa

Os jovens renovam suas forças quando esperam no Senhor. Deus levanta jovens com visões e sonhos para transformar o mundo.

Kahit ang mga kabataan ay napapagod,

nanlulupaypay at nabubuwal,

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon

ay muling magkakaroon ng lakas.

Lilipad silang gaya ng isang agila.

Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.

Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Ang Araw ng Paghatol ng Panginoon

"At pagkatapos, ibibigay ko

ang aking Espiritu sa lahat ng tao.

Ang inyong mga anak na lalaki at babae

ay magpapahayag ng mga propesiya.

Ang inyong matatandang lalaki

ay mananaginip,

at ang inyong mga binata

ay makakakita ng mga pangitain.

Sa mga araw na iyon,

ibibigay ko rin ang aking Espiritu

sa mga utusang lalaki at babae.

Binigyan ng Diyos ang apat na kabataang ito ng karunungan at pang-unawa, pati na ang kaalaman sa ibaʼt ibang literatura. Bukod pa rito, binigyan ng Diyos si Daniel ng karunungan sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga pangitain at mga panaginip.

Pagkalipas ng tatlong taon na pagtuturo sa kanila ayon sa utos ni Haring Nebucadnezar, dinala sila ng punong tagapangasiwa sa kanya. Nakipag-usap ang hari sa kanila, at napansin ng hari na wala ni isa man sa mga kabataan doon ang makahihigit kina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias. Kaya sila ang piniling maglingkod sa kanya.

Karangalan ng kabataan

ang kanilang kalakasan,

at karangalan naman ng matatanda

ang kanilang katandaan.

Ang mga ginagawa ng isang kabataan

ay nagpapakita ng kanyang

tunay na pag-uugali,

kung siya ba ay matuwid o hindi.

Guardar o caminho

Como purificará o jovem seu caminho? Guardando-o segundo a tua Palavra. A Escritura na juventude guarda do pecado a vida inteira.

Paano mapapanatili ng isang kabataan

na dalisay ang kanyang buhay?

Sa pamamagitan ng pamumuhay niya

ayon sa inyong salita.

Ang salita ninyo ay iningatan ko

sa aking puso

upang hindi ako magkasala sa inyo.

Kayo ang aking pag-asa,

O Makapangyarihang Panginoon.

Mula noong akoʼy bata pa,

sa inyo, ako ay nagtiwala.

mga kabataan, matatanda at mga bata.

Lahat ay magpuri sa Panginoon,

dahil siyaʼy dakila sa lahat,

at ang kanyang kapangyarihan

ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa.

Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.

Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito,

magkakaroon ka ng karunungan,

maitutuwid ang iyong ugali

at iyong mauunawaan

ang mga aral na sa iyoʼy

magbibigay karunungan.

Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka,

dahil itinuturo nito ang matuwid

na paraan ng pamumuhay,

mabuting pag-uugali, paggawa ng tama,

at pagiging makatarungan.

Makapagbibigay ito ng karunungan

sa mga walang kaalaman

at sa kabataaʼy magtuturo

ng tamang pagpapasya.

Ikalabing-anim na Kawikaan

Anak, pakinggan mo

ang itinuturo ko sa iyo.

Maging matalino ka

at sundin mo ang tamang daan.

Huwag kang makikisama

sa mga hayok sa alak

o sa mga matatakaw sa pagkain,

sapagkat ang mga lasenggo

at matatakaw

ay hahantong sa kahirapan,

at dahil tulog sila nang tulog,

sa bandang huliʼy magdadamit

sila ng basahan.

Ika-labimpitong Kawikaan

Makinig ka sa iyong ama

na pinanggalingan ng iyong buhay,

at huwag mong hamakin ang iyong ina

kapag siya ay matanda na.

Coragem e vocação

Deus chamou jovens como Jeremias e Josué para grandes missões. A juventude não é desculpa — é oportunidade de servir poderosamente.

Sumagot ako, "Makapangyarihang Panginoon, hindi po ako magaling magsalita, dahil bata pa ako."

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, "Huwag mong sabihing bata ka pa. Kinakailangang pumunta ka saan man kita suguin, at sabihin ang anumang ipasasabi ko sa iyo. Huwag kang matakot sa mga tao sapagkat akoʼy kasama mo at tutulungan kita," sabi ng Panginoon.

Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,sabi ng Panginoon, mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan. Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo. Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo. Oo, matatagpuan ko kayo,sabi ng Panginoon, at ibabalik mula sa pagkakabihag. Titipunin ko kayo mula sa ibaʼt ibang bansa na pinangalatan ko sa inyo, at ibabalik ko kayo sa sarili ninyong lupain.

"Magpakatatag ka lamang at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang lahat ng kautusan na ibinigay saʼyo ng lingkod kong si Moises. Huwag mo itong kalilimutan upang magtagumpay ka, saan ka man magpunta. Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi upang malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, magiging maunlad ang lahat ng iyong gagawin at magtatagumpay ka. Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."

At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi ng Kasulatan:

"Kinamumuhian ng Diyos ang mga mapagmataas,

ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba."

Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo.

Sumusulat ako sa inyo, mga anak,

sapagkat kilala nʼyo na ang Ama.

Sumusulat ako sa inyo, mga ama,

sapagkat kilala nʼyo siya

na naroon na mula sa pasimula.

Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan,

sapagkat matatag ang inyong pananampalataya.

Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos,

at napagtagumpayan ninyo si Satanas.

Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag tayong makibahagi sa magugulong inuman at paglalasing, sa seksuwal na imoralidad, kalaswaan, sa pag-aaway, at sa inggitan.

Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa

ay matuto nang makipamatok at sumunod.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-