Legalidades
A Bíblia reconhece a necessidade de leis e governo civil. Os cristãos são chamados a obedecer às autoridades estabelecidas por Deus, enquanto mantêm a lealdade suprema a Cristo.
Submissão às autoridades
Toda autoridade é instituída por Deus. O cristão é chamado a respeitar as leis, pagar tributos e honrar quem governa.
Magpasakop sa mga Pinuno ng Bayan
Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan. Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Diyos, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang puwesto. Kaya ang mga kumakalaban sa pamahalaan ay kumakalaban din sa itinalaga ng Diyos, at dahil ditoʼy sila rin ang nagdadala ng kaparusahan sa sarili nila. Ang mga namumuno ay hindi dapat katakutan ng mga gumagawa ng mabuti. Ang dapat matakot sa kanila ay ang mga gumagawa ng masama. Gusto ba ninyong mabuhay nang hindi natatakot sa mga nasa kapangyarihan? Kung ganoʼn, gawin ninyo ang mabuti at pararangalan nila kayo. Sapagkat ang mga nasa kapangyarihan ay mga lingkod ng Diyos para sa ating ikabubuti. Ngunit kung gagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil may kapangyarihan silang parusahan ka. Silaʼy mga lingkod ng Diyos na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. Kaya magpasakop kayo sa mga nasa kapangyarihan, hindi lang upang maiwasan ang parusa kundi dahil ito ang nararapat gawin.
Iyan din ang dahilan kung bakit tayo nagbabayad ng buwis. Sapagkat ang mga namumuno ay lingkod ng Diyos at inilalaan nila ang kanilang buong panahon sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kaya ibigay ninyo ang nararapat sa kanila: Kung buwis at iba pang bayarin, bayaran ninyo; kung paggalang, igalang ninyo ang nararapat igalang, at kung parangal, parangalan ninyo ang dapat parangalan.
Pag-ibig ang Katuparan ng Kautusan
Huwag kayong mananatiling may pagkakautang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan.
Sa lahat ng oras, mamuhay kayo nang matuwid sa harap ng mga hindi kumikilala sa Diyos. Kahit paratangan nila kayo ngayon ng masama, sa bandang huli ay makikita nila ang mga kabutihang ginagawa nʼyo at luluwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng pagdating niya.
Magpasakop Kayo sa mga Tagapamahala ng Bayan
Alang-alang sa Panginoon, magpasakop kayo sa lahat ng tagapamahala ng bayan, sa emperador man na siyang pinakamataas na kapangyarihan o sa mga gobernador na sinugo ng Diyos upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti.
Ano sa palagay nʼyo? Nararapat po bang magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?"
Ngunit alam ni Hesus ang masama nilang balak, kaya sinabi niya, "Mga pakitang-tao! Bakit ninyo ako sinusubok? Patingin nga ng perang ipinambabayad ng buwis." Iniabot nila sa kanya ang pera. Tinanong sila ni Hesus, "Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa pera?"
Sumagot sila, "Sa Emperador."
Kaya sinabi niya sa kanila, "Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos."
Obrigações legais
Jesus cumpriu obrigações legais, pagou impostos e orientou seus seguidores a obedecer à lei sem comprometer a fé.
Pagbabayad ng Buwis para sa Templo
Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis at nagtanong, "Nagbabayad ba ng buwis para sa Templo ang inyong guro?"
Sumagot si Pedro, "Oo, nagbabayad siya."
Nang makabalik si Pedro sa tinutuluyan nila, tinanong siya ni Hesus, "Ano sa palagay mo, Pedro? Kanino nangongolekta ng mga buwis ang mga hari, sa mga anak nila o sa ibang tao?"
Sumagot si Pedro, "Sa ibang tao po."
Sinabi ni Hesus, "Kung ganoon, nangangahulugan na hindi kailangang magbayad ng buwis ang mga anak. Ngunit kung hindi tayo magbabayad, baka sumama ang loob nila sa atin. Kaya pumunta ka sa lawa at mamingwit. Ibuka mo ang bibig ng unang isdang mahuhuli mo at makikita mo roon ang perang sapat na pambayad sa buwis nating dalawa. Kunin mo ito at ibayad sa mga nangongolekta ng buwis para sa Templo."
"Kapag may nagsampa ng kaso laban sa iyo, makipag-ayos ka kaagad sa kanya habang papunta pa lang kayo sa hukuman. Dahil kung hindi, ihaharap ka niya sa hukom, at ibibigay ka naman ng hukom sa pulisya para ibilanggo. Sinasabi ko sa iyo ang totoo, hindi ka makakalabas ng bilangguan hanggaʼt hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.
Dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari para idemanda dahil sa pagsunod nʼyo sa akin. Ngunit pagkakataon nʼyo iyon upang magpatotoo sa kanila at sa mga Hentil ng tungkol sa akin. At kapag dinala kayo sa hukuman, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin nʼyo o kung paano kayo sasagot. Ipapaalam sa sandaling iyon kung ano ang sasabihin ninyo,
Ang Kapanganakan ni Hesus
Sa mga panahong iyon, ang Emperador ng Roma na si Augusto ay gumawa ng kautusan na dapat magpatala ang lahat ng mamamayan ng bansang nasasakupan niya. (Ito ang kauna-unahang sensus na naganap nang si Cirenio ang gobernador ng lalawigan ng Siria.) Kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista.
Dahil si Jose ay nagmula sa angkan ni Haring David, naglakbay siya mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at umuwi sa Bethlehem sa lalawigan ng Judea, sa bayang sinilangan ni David. Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na nooʼy malapit nang manganak.
Perspectiva divina
As nações são como uma gota no balde diante de Deus. Ele abre portas que nenhuma lei pode fechar.
Para sa Panginoon, ang mga bansa
ay para lamang isang patak
ng tubig sa timba
o alikabok sa timbangan.
Sa Diyos, ang mga pulo ay parang
kasinggaan lamang ng alikabok.
Ang lahat ng bansa ay balewala
kung ihahambing sa kanya.
At para sa kanya
walang halaga ang mga bansa.
dahil nabigyan ako ng magandang pagkakataon upang maisulong ang gawain dito, kahit na maraming sumasalungat.
Kaya sinabi ni Pilato, "Bakit ayaw mo akong sagutin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan akong palayain ka o ipapako sa krus?"
Sumagot si Hesus, "Wala kang maaaring gawin sa akin kung hindi ka binigyan ng Diyos ng kapangyarihan. Kaya mas malaki ang kasalanan ng taong nagdala sa akin dito sa iyo."
Este artigo te tocou? Faça uma oração!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.