Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Taga-Corinto 16

Tulong para sa mga Taga-Judea

1 Ngayon, tungkol naman sa tulong na nalikom para sa mga hinirang ng Diyos sa Judea, gayahin ninyo ang ipinagawa ko sa mga iglesyang nasa . 2 Sa bawat Linggo, dapat maglaan ang bawat isa sa inyo ng halagang ayon sa inyong kinikita, at maipon ito upang pagdating ko diyan ay nakahanda na ang inyong tulong. 3 Pagdating ko riyan, ang mga taong pipiliin ninyo na magdadala ng inyong tulong sa  ay bibigyan ko ng sulat na magpapakilala sa kanila. 4 At kung kinakailangan ko ring pumunta, isasama ko na sila.

Mga Plano ni Pablo

5 Tutuloy ako dʼyan sa Corinto pagkagaling ko sa  dahil kailangan kong dumaan doon. 6 Maaaring magtagal ako dʼyan sa inyo. Baka diyan ako magpalipas ng taglamig, upang matulungan ninyo ako sa mga pangangailangan ko sa aking paglalakbay, saanman ako magtungo. 7 Ayaw kong dadaan lamang ako sa inyo. Gusto kong magtagal sa piling ninyo kung loloobin ng Panginoon. 8 Samantala, mananatili ako rito sa Efeso hanggang sa araw ng Pentecostes, 9 dahil nabigyan ako ng magandang pagkakataon upang maisulong ang gawain dito, kahit na maraming sumasalungat.

10 Kung dumating diyan si Timoteo, asikasuhin ninyo siyang mabuti para mapanatag ang kanyang kalooban, dahil katulad ko rin siyang naglilingkod sa Panginoon. 11 Huwag ninyo siyang hamakin. At sa kanyang pag-alis, ihatid ninyo siya ng mapayapa upang makabalik siya sa akin. Inaasahan ko ang kanyang pagdating kasama ang iba pang kapatiran.

12 Tungkol naman sa kapatid nating si Apolos, pinakiusapan ko siyang dumalaw diyan kasama ang ilang mga kapatid, ngunit hindi pa raw sila makakapunta riyan. Dadalaw na lamang daw siya kung mayroon siyang pagkakataon.

13 Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay. 14 At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.

15 Alam ninyong si Estefanas at ang pamilya niya ang unang naging Kristiyano diyan sa . Inilaan nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga hinirang ng Diyos. Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, 16 na magpasakop kayo sa kanila at sa lahat ng katulad nila na nagtatrabaho at naglilingkod ng husto.

17 Natutuwa ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, dahil kahit wala kayo rito, nandito naman sila, at ginagawa nila sa akin ang hindi ninyo magawa. 18 Akoʼy pinasigla nila, at ganoon din kayo. Pahalagahan ninyo ang mga katulad nila.

Mga Pangwakas na Pagbati

19 Kinukumusta kayo ng mga iglesya sa lalawigan ng .

Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila at ng mga mananampalatayang nagtitipon sa kanilang tahanan, dahil pareho kayong nasa Panginoon.

20 At kinukumusta rin kayong lahat ng mga mananampalataya rito.

Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Kristo.16:20 bilang magkakapatid kay Kristo: Sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.

21 Akong si mismo ang sumusulat ng pagbating ito.

22 Parusahan nawa ng Diyos ang sinumang hindi nagmamahal sa kanya. Panginoon, bumalik na po kayo!16:22 Mula sa wikang Arameo na Marana tha na ang ibig sabihin ay "Halika, aming Panginoon!"

23 Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesus.

24 Minamahal ko kayong lahat kay Kristo Hesus.

Lugar Bíblico
Região / Território
Galácia
Hoje: Galácia (Anatólia Central), Turquia
ΓαλατίαGalatia
Galácia é uma região com igrejas, às quais Paulo escreveu uma carta; ele também percorreu a região, junto com a Frígia, fortalecendo os discípulos (Atos 18:23).
39,27° N, 32,98° L
Citado em 6 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Macedônia
Hoje: Macedônia, Grécia
ΜακεδονίαMakedonia
Macedônia é a terra de onde, numa visão, um homem pediu a Paulo que passasse até lá e ajudasse; nela ficava Filipos, colônia romana onde Paulo ficou vários dias (Atos 16:12).
41,60° N, 22,54° L
Citado em 24 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Acaia
Hoje: Acaia (Peloponeso), Grécia
ἈχαΐαAchaia
Acaia é a região onde Gálio era procônsul e que, com a Macedônia, fez uma coleta para os pobres dentre os santos de Jerusalém (Romanos 15:26).
38,72° N, 22,54° L
Citado em 10 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Ásia
Hoje: Oeste da Anatólia, Turquia
ἈσίαAsia
Ásia é a província onde, durante dois anos, judeus e gregos que viviam ali ouviram a palavra do Senhor; sete igrejas, de Éfeso a Laodiceia, ficavam nela (Atos 19:10).
38,40° N, 28,30° L
Citado em 21 versículos
Ver página completa
Pessoa
G3972
Paulo
ΠαῦλοςPau͂los
Paulo, também chamado Saulo, foi apóstolo de Cristo Jesus e, com Barnabé, voltou-se para os gentios. Antes, devastava a igreja e lançava homens e mulheres na prisão, até ouvir uma voz e ser levado sem enxergar até Damasco (Atos 13:46).
Significado: “Pequeno, humilde”
Ver página completa
Todos os capítulos de 1 Mga Taga-Corinto 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.