Motivação
Motivação verdadeira vem de Deus. A Bíblia nos inspira a correr a carreira da fé com perseverança, sabendo que o Senhor fortalece, guia e recompensa os fiéis.
Força do alto
Tudo posso naquele que me fortalece. Deus dá poder aos fracos e renova a força dos cansados — Ele é a fonte de toda motivação.
Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.
Pinalalakas niya ang mga napapagod
at ang mga nanghihina.
Kahit ang mga kabataan ay napapagod,
nanlulupaypay at nabubuwal,
ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon
ay muling magkakaroon ng lakas.
Lilipad silang gaya ng isang agila.
Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.
Lumakad man sila ay hindi manghihina.
Nalulugod ako sa Panginoon kong Diyos,
dahil para niya akong binihisan
ng kaligtasan at tagumpay.
Para akong lalaking ikakasal
na may suot na katulad
ng magarang damit ng pari,
o babae sa kasal na may mga alahas.
Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang magkaroon kayo ng pagnanais at kakayahang masunod ang kalooban niya.
Correr para o alvo
Prossigo para o alvo, para o prêmio da soberana vocação de Deus em Cristo Jesus. A corrida da fé exige disciplina e foco.
Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap. Nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Diyos na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
Kailangan ang Pansariling Disiplina
Alam ba ninyong isa lamang ang nananalo sa isang paligsahan kahit na marami ang sumasali dito? Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo para makamit ninyo ang gantimpala. Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili para makamit ang gantimpala. Ginagawa niya ito para sa gantimpalang hindi nagtatagal. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay magtatagal magpakailanman. Kaya nga, may direksiyon ang aking pagtakbo. Hindi lamang ako sumusuntok sa hangin. Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos.
Ang Diyos na Ating Ama
Samakatuwid, dahil napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Diyos, talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Diyos para sa atin. Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Diyos. Isipin nʼyo ang mga tiniis ni Hesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, upang hindi kayo panghinaan ng loob.
Anuman ang gawin ninyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao.
Propósito e missão
Deus tem planos de esperança para nós. Cada dia é oportunidade de fazer a sua vontade e avançar com confiança na missão.
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.
At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Oo, gagawin ko ang anumang hilingin ninyo sa aking pangalan.
Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo."
Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Diyos ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man."
Gawin mo ng buo mong makakaya ang iyong ginagawa, dahil wala nang trabaho roon sa lugar ng mga patay na patutunguhan mo. Wala nang pagpaplano roon, wala ring kaalaman at karunungan.
Kahit libu-libo pa ang mamatay
sa paligid mo,
wala pa ring masamang mangyayari saʼyo.
Kaya huwag kayong mabahala kung ano ang kakainin o iinumin ninyo; huwag kayong mag-alala tungkol sa mga bagay na ito. Ang mga bagay na ito ang pinapahalagahan ng mga tao sa mundo na hindi kumikilala sa Diyos. Ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang mga ito.
Noong kasama nʼyo pa kami, sinabi namin sa inyo na huwag pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.
Nabalitaan naming ang ilan sa inyo ay tamad, ayaw kumilos, at walang ibang ginagawa kundi makialam sa buhay ng iba. Kaya sa pangalan ng Panginoong Hesu-Kristo, mahigpit naming inuutusan ang mga taong ito na maghanapbuhay at huwag makialam sa buhay ng iba. At sa inyo naman, mga kapatid, huwag kayong magsawa sa paggawa ng mabuti.