Pular para o conteúdo
Publicidade

Namoro e sexo

Por Bíblia Online

Namoro e sexo são temas que a Bíblia trata com clareza e sem tabus. Deus criou o sexo como bênção dentro do casamento e nos chama à pureza fora dele.

Pureza sexual

A vontade de Deus é a santificação. Cada um saiba controlar seu próprio corpo em santidade e honra, não na paixão do desejo.

Nais ng Diyos na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Dapat ay matutong magpigil ang bawat isa sa sarili niyang katawan sa banal at marangal na pamamaraan, at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Diyos.

Maaari rin namang sabihin ng iba, "Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain." Totoo iyan, ngunit darating ang araw na pareho itong sisirain ng Diyos. Ang katawan ay hindi para sa seksuwal na imoralidad kundi para sa paglilingkod sa Panginoon; at ang Panginoon ang nag-iingat nito.

Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.

Arrependimento e restauração

Bem-aventurado aquele cujo pecado é perdoado. Deus restaura os que se arrependem e cria neles um coração limpo e renovado.

Mapalad ang isang tao

na ang mga pagsuway

at mga kasalanan ay pinatawad

at kinalimutan na ng Panginoon.

Mapalad ang tao na ang kasalanan

ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon,

at walang pandaraya sa kanyang puso.

Noong hindi ko pa ipinagtatapat

ang aking mga kasalanan,

buong araw akoʼy nanlulumo

at nanghihina ang aking katawan.

Araw-gabi, hirap na hirap ako

dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin.

Nawalan na ako ng lakas,

tulad ng natuyong tubig

sa panahon ng tag-araw.

Ngunit sa wakas ay ipinagtapat ko

ang aking mga kasalanan sa inyo;

hindi ko na ito itinago pa.

Sinabi ko nga sa sarili ko,

"Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon."

At pinatawad nʼyo ako.

Kaya ang lahat ng matapat

ay manalangin sana sa inyo,

habang may panahon pa.

Kung dumating man ang kapighatian

na parang baha,

hindi sila mapapahamak.

Hugasan nʼyo po ako

sa aking kasamaan,

at linisin nang lubos

sa aking kasalanan.

Mga pagsuway koʼy

tunay kong nalalaman,

pagkakasala koʼy

laging laman ng isipan.

Tanging sa inyo lamang ako

tunay na nagkasala.

Di kalugod-lugod sa inyong harapan

ang aking ginawa.

Kaya ang inyong paghuhusga

sa akin ay makatarungan.

Nararapat lamang

na akoʼy inyong hatulan.

Linisin at hugasan nʼyo ako

sa aking mga kasalanan

upang lubusan luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.

Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan

at kaligayahan

upang sa aba kong kalagayan,

ay muli kong makamtan ang kagalakan.

Kalimutan nʼyo na ang aking

mga kasalanan,

at burahin ang lahat kong kasamaan.

Isang busilak na puso, O Diyos,

ang likhain nʼyo sa akin;

bagong espiritung matapat,

ang ibigay sa akin.

Huwag nʼyo po akong itaboy

palayo sa inyong piling,

at huwag nʼyo po sanang bawiin

ang inyong Banal na Espiritu sa akin.

Panumbalikin sa akin

ang kagalakang

bunga ng inyong pagliligtas sa akin.

Bigyan nawa ako

ng espiritung masunurin.

Seja o primeiro