Publicidade

Não temas

Por Bíblia Online

'Não temas' é uma das frases mais repetidas na Bíblia. Deus a pronuncia nos momentos de maior temor, lembrando que sua presença e poder são maiores que qualquer ameaça.

Deus está contigo

Não temas, porque eu sou contigo. Deus repete essa promessa em cada crise, guerra e desafio que seus filhos enfrentam.

Huwag kang mangamba,

sapagkat kasama mo ako;

huwag kang malungkot,

sapagkat ako ang iyong Diyos.

Palalakasin kita at tutulungan.

Aalalayan kita sa pamamagitan

ng kamay kong nagliligtas.

Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Diyos.

Ako ang nagpapalakas sa iyo

at nagsasabing huwag kang matatakot

dahil tutulungan kita.

Kahit na maliit ka at mahina,

huwag kang matatakot

dahil ako mismo ang tutulong sa iyo,"

sabi ng Panginoon,

ang iyong Tagapagligtas,

ang Nag-iisang Banal ng Israel.

Kayong mga nagdadala

ng magandang balita sa Zion,

umakyat kayo sa mataas na bundok.

Isigaw ninyo ang magandang

balita sa Jerusalem.

Lakasan ninyo, huwag kayong matakot.

Sabihin ninyo sa mga bayan ng Juda,

"Nandito na ang inyong Diyos."

Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."

Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Diyos ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man."

Ang Kasunduan ng Panginoon at ni Abram

Pagkatapos noon, nagsalita ang Panginoon kay Abram sa pamamagitan ng isang pangitain. Sinabi niya,

"Abram, huwag kang matakot

dahil ako ang magiging kalasag mo

at gagantimpalaan kita."

Coragem diante do perigo

Não tenhas medo — o Senhor teu Deus está no meio de ti, poderoso para salvar. Ele luta por nós e dá forças aos medrosos.

Sa araw na iyon,

sasabihin ng mga tao

sa mga taga-Jerusalem,

Mga mamamayan ng Zion,

huwag kayong matakot;

magpakatatag kayo.

Sapagkat kasama ninyo

ang Panginoon

na inyong Diyos.

Siya ay isang mandirigmang

magliligtas sa inyo.

Siyaʼy magagalak sa inyo,

at sa kanyang pag-ibig kayoʼy

kanyang panunumbalikin.

Sa kanyang kagalakan

ay kanyang aawitan."

Sumagot si Eliseo, "Huwag kang matakot. Mas marami tayong kasama kaysa sa kanila."

Nanalangin si Eliseo, "Panginoon, buksan po ninyo ang mga mata ng katulong ko para makakita siya." Binuksan ng Panginoon ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo.

Hindi dapat matakot

ang lupain ng Juda,

sa halip dapat itong magalak

dahil sa kamangha-manghang ginawa

ng Panginoon.

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, "Huwag mong sabihing bata ka pa. Kinakailangang pumunta ka saan man kita suguin, at sabihin ang anumang ipasasabi ko sa iyo. Huwag kang matakot sa mga tao sapagkat akoʼy kasama mo at tutulungan kita," sabi ng Panginoon.

Isang gabi, nagpakita ang Panginoon kay Pablo sa pamamagitan ng pangitain at sinabi, "Huwag kang matakot. Ipagpatuloy mo ang pangangaral at huwag kang titigil, dahil kasama mo ako. Marami akong alagad sa lungsod na ito, kaya walang mangangahas na manakit sa iyo."

At ikaw, anak ng tao, huwag kang matakot sa kanila o sa anumang sasabihin nila. Huwag kang matakot kahit na para silang mga halamang matitinik at mga alakdang nakapalibot saʼyo. Huwag mong katakutan ang kanilang salita at huwag kang kilabutan sa mababagsik nilang mukha, sapagkat silaʼy mga rebeldeng mamamayan. Dapat mong sabihin sa kanila ang ipinasasabi ko sa iyo, makinig man ang mga rebeldeng ito o hindi.

Fé que vence o medo

O medo não vem de Deus. Jesus disse: não temas, crê somente! A fé dissipa o medo e nos conecta ao poder de Deus.

Ngunit hindi pinansin ni Hesus ang sinabi nila. Sa halip, sinabi niya kay Jairo, "Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang."

Huwag kayong matakot sa mga paghihirap na dadanasin ninyo. Tandaan ninyo: Ipabibilanggo ni Satanas ang ilan sa inyo para subukin kayo. Makakaranas kayo ng pang-uusig sa loob ng sampung araw. Manatili kayong tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan ko kayo ng buhay bilang korona ng tagumpay.

Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, ngunit hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Diyos, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impiyerno.

Ngunit habang pinag-iisipan niya ito, may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya sa panaginip. Sinabi nito, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang ipinagbubuntis niyaʼy mula sa Banal na Espiritu.

Kaya sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos.

Nang makita iyon ni Simon Pedro, nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at sinabi, "Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako."

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-