Pular para o conteúdo
Publicidade

Nova criatura

Por Bíblia Online

Em Cristo somos nova criação. O velho se foi, tudo se fez novo. A transformação não é reforma — é renascimento completo pelo poder do Espírito Santo.

Novas criaturas em Cristo

Se alguém está em Cristo, nova criação é. As coisas velhas passaram e eis que tudo se fez novo. A transformação é radical e total.

Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.

Hindi na mahalaga kung tuli tayo o hindi. Ang tanging mahalaga ay kung binago na tayo ng Diyos.

Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin.

At sinabi ng nakaupo sa trono, "Gagawin kong bago ang lahat ng bagay!" At sinabi niya sa akin, "Isulat mo ang sinasabi ko dahil totoo ito at mapagkakatiwalaan."

Despir o velho e vestir o novo

Somos chamados a despir o velho homem e vestir o novo, criado segundo Deus em justiça e santidade provenientes da verdade.

iwanan na ninyo ang dati ninyong pagkatao at pamumuhay. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. Baguhin na ninyo ang inyong pag-iisip at pag-uugali, at isuot ang bago ninyong pagkatao na nilikhang naaayon sa matuwid at banal na Diyos.

Huwag kayong magsinungaling sa isaʼt isa, sapagkat hinubad nʼyo na ang dati ninyong pagkatao at masasamang gawain, at isinuot na ninyo ang bagong pagkatao. Ang pagkataong itoʼy patuloy na binabago ng Diyos na lumikha nito, upang maging katulad niya tayo at upang makilala natin siya nang lubusan.

Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkakaroon ng panibagong buhay.

At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Kristo upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo alipinin pa ng kasalanan. Sapagkat ang taong patay na ay malaya na sa kasalanan.

Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.

Coração e Espírito novos

Deus promete dar um coração novo e um espírito novo. Pelo novo nascimento somos feitos participantes da natureza divina.

Babaguhin ko ang inyong puso at pag-iisip nang hindi na kayo maging masuwayin kundi maging masunurin at tapat sa akin. Tutuparin na ninyo ang mga utos koʼt mga tuntunin. Magiging mga mamamayan ko kayo at akoʼy magiging Diyos ninyo.

Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli."

At sa pamamagitan din nito, ipinagkaloob niya sa atin ang mahahalaga at dakila niyang mga pangako. Ginawa niya ito upang makabahagi tayo sa kabanalan ng Diyos at matakasan ang mapanirang pagnanasa na umiiral sa mundong ito.

Ngunit huwag na ninyong

iisipin pa ang nakaraan,

dahil bagong bagay na ang gagawin ko.

Itoʼy nangyayari

at nakikita na ninyo.

Gagawa ako ng daan

at mga bukal sa disyerto.

Seja o primeiro