O poder da oração
A oração é o canal mais poderoso de comunicação com Deus. Através dela, milagres acontecem, montanhas são movidas e o impossível se torna possível.
Pedidos com fé
Jesus ensinou: pedi e recebereis. Tudo o que pedirmos em seu nome, crendo, Ele fará. A fé transforma a oração em poder.
"Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo.
Anumang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin ay matatanggap ninyo kung may pananampalataya kayo."
Kaya tandaan ninyo: Anuman ang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito, at matatanggap nga ninyo.
At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Oo, gagawin ko ang anumang hilingin ninyo sa aking pangalan.
Oração e milagres
A oração dos justos tem grande poder. Pedro orou e Dorcas ressuscitou. Jesus disse que certos demônios só se expulsam com jejum e oração.
Pinalabas silang lahat ni Pedro sa kuwarto. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin. Humarap siya sa bangkay at sinabi, "Tabita, bumangon ka!" Dumilat si Tabita, at pagkakita niya kay Pedro, naupo siya.
Sinagot sila ni Hesus, "Ang ganoong uri ng masamang espiritu ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin."
Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga pinuno ng iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng maysakit. Palalakasin siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan ninyo at ipanalangin ang isaʼt isa upang gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.
Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon,
at silaʼy iniligtas niya sa kanilang pagdurusa.
Pinatigil niya ang malakas na hangin
at kumalma ang dagat.
At nang kumalma ang dagat, silaʼy nagalak,
at silaʼy pinatnubayan ng Diyos
hanggang sa makarating sila sa nais nilang daungan.
Orar em todo tempo
A Bíblia nos exorta a orar sem cessar, com ações de graças e súplicas, revestidos da armadura espiritual. A oração traz paz sobrenatural.
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Espiritu. Ipanalangin ninyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga hinirang.