Publicidade

Gravidez e maternidade

Por Bíblia Online

Gravidez e maternidade são bênçãos celebradas na Bíblia. Deus forma cada criança no ventre, cuida da mãe e da família, e abençoa a geração dos justos.

Filhos são herança do Senhor

Deus abençoa a fertilidade e o crescimento das famílias. Cada criança é obra de suas mãos, conhecida e amada antes mesmo de nascer.

Pagpapalain niya kayo ng higit pa sa sinumang mga mamamayan sa mundo. Walang lalaki o babae sa inyo na magiging baog, ganoon din sa inyong mga hayop.

ngunit palaanak ang mga Israelita kaya mabilis na dumami at lumakas ang lahi nila. Sa sobrang dami nila, halos mapuno nila ang buong lupain ng Ehipto.

Ang mga anak niya ay magiging matagumpay,

dahil ang angkan ng mga namumuhay

nang matuwid ay pagpapalain.

Kilala ninyo ako, dahil kayo

ang lumalang sa akin.

Kayo ang humubog sa akin

sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo

sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.

Alam na alam kong ang inyong mga gawa

ay tunay na kahanga-hanga.

Nakita ninyo ang aking mga buto

nang akoʼy lihim na hubugin

sa sinapupunan ng aking ina.

Nakita na ninyo ako,

hindi pa man ako isinisilang.

Ang itinakdang mga araw

na akoʼy mabubuhay

ay nakasulat na sa aklat ninyo

bago pa man ito mangyari.

Ang mga anak ay pagpapala

at gantimpalang mula sa Panginoon.

Dadalhin ko ba ang bansang ito

sa araw ng kanyang kapanganakan,

at pagkatapos ay hindi ko siya hahayaang mailuwal?"

wika ng Panginoon.

"Siyempre hindi!

Hindi ko pipigilang maipanganak ito,"

sabi ng Diyos.

Força e cuidado na gravidez

Deus dá forças à mulher grávida e a sustenta em cada etapa. Sua graça é suficiente e seu poder se aperfeiçoa na fraqueza.

Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, "Sapat ang biyaya ko para sa ʼyo sapagkat ang kapangyarihan koʼy nakikita sa ʼyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay palagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Kristo.

Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas.

Kayo sa akin ay batong kanlungan,

at pader na tanggulan

para sa aking kaligtasan.

Mula sa dulo ng mundo,

akoʼy tumatawag sa inyo

dahil nawalan na ako ng pag-asa.

Dalhin ninyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,

Aalagaan niya ang kanyang

mga mamamayan gaya ng pastol

na nag-aalaga ng kanyang kawan.

Kinakarga niya ang maliliit na tupa

at maingat niyang pinapatnubayan

ang mga inahing tupa.

Makinig kayo sa akin, mga lahi ni Jacob,

kayong mga natitirang

mga mamamayan ng Israel.

Inalagaan ko kayo

mula nang kayoʼy ipinanganak

Aalagaan ko kayo hanggang

sa kayoʼy tumanda

at pumuti ang inyong buhok.

Ako, ako ang siyang

tutulong sa inyo.

Nilikha ko kayo

kaya kayoʼy aalagaan ko.

Tutulungan ko kayo

at ililigtas.

A bênção da maternidade

A Bíblia honra a maternidade como ministério sagrado. As mães são instrumentos de Deus para formar vidas e transmitir a fé.

Ganoon pa man, maliligtas ang mga babae sa pamamagitan ng panganganak nila, kung magpapatuloy sila sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan, at tamang pag-uugali.

Pinupuri siya ng kanyang mga anak,

at pinupuri rin ng kanyang kabiyak

na nagsasabi,

Si Cain at si Abel

Pagkatapos noon, sumiping si Adan sa asawa niyang si Eva at nagbuntis ito. Nang manganak si Eva, sinabi niya, "Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa pamamagitan ng tulong ng Panginoon, kaya Cain ang ipapangalan ko sa kanya."

Ang Pagsilang kay Isaac

Ngayon, biniyayaan ng Panginoon si Sara at tinupad ang kanyang sinabi gaya ng kanyang ipinangako. Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Diyos.

Ipinanalangin ni Isaac sa Panginoon ang kanyang asawa dahil baog siya. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeca.

At dumating ang panahon na nagbuntis siya at nanganak ng isang lalaki. Pinangalanan niya itong Samuel, dahil sinabi niya, "Hiningi ko siya sa Panginoon."

Proteção divina

Deus protege a mãe e o bebê, guardando-os de todo mal. Ele acompanha cada momento com ternura e fidelidade.

Ang sinumang nananahan

sa piling ng Kataas-taasang Diyos

na Makapangyarihan

ay kakalingain niya.

Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon,

"Siya ang kumakalinga

at nagtatanggol sa akin.

Siya ang aking Diyos

at sa kanya ako nagtitiwala."

Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;

pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.

Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,

ngayon at magpakailanman.

"Jeremias, bago kita nilikha sa tiyan ng iyong ina,

pinili na kita.

At bago ka isinilang, hinirang kita

at itinalaga upang maging propeta

sa mga bansa."

"Kung may nag-aaway at nasaktan ang isang buntis, at napaanak ito nang wala pa sa oras, pero walang masamang nangyari sa kanya, pagbabayarin ang nakasakit ayon sa halagang hinihingi ng asawa at pinayagan ng hukom. Ngunit kung malubha ang nangyari sa babae, parurusahan ang responsable dito katulad ng nangyari sa kanya. Kung namatay ito, papatayin din ang responsable dito.

"Makakalimutan ba ng isang ina

ang sanggol na kanyang pinasuso?

Hindi ba niya pagmamalasakitan

ang anak na galing sa kanyang sinapupunan?

Bagamaʼt makakalimutan niya,

hindi kita makakalimutan!

Esperança e promessa

A maternidade é caminho de esperança. Como Sara, Ana e Isabel, as mães encontram na fé a força para aguardar as promessas de Deus.

Dahil sa pananampalataya, nagkaroon ng kakayahan si Sara na magkaanak, kahit na baog siya at matanda na, dahil nanalig siya na tutuparin ng Diyos ang pangako niya.

Mapalad ka dahil naniwala kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon."

Ang Awit ni Maria

At sinabi ni Maria,

"Buong puso kong pinupuri ang Panginoon,

at nagagalak ang aking espiritu

sa Diyos na aking Tagapagligtas!

Sapagkat inalala niya ako

na kanyang abang lingkod.

Mula ngayon ay ituturing akong mapalad

ng lahat ng henerasyon,

dahil sa dakilang mga bagay

na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Diyos.

Banal ang kanyang pangalan!

Pinaliligaya niya ang baog na babae

sa tahanan nito,

sa pamamagitan ng pagbibigay

sa kanya ng mga anak.

Purihin ninyo ang Panginoon!

Pagpapalain ko siya at bibigyan kita ng anak sa pamamagitan niya. Magiging ina siya ng maraming bansa, at ang iba niyang mga lahi ay magiging hari."

Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan

sa inyong tahanan, na sagana sa bunga,

at ang inyong mga anak na nakapaligid

sa inyong hapag-kainan

ay parang mga bagong tanim na olibo.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-