Publicidade

Salmos 113

1 Purihin nʼyo ang Panginoon!

Kayong mga lingkod ng Panginoon,

purihin nʼyo ang pangalan ng Panginoon.

2 Purihin nʼyo ang Panginoon,

ngayon at magpakailanman.

3 Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,

ang pangalan ng Panginoon

ay dapat papurihan.

4 Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa,

ang kanyang kaluwalhatian

ay hindi mapapantayan.

5 Walang katulad ang Panginoon na ating Diyos,

na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.

6 Yumuyuko siya upang tingnan

ang kalangitan at ang sanlibutan.

7 Tinutulungan niya ang mga dukha

at nangangailangan sa kanilang kagipitan.

8 At silaʼy pinararangalang kasama ng mararangal na tao

mula sa kanyang mga mamamayan.

9 Pinaliligaya niya ang baog na babae

sa tahanan nito,

sa pamamagitan ng pagbibigay

sa kanya ng mga anak.

Purihin ninyo ang Panginoon!

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-