Pular para o conteúdo
Publicidade

Preservação das escrituras

Por Bíblia Online

A Palavra de Deus permanece para sempre. As Escrituras foram preservadas por Deus ao longo dos milênios para instrução, consolação e guia de todas as gerações.

A Palavra eterna

Céus e terra passarão, mas as palavras de Deus jamais passarão. Sua Palavra é eterna, infalível e imutável — a verdade que sustenta tudo.

Ang langit at lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita koʼy mananatili magpakailanman.

Ngunit sinasabi ko sa inyo ang totoo, hanggaʼt hindi naglalaho ang lupa at kalangitan, hindi rin maglalaho kahit isang tuldok o kudlit sa Kautusan hanggaʼt ang lahat ng itoʼy maisakatuparan.

Ang damo ay nalalanta

at ang bulaklak nito ay nalalaglag,

ngunit ang salita ng ating Diyos

ay mananatili magpakailanman."

Ayon sa Kasulatan:

"Ang lahat ng tao ay parang damo,

ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.

Ang damo ay nalalanta

at ang bulaklak nito ay nalalaglag,

ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman."

At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Diyos. Ayon sa Kasulatan:

"Ang lahat ng tao ay parang damo,

ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.

Ang damo ay nalalanta

at ang bulaklak nito ay nalalaglag,

ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman."

At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

A inspiração divina

Toda Escritura é inspirada por Deus. Homens santos falaram da parte do Senhor, e a Palavra escrita é a expressão fiel da vontade divina.

Higit sa lahat, dapat ninyong tandaan na walang propesiya sa Kasulatan ang nanggaling sa sariling pang-unawa ng mga propetang naghayag nito. Sapagkat hindi galing sa sarili nilang kalooban ang mga ipinangaral nila kundi sa Banal na Espiritu na nag-udyok sa kanila para sabihin ang salita ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Anak

Noong una, nangusap ang Diyos sa mga ninuno natin sa ibaʼt ibang panahon at sari-saring paraan sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit sa mga huling araw na ito, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan niya ay nilikha ng Diyos ang buong sanlibutan, at siya rin ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. Sa Anak nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Umupo siya sa kanan ng Kataas-taasang Diyos doon sa langit matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan.

Naging tao ang Salita at namuhay kasama namin. Nakita namin ang kaluwalhatian niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama, puspos ng kagandahang-loob at katotohanan.

Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Diyos para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya.

A Palavra como guia e tesouro

A Palavra de Deus é lâmpada para os pés, espada do Espírito e tesouro para o coração. Guardá-la e meditá-la nos protege do pecado.

Ang salita ninyo ay iningatan ko

sa aking puso

upang hindi ako magkasala sa inyo.

Ipinapakita ng kalangitan

ang kaluwalhatian ng Diyos!

Inihahayag ng kalawakan

ang gawa ng kanyang mga kamay.

Araw-araw, sinasabi ng kalangitan

ang tungkol dito,

gabi-gabi, ipinaaalam ng kalawakan

ang tungkol sa kanyang kapangyarihan.

Kahit walang salita o tinig

na mula sa kanilaʼy naririnig,

napapakinggan pa rin sa buong daigdig

ang kanilang salitaʼt tinig.

Doon sa kalangitan,

iginawa ng Diyos ang araw ng tirahan.

Tuwing umagaʼy sumisikat ito

katulad ng isang lalaking ikakasal

na masayang lumalabas

ng kanyang tahanan.

O kayaʼy isang manlalarong kampeon

na sabik na sabik sumabak sa takbuhan.

Itoʼy sumisikat sa silangan,

at lumulubog sa kanluran;

walang di mahahagip ng init

nitong taglay.

Ang kautusan ng Panginoon

ay walang kamalian.

Itoʼy nagbibigay sa atin

ng bagong kalakasan.

Ang mga turo ng Panginoon

ay mapagkakatiwalaan,

at nagbibigay karunungan

sa mga kulang sa kaalaman.

Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama

at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan.

Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw

at nagbibigay-liwanag sa kaisipan.

Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan,

gaya ng purong pilak na pitong ulit na nilinis

sa nagliliyab na pugon.

Panginoon, nalalaman namin

na kami ay inyong iingatan,

at ilalayo sa masamang henerasyong ito,

magpakailanman.

Sa halip, sinasabi ng Kasulatan, "Ang salita ng Diyos ay malapit saʼyo; nasa bibig at puso mo." Itoʼy walang iba kundi ang pananampalatayang ipinapangaral namin:

Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya. Ito ngayon ang tanong ko: Hindi ba nakarinig ang mga Israelita? Nakarinig sila, dahil sinasabi sa Kasulatan:

"Narinig sa lahat ng dako

ang kanilang tinig;

At nakarating sa buong mundo

ang sinabi nila."

Ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan noong unang panahon ay isinulat upang turuan tayo. At sa pamamagitan ng Kasulatan, tayoʼy magiging matatag at malakas ang loob, at magkakaroon ng pag-asa.

Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo. Itali ninyo ito sa inyong mga braso o ilagay sa inyong mga noo bilang paalala sa inyo. Isulat ninyo ito sa mga hamba ng inyong bahay at sa bukana ng pintuan ng inyong mga lungsod.

upang maunawaan ninyo at ng iba pang mga hinirang kung gaano kalawak, at kahaba, at kataas, at kalalim ang pag-ibig ni Kristo. Maranasan ninyo sana ito, kahit hindi ito lubusang maunawaan, upang maging ganap sa inyo ang katangian ng Diyos.

Mabuti ito at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas. Nais niyang maligtas ang lahat ng tao at malaman ang katotohanan.

Seja o primeiro