Pular para o conteúdo
Publicidade

Relacionamentos

Por Bíblia Online

Os relacionamentos são centrais na vida cristã. A Bíblia orienta sobre amizade, casamento, família e convivência, sempre tendo o amor como fundamento de toda relação.

Amor e amizade

O amigo ama em todo tempo. A Bíblia valoriza amizades verdadeiras que edificam, fortalecem e desafiam ao crescimento mútuo.

Ang kaibigan ay nagmamahal

sa lahat ng panahon,

at nagkakaroon tayo ng kapatid

para sa kagipitan ay tumulong.

Kung paanong pinatatalas

ng bakal ang kapwa-bakal,

ang tao namaʼy matututo

sa kanyang kapwa-tao.

Mas mabuti ang may kasama

kaysa mag-isa;

mas marami silang magagawa.

Kapag nadapa ang isa sa kanila

maitatayo siya ng kanyang kasama.

Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa,

dahil walang tutulong sa kanya.

Madali kang matalo kung ikaw ay nag-iisa,

subalit mahirap kang talunin

kung may kasama ka.

Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla,

mahirap itong malagot.

Casamento e família

O casamento é aliança sagrada. O marido deve amar a esposa como Cristo amou a Igreja, e ambos devem cultivar respeito e submissão mútua.

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Kristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya upang maging banal ito matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita ng Diyos.

Gayundin naman, dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Sapagkat ang nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.

Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. At kayong mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.

Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya nang pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang siyang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na ulo ng iglesya na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.

Mga Tuntunin sa Sambahayang Mananampalataya

Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang nararapat gawin bilang mananampalataya sa Panginoon.

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan.

Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, "Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya."

Ngunit dahil marami ang natutuksong gumawa ng seksuwal na imoralidad, mas mabuting mag-asawa ang bawat lalaki o babae.

Bahay at kayamanan sa magulang

ay namamana,

ngunit ang Panginoon lang

ang nagbibigay ng maalam na asawa.

Mahirap hanapin ang mabuting asawa.

Higit pa sa mamahaling alahas

ang kanyang halaga.

O irog ko,

ang lahat sa iyoʼy maganda.

Walang maipipintas sa iyo.

Convivência saudável

Os relacionamentos florescem quando tratamos os outros como gostaríamos de ser tratados, com amor crescente e caráter maduro.

"Kaya sa lahat ng bagay, gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa ninyo, sapagkat ito ang buod ng Kautusan at ng isinulat ng mga propeta.

igalang mo ang iyong mga magulang, at mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili."

Nawaʼy bigyan kayo ng Panginoon ng higit pang pag-ibig para sa bawat isa at sa lahat ng tao, gaya ng nag-uumapaw na pag-ibig namin para sa inyo.

Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.

Babala sa Pagsamba sa Diyos-diyosan

Huwag kayong makisama sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim, hindi rin sila maaaring magsama.

Sa tingin ba ninyoʼy papuri ng tao ang hinahanap ko? Hindi! Ang nais ko lang ay malugod sa akin ang Diyos. Kung papuri lang ng tao ang hinahanap ko, hindi ako tunay na lingkod ni Kristo.

Dahil dito, pagsikapan ninyong maidagdag sa pananampalataya nʼyo ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal, ang kaalaman; sa kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa pagpipigil sa sarili, ang pagtitiis; sa pagtitiis, ang kabanalan; sa kabanalan, ang pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo; at sa pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo, ang pag-ibig sa lahat.

Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan

kaysa sa maraming kayamanan.

Ang paggalang ng tao sa iyo

ay mas mahalaga pa

kaysa pilak at ginto.

Seja o primeiro